Chapter 1

325 14 0
                                    

CHAPTER 1
            THIRD PERSON POV

"Tapos na ang pamamalagi mo sa mundong ito"sabi ng isang nilalang na nakacloak

"Okay lang sa akin. Wala naman akong magandang alaala na maiiwan"

"Simula't sapol nakasulat na sa iyong palad na ikaw ay magiging isang katulad namin."

"Ano bang pinagsasabi mo diyan?"

"You are destined to be a Grim Reaper. Taga sundo at taga-pangalaga ng mga kaluluwa hanggat sila ay magkaroon ng panibagong buhay"

"Bakit ako pa ang napili. Mas gusto ko pang maging kaluluwa nalang. Alam ko nakatadhana na iyan sa akin. Ngunit marami akong mga bagay na nais na gawin na di ko nagawa noon" sabi ko sa lalaking nakaitim. May hawak itong scythe niya. Mukha siya ang taga-sundo ko.

"Sa ayaw at sa gusto mo maisusulat na ang iyong nakatadhana at di mo na ito mapipigilan pa. Hindi matatakasan ang isang bagay na nakatadhana sa iyo"seryoso niyang sabi sa akin

Wala na siyang magawa at ayaw na niyang makipagtalo sa isang Grim Reaper. Nong buhay pa siya alam na niya na ganito ang mangyayari sa kaniya. Simula nong bata pa siya, palagi na siyang may nakikitang nilalang na nakaitim na siya lang ang nakakakita. Minsan nakikita niya pa ito na may kaluluwa na nakasunod sa likod nito. Every may maaksidenti, nakikita niya rin mismo na kung pano sila susulpot at kung paano sila biglang lalaho . Lalo na sa hospital na naturingan na niyang bahay. Nais man niyang tumakbo ngunit di niya magawa. Nais niya mang sirain at wag sundin ang nakatadhana sa kanya ngunit di pwede..tatakbo man siya ngunit mahuhuli parin siya ng kapalaran

"Kailangan mong sumama sa akin"sabi nito

"Bakit? Saan tayo pupunta?"tanong ko sa kanya.

"Sa dimension ng mga katulad natin."

Wala na siyang nagawa kundi sumunod sa paglalakad. Ayaw niya rin naman makipagtalo. Kailangan niya rin naman na sundin kung ano ang nakatadhana sa kanya. Masakit man isipin, ngunit kailangan. Kahit di niya nararanasan ang mga bagay na nais niyang gawin nong nabubuhay pa siya, dahil sa sakit niya. Malungkot man isipin na wala na siyang pagkakataon na gawin ang mga gusto niya dahil magiging isang taga-sundo na siya ng mga kaluluwa na namatay na.

Salamat sa pagbabasa
Kindly vote and comment.
-EDITED

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now