3rd Person's POV
♥Rriiiinnnggg rrriinnnggg♥
Nagising si Richard dahil sa tunog ng cellphone niya. Alas 6 pa lang ng umaga at tumatawag na agad sa kanya si Chin-Chin.
"Hello" pagsagot naman ni Richard kahit na tulog pa ang kalahati ng katawan niya.
"Hello!! Oh my Ghhiiee...!! Hindi ka pa ba gising? Kanina pa kita hinihintay sa pinto ng apartment mo no! Ang tagal akong papasukin ng guard niyo sa baba kahit na sinabi kong kilala mo naman ako" pagsagot din ni Chin-Chin.
Kahit na bakat pa ang punda ng unan sa mukha niya at mabilis namang tumayo si Richard sa higaan niya at mabilis na naligo.
"Uhh... hello, Robbie? You still there?" Pagtatanong ni Chin-Chin dahil sa basta na lang naibaba ni Richard yung cellphone niya kahit hindi pa napuputol ang tawag.
♥Click♥
Binuksan na ni Richard ang pinto ng apartment niya. Si Chin-Chin naman ay nangangalay na sa kakatayo sa labas.
"Wow ha!! Hindi man lang ako pagbuksan muna ng pinto bako ka nagpakasasa sa pagpapagwapo" saad ni Chin-Chin habang pumapasok sa loob.
"So ibig mo bang sabihin, gwapo ako?" Tanong naman ni Richard habang nakangisi.
"Sus!! What I meant was, kahit anong gawin mong pagpapagwapo ay wala nang magbabago sa mukha mo" paliwanag naman ni Chin-Chin.
"Wala nang magbabago dahil dati na akong gwapo" pangangatwiran naman ni Richard.
"Whatever" naisagot na lang ni Chin-Chin saka umupo sa sofa at inunat ang mga legs na kanina pa nangangalay.
"Himala ata, ikaw pa ang pumunta dito. May emergency ba?" Tanong ni Richard habang naghahanda ng makakain ni Chin-Chin.
"Tumawag kasi kanina si Flair. Nakita na daw niya yung video"
"Oh eh ano daw yung nakita niya?" Tanong ni Richard.
"Sabi niya, we need to see it for ourselves, dahil hindi niya daw maexplain in words" paliwanag ni Chin-Chin.
Inilagay na ni Richard yung juice at cookies sa center table na dali namang kinuha ni Chin-Chin.
"Hindi ka ba pinakain ni Tita ng isang linggo? Kung lantakan mo yung pagkain parang isang taon kang ginutom" pagbibiro naman ni Richard.
Hindi naman siya pinansin ni Chin-Chin at nagpatuloy lang sa kinakain niya.
"Ang sarap talagang gumawa ng cookies si Tita" saad ni Chin-Chin habang sumusubo ng isa pang cookie.
"Syempre, si Mommy pa. Eh number one baker namin yan sa bahay" paliwanag naman ni Richard.
"Kamusta na pala siya?" Pagtatanong ni Chin-Chin.
"Kahapon lang yung flight niya papuntang France. Nung tinawagan mo ako para magmovie, kakagaling ko pa lang nun sa airport" paliwanag uli ni Richard.
Halos araw-araw nang magkasama ang dalawa at kilala na nila ang pamilya ng isa't-isa.
Nang matapos na silang mag-usap ay dumiretso na sila sa bahay ni Flair para alamin kung ano ba talaga yung nakita ng bata.
Reyrin's POV
"Jusko naman Rin! Ba't ang tagal mo?" Pagsasalubong sa akin ng Manager ko.
Tumingin naman ako sa relo ko at nakitang 7:00 am pa lang.
"Ang aga ko pa nga po dito sa lagay kong ito" paliwanag ko sa kanya.
"I know, I was just practicing. Akala ko kasi magpapalate ka na naman. Mukhang excited ka ngayong ah" pagbibiro ng Manager ko.

BINABASA MO ANG
The First And Last
Fiksi RemajaHow can you say that Love is Strong? . . Jasmin Janeth Marquez. Isang babae na may masalimuot na nakaraan tungkol sa pag-ibig. Inakalang hindi na ulit iibig pa, pero naging mapagbiro ang tadhana sa kanya. . . A story that will show, how the heart fi...