Robbie's POV
Hanggang ngayon ay nakatingin pa rin ako sa lalaking kasama ni Jasmin sa picture. Kahit alam kong patay na ang taong ito, nasasaktan pa rin ako kapag nakikita na ang saya nilang dalawa nang magkasama sa picture na ito.
Nakaakbay kay Jasmin si Ren-ren. Hindi ko alam kung nagagalit ba ako o nanghihina at nasasaktan. Bakit parang pakiramdam ko ay hindi pa talaga nakakamove on si Jasmin sa kanya.
Dahil kung talagang nakamove on na siya, dapat pinapalitan na niya ang profile picture niya lalo na ngayong may girlfriend na siya.
"Si Ate Jasmin ba yan?"
"Ay palakang may ibon!!" Nagulat ako dahil sa biglaang pagsalita ni Flair sa likuran ko. Papano naman siya nakapasok nang hindi ko nalalaman?
"Wag ka namang manggulat!! Saan ka nanggaling?" Tanong ko sa kanya.
"Sa pinto mo" sagot niya naman.
"Ni hindi ka man lang kumatok" sabi ko sa kanya.
"FYI, kanina pa po ako kumakatok sa pinto mo, hindi mo naman ako pinagbubuksan, kaya ako na lang ang bumukas ng pinto para sa'yo. Ang gwapo ng kasama diyan ni Ate Jasmin ah... sino yan? Boyfriend niya?" Tanong ni Flair.
"Hindi niya yan boyfriend. Dati, oo, pero ngayon hindi na. Wala na siya, patay na yung tao"
"Grabe naman si Kuya oh. Kung makapagdefend parang may something sila ni Ate Jasmin. Boyfriend ka ba? Kung makapagpaliwanag ka, parang kilalang-kilala mo si Ate Jasmin" sagot naman sa akin ni Flair.
Tiningnan ko lang siya hanggang sa magsink in sa kanya ang gusto kong malaman niya.
"OMG! No way!! So ibig bang sabihin, nililigawan mo si Ate Jasmin?" Gulat na tanong sa akin ni Flair.
"Hindi" sagot ko sa kanya. Tinaasan niya ako ng isang kilay na para bang hindi naniniwala sa akin.
"Hindi ko siya nililigawan... dahil girlfriend ko na siya" sagot ko sa kanya na nagpalaki naman ng mga mata niya.
"Gosh kuya!! Hindi ba talaga uso sa'yo ang panunuyo? Hindi ka ba nainform ng word na MANLILIGAW?" Tanong na naman niya sa akin.
"Eh basta na lang nangyari eh. Papano ko pa ipagpapaliban kung nandyan na? Mahal ko siya, mahal niya rin ako, magpapahirapan pa ba kami?" Paliwanag ko sa kanya.
"Kahit na, papano kung nadala lang pala kayo ng emosyon niyo. Eh di wala lang naman pala ang lahat. Ikaw talaga kuya, ganyan ka na naman eh. Basta nagugustuhan mo, gusto mo mapasa'yo agad. Ganyan din ang ginawa mo sa bruhabeks na babaeng Steph na yun" pagpapaliwanag uli ni Flair sa akin.
Paminsan talaga parang mas matanda pa sa akin itong kapatid ko.
"Tyaka, sa tingin ko ay hindi pa naman over si Ate Jasmin sa lalaking yan. Kita mo naman na hindi niya pa nga binabago yung profile picture niya at hindi niya pa rin binabago ang status niya. Kaya Kuya, kung ako sa'yo, pag-isipan mo ng mabuti ang mga desisyon mo. Mahirap na ang one-sided love" paliwanag niya uli saka umalis ng ng kwarto ko.
Napa-isip ako sa sinabing yun ni Flair. Papano kung nagdadalawang isip nga si Jasmin sa naging desisyon niya? Pano kung nadala lang siya ng ginawa ko.
Jasmin's POV
♡Kinaumagahan♡
"Hi beshie!" Nagulat naman ako nang bigla na lang umakbay sa akin si Chin-Chin, at tama ba yung narinig ko sa kanya?
Tinawag niya lang ba talaga ako ng beshie? Did she really mean best friend? Hindi ako sumagot sa pagbati niyang yun. Hindi ko naman talaga alam kung ano ang dapat na isagot sa kanya. Bakit niya naman ako basta-basta na lang tatawagin ng ganun.

BINABASA MO ANG
The First And Last
Teen FictionHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...