Heartbeat 20↭ Familiar Heartbeat

158 5 0
                                    

Jasmin's POV

Riiiiiiinnnnnnggg♥

Narinig ko na ang tunog ng alarm ko kaya mabilis ko naman yung pinatay at magpapatuloy pa sana ako sa pagtulog pero bigla kong naalala na ngayon na pala ang alis ni kuya.

Mabilis akong lumabas ng kwarto ko. Tumakbo ako papunta sa kwarto ni kuya na sampung lakad lang ang layo sa kwarto ko. Papalabas pa lang ako sa kwarto ko nang makita kong lumalabas din si kuya dala ang maleta niya.

Nakita ko pa lang siyang nakabihis ay naluha na agad ako. Ngayon na araw ko na lang makikita ang ordinaryo kong kuya. Bukas o makalawa, isa na siyang idol na hinahangaan ng maraming tao.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya. Lumundag ako para yakapin siya at sinalo niya naman ako. Alam kong amoy higaan pa rin ako pero wala akong pakialam. Hindi ko palalampasin ang huling pagkakataon na solong mayakap ang kuya ko. Pagsumikat na siya, marami na ang magiging kayakap niya. Lalo na kapag dumami na ang fans niya. Hindi ko na siya masosolo.

"Oh, bakit hindi ka makapagsalita?" Tanong sa akin ni kuya pagkatapos naming magyakap. Bago ako magsalita, tinakpan ko muna ng kamay ang bibig ko.

"May morning breath pa kasi ako" paliwanag ko sa kanya. Natawa naman si kuya sa sinabi ko habang may takip ang bibig.

"Ikaw talaga... kahit noon, afternoon, o evening breath pa yan wala akong pakialam. Hindi naman ako ibang tao no, dati nga umuutot ka pa sa mukha ko" natatawa namang saad ni kuya. Namula naman ako sa sinabi niyang yun. Nung elementary pa kasi ako nun palagi akong tumatapat sa kanya kapag uutot ako.

"Kuya naman!! Magpapaalala ka pa!!" Sigaw ko sa kanya. Nakita ko naman na nanibago ang mukha niya. Tinakpan ko uli ang bibig ko saka naman tumawa ng malakas si kuya.

"Hihihi.... sa tingin ko kailangan mo nang magtoothbrush Jaja... dalian mo at baka bumigay na ang mga ngipin mo at maghanap pa ng bagong bibig" pagbibiro naman sa akin ni kuya. Tumakbo naman ako papabalik ng kwarto ko.

"Hintayin mo ako sa sala kuya! Wag ka munang aalis!!" Sigaw ko habang tumatakbo.

Pagkatapos kong gawin ang morning routine ko ay lumabas na ako dala ang camera ko. Gusto kong irecord ang last time na makikita ko ang kuya ko bilang Reyrin Jonathan. Sa susunod ay makikilala na siya bilang Rin.

Nagsimula akong magrecord pagbaba ko ng hagdan. Nakafocus lang ang camera sa sala, kung saan naroon si kuya.

"What's that for?" Tanong niya nang makita niya ako.

"Gusto ko lang maalala ang pangyayaring ito. Say hi for the camera" sabi ko naman. Nagwave naman si kuya at nagintroduce ng sarili. Pinakilala niya ang sarili niya bilang Reyrin tyaka sinabi niya na magtatransform siya bilang isang Idol na si Rin.

"Kids!! Breakfast is ready" nagulat kami dahil nandito pa pala si mama. Madalas kasing maagang umaalis si mama para magbukas ng boutique.

Sabay kami ni kuya na lumapit sa kanya sa dining area.

"Mama, ikaw po ba ang nagluto ng breakfast ngayon?" Tanong ni kuya. Ngiti lang ang isinagot sa kanya ni mama.

"Umupo na kayo, bago pa lumamig ang pagkain. Tan, bilisan mo na at baka malate ka pa. Jasmin, pagkatapos nito, maligo ka na at magbihis, baka malate ka na rin sa klase mo" sabi naman ni mama.

Umupo na kami ni kuya at nagsimula nang kumain. Una ay paisa-isa ang subo namin hanggang sa pasunod-sunod na at hanggang sa binibilisan na namin ang pagkain. Namiss ko ang luto ni mama. Lasang-lasa sa pagkain ang TLC. Ang Tender Loving Care niya sa amin.

Pagkatapos naming kumain ay nagsimula na naman ang walang hanggang goodbye and mga wish luck na binibigay namin ni mama kay kuya.

Bago umalis si kuya ay nagkaroon muna kami ng groufie. To remember this last time together as an ordinary family. Ngayon ko rin lang uli nakita sa picture ang ngiti ko. Pinilit kong ngumiti ng malaki para maipakita ko naman na masaya ako para kay kuya. Ayaw kong makita ni kuya na nalulungkot ako sa pag-alis niya kaya hindi ako tumititig ng matagal sa kanya at baka maiyak lang ako. Baka isipin pa niyang nagpapakachildish na naman ako.

The First And LastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon