Chapter 4

174 7 0
                                    

CHAPTER 4

                BRIOHNY POV

Naglalakad ako ngayon sa may kalsada. Matirik yung araw, maraming taong naglalakad at mga busina ng mga sasakyan.

Ganito ang parati kong ginawa ng cu-cutting class, sa tuwing pinapagalitan ng guro o pinaparusahan, tinatakasan ko sila. Hehe.

'Buti di na sumunod ang multong yun. Siya pa naman and dahilan ng parati kong pag-cu-cutting class. Pag nalaman to ni mama hihilain niya talaga tenga ko. Huhu ayaw ko nun.'

Patay na pala papa ko, ngunit ang pinagtataka ko bakit di ko siya nakita. Minsan nong bata pa ko iniisip ko nalang na nasa heaven na siya. Si mama na ang nagpalaki sa amin. Meron naman kaming restaurant pero di yun kasing bongga sa iniisip niyo. Meron din akong kapatid Si Keyle Jane Park at ako naman si Briohny Jane Park at 18 nako.

Naglalakad parin ako ngayon na may lollipop sa bibig ko na may nahagip ang mata ko na isang nilalang na naka hospital gown tumatakbo. Para kaming baliw na nag-papatentero, di niya alam kung saan daan at gayun rin ako..pupunta ako sa kaliwa, kakaliwa siya sa kanan naman ganon rin. Tumayo ako ng maayos dahil nainis na ako ng kaunti.

"Nakikita mo ko?"tanong niya sabay turo sa sarili.

"Syempre nakikita kita no. Nakatuon ba mata ko sayo kung hindi"sabi ko sa kanya sabay pasok ng lollipop sa bibig.

"Please tulungan mo ko. May humahabol sa kin?"sabi ng lalaking kaluluwa na to na ikinuot ng noo ko. Galing pati multo naghahabulan narin. Mga Ugok!

"Sino?"tanong ko.

"Lalaking nakaitim. Please tulungan mo ko"pagmamakaawa niya.

"Haays.. kung tumakbo nalang po kayo ulit. Sige na po baka maabutan kayo."sabi ko at tumakbo na ito ulit at nagpasalamat. Yung mga tao na nadadaanan ako nagbubulungan. Parati naman eh. Sila kaya sa sapatos ko para feel nila ang ganito. Tss!

Nakatayo lang ako habang hinihintay yung humahabol sa kanya.

              GRIM REAPER's POV
"Aish! Bwesit na kaluluwa na yun ah. Tinakbuhan pa talaga ako." Inis kong sabi.

Nagsisipilyo ako kanina ng may nakita akong kaluluwa na pagala-gala. Tinigil ko muna ang pag-sipilyo ko at nag teleport palabas.

"Hoy!Ikaw!"tawag ko sa kanya ngunit bigla lang itong tumakbo. Kaya ayun..hinabol ko . -_-

Sa di kalayuan may nakita akong babae na nakatayo habang may subo na lollipop.

'Teka. Sa akin ba to nakatingin?'

Palapit-napalapit na ako sa kanya ngunit binalewala ko lang baka di yan sa akin nakatingin. Habang papalapit ako nakikita ko na ng maayos ang pagmumukha.

"Hoy!"tawag niya. Lumingon ako sa likuran ko baka may tao.

"Ikaw yung tinatawag ko. May palingon-lingon ka pang nalalaman. Tukmol!"sabi niya

'Nakakarindi rin tong babaeng to a! Iniinis na agad ako'

Hindi ako makapaniwala na nakikita niya ako. Alam ko na may kakayahan ang ibang tao na makakita ng isang kaluluwa, pero walang tao na nakakakita sa amin except kong namatay ka na at susunduin ka na namin.

"Tss!Pipi! Diyan ka na nga!"sabi niya at nilagpasan niya ako at may pataghoy-taghoy pa itong nalalaman.
Bago non nagkabangga ang mga braso namin dahilan para dumilat yung mata ko kasi nga naramdaman ko siya at ganon rin siya. Kaso tanga rin ang babaeng yun. Hays!-___-

 ---  
       
"Ay kingina!"gulat na sabi ng isang grim reaper na katulad ko.

Nandito kasi ako sa Headquarter namin sa labas ng pinto ng bigla itong binuksan ng katulad kong grim reaper. Nagulat ko pa yata.

"Bat ganyan yang itsura mo. Nakatulala..daig mo pang sinaniban ah!"tanong niya

Di ko siya pinansin at pumasok sa loob. Nandito kaming lahat na mga Grim Reaper dahil magkakaroon kami ng pagpupulong. Dumiretso na ako sa Meeting Hall habang siya nakasunod lang sa akin.

"Ano bang problema mo?"siya

"Wa-wala"ako

"Geez! Ewan ko sayo!"siya.

Nasa loob na kami ng Meeting hall at umupo na ako.

"Makinig kayong lahat napapansin ko ngayon na dumadami na ang mga ligaw na kaluluwa o mga lost souls. Kailangan niyo silang ibalik sa dimensyon nila."sabi ng kataas taasan namin.

Pagkatapos ng meeting ay lumabas na agad ako. Di parin talaga mawala sa isip ko ang nangyari kanina. Paulit-ulit ang eksena sa utak ko.

Naglalakad na ko  ng biglang may tumawag sa akin.

"Bro! Ito yung hahanapin mo"sabi niya sabay bigay sa akin ng itim na sobre.

Binuksan ko to at binasa.

NAME:Cathy Chen
Lost souls
Location: Wenston University

"Sa university ko pala to hahanapin."sabi ko at pumunta na don.

               Briohny POV
Kanina nasa park ako kaya ngayon naisipan ko nang bumalik sa University. Don nako mag-lu-lunch.
Masipol-sipol akong naglalakad. Maya-maya lang nasa School nako.

"It's Ninja time! Haha"sabi ko at umakyat ulit sa bakod.

"Aahh!Grabe ubos ata lakas ko"sabi ko at tumalon na.

"Yes! Nagawa ko. Hehe"tuwa kong sabi, pagbagsak ko sa lupa inayos ko na ang sarili ko at pinagpag ang palda ko ng may nakita akong tao na nakaitim na nakatalikod.

'Sino siya?Bat nandito siya sa likod ng School building'

Salamat sa pagbabasa
Kindly vote and comment po
-Edited

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now