Heartbeat 45↭ Execute Plan

118 4 0
                                    

Jasmin's POV

"Wala kayong karapatan na pumasok sa pamamahay ko! Mga mang-aagaw! Bumalik kayo sa nanay niyong mang-aagaw!"

Hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis sa isip ko ang mga sinabi ni Tita Raquel.

Akala ko wala nang sasakit pa sa mga pinagsasasabi niya tungkol sa amin ni Kuya, mas masakit pala yung mga sinabi niya tungkol kay Mama.

♥Rrrriiiiiinnng rrrriiiinnnng♥

Narinig ko yung cellphone ko kaya kinuha ko yun at sinagot yung tawag kahit hindi ko pa man nakikita kung sino yung tumatawag.

"Hello" malumbay kong sagot.

"He— beshie, okay ka lang?" Si Chin-Chin lang pala yung tumatawag.

Hindi ako sumagot sa tanong niya sa akin. Hindi ko lang kasi alam kung bakit parang kakaiba na naman ang sarili ko.

Alam kong mali itong ginagawa ko pero yun pa rin yung ginagawa ng katawan ko. Kapag iniisip kong ayos ako, naaalala ko uli yung sinabi ni Tita Raquel.

"Hoy, beshie, sabi ko okay ka lang ba? Ba't di ka sumasagot? Nandyan ka pa ba?" Tanong niya uli. Kusang gumalaw ang kamay ko at pinutol ang tawag.

Nagulat ako sa ginawa ko, pero satisfying, dahil ayaw ko rin talaga ng kausap ngayon specially ang isang madaldal na si Chin-Chin.

Humiga na lang ako sa higaan ko at nagpahinga. Pero papano naman kaya ako makakapagpahinga kung hanggang ngayon ay nakikita ko pa rin sa isip ang galit na mukha ni Tita Raquel.

Pilit kong iniiba ang nasa isip ko pero sa tuwing kumakalma ako, makikita ko naman ang pagmumukha ni Tita, kung hindi, ay si Robbie naman ang nakikita ko.

Talagang tinatalikuran na niya ako. Ayaw na niya akong makausap. Ngayon tuloy, parang pinagsisisihan ko na, na nakilala ko pa siya.

Ang sama naman ng tadhana. Ang taong nagmamay-ari ngayon ng puso ng dating boyfriend ko ay yung naging boyfriend ko rin na kapatid ko pala. Ang saklap naman ng pangyayaring ito.

3rd Person's POV

"Oh, ano daw sabi?" Pagtatanong ni Richard kay Chin-Chin.

"Naputol eh. Hindi ko man lang siya narinig" sagot naman ni Chin-Chin.

"Pano yan? Last call ko na yun" saad ni Richard habang kinakamot ang ulo.

"Sa tingin ko hindi siya okay ngayon. Kung sasabihin natin ang tungkol sa plano natin bukas, eh baka makadagdag pa yun sa stress niya. Tayo na lang ang gagawa nun" paliwanag ni Chin-Chin.

"Sigurado ka bang magagawa natin?" Nag-aalala namang tanong ni Richard.

"Of course we can. All we have to do is stick to the plan"

"Pano kung mabuking tayo"

"You know, you're so nega! Magagawa natin yun"

"Papano yung 50.1% na sinabi ni Flair. Ibubuwis niyo yun?" Tanong uli ni Richard.

"Eh ano naman sa 50.1%? Eh meron pa naman na 49.9% chance di ba? We should grab the opportunity" paliwanag ni Chin-Chin.

Hindi na nakasagot pa si Richard dahil sa mga pinagsasasabi ni Chin-Chin.

"Bahala ka na nga, sige uuwi na rin ako. Sunduin na lang kita bukas para sabay na tayo papunta sa Information Base" saad ni Richard. Ibinigay na ni Chin-Chin ang cellphone ng binata na ginamit niya para tawagan si Jasmin, pagkatapos ay tumayo na si Richard, nagpaalam at lumabas na ng bahay.

The First And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon