Chapter 8

130 7 0
                                    

CHAPTER 8

                BRIOHNY POV

Ramdam ko na humihina ang katawan ko. Nakita ko siya na lumabas kaya sumunod ako sa kanya. Iniwan ko ang bf niya na umiiyak. Di ko na kaya ang eksenang ito. Naglalakad ako ngayon na nakasunod sa kanya. Nadaanan namin ang park kaya umupo muna kami sa isa sa mga bench. Di ko napansin na medyo gumagabi na pala.

Rinig ko parin ang pag-iyak niya at pag-hikbi. Tumabi lang ako sa kanya.

"So aalis ka na?"tanong ko.
At ngumiti lang siya bago sumagot.

"Oo, salamat sayo. Sa lahat lahat. Sorry din sa pang-aasar ko sayo."ngiti niyang sabi.

"Nakakaiyak  naman. Huhu. Alam mo ba na ikaw lang ang naging kaibigan ko. Ikaw ang tinuring kong kaibigan. Ngayon na aalis ka na, malulungkot ako at magiging masaya rin kasi makakaalis ka na."sabi ko na pinipigilan ang pag-iyak.

"Haha masaya rin ako kasi may nakakausap ako. Na nakikita mo ang katulad namin. Nakita ko rin kung gaano ka kabait. Hehe"sabi niya

"Ma-mi-miss kita"sabi ko.

"Ako rin"sabi niya at nagyakap kaming dalawa.

"Sige aalis na ko. Magpaphuli na ako. Hehe"ngiti niyang sabi at naglaho na siya..naiwan ako sa park na umiiyak. Huhu

----

"Ma?nasa bahay na po ako"sabi ko at dumiretso sa kwarto. Nadat-nan ko ang kapatid ko na nag-aaral.
Nilapag ko na ang mga gamit ko at dumiretso sa banyo.
Maya-maya lang ay tapos na ako.

"Ate? Bat ganyan yang mukha mo. May problema ka ba?" Keyle

"Ha? Ah hehe wala. Mag -aral ka na diyan" sabi ko sa kanya. Isa pala kami ng kwarto kaya tuwing magkasama kami di ko pinapansin ang mga kaluluwa na gumugulo sa akin kasi yung kapatid ko sobrang matatakutin.

Tumingin ako sa bintana ng may nakita akong kaluluwa na nakatayo sa labas ng bintana namin.

Tumayo ako at tinaboy ito.

"Alis!"bulong ko

"Pina-aalis mo ko? How rude!"sabi ng lalaking multo na ito. Kainis isa pa to. Nawala na nga ang isa meron namang pumalit.

Sinara ko yung bintana at ni-lock.

"Ate kain na raw"sabi ng kapatid ko kaya bumaba na kami.

"Kamusta ang pag-aaral niyo mga anak?"mama

"Okay lang po"sagot ko.

"Okay lang po mama"sagot ng kapatid ko.

Pagkatapos namin kumain ay umakyat na ako sa taas para mag-pahinga. Sobrang pagod kasi ako ngayon at na-alala ko rin yung lalaking na naka-itim.

Nakatulala ako na nakatingin sa kisame. Di ko namalayan na unti-unti na ako nilamon ng antok.

--------

"Pasok na po ako mama"sabi ko at naglakad na palabas ng bahay. Habang naglalakad ako may nakita akong bata na wala ng buhok at naka-hospital gown.

"Bata?"tawag ko.

"Nakikita niyo po ako?"siya

"Oo. Anong ginagawa mo diyan?"tanong ko kasi nandito siya sa labas ng gate sa isang mansyon.

"Hinhintay ko na mommy ko na lumabas"masayahin niyang sagot.

"Ah, ganon ba? Sige sasamahan kita."ngiti kong sabi at maya-maya may lumabas na babae na umiiyak.

"Anong ginagawa mo rito? Tanong niya.

"Amf--may anak po ba kayo?"tanong ko at umiyak siya ng lalo.

"Oo--ka-katatawag -la-lang ng hospital..pa-patay na siya. Si-sige kailangan ko ng umalis"sabi niya na nauutal dahil sa paghikbi niya. Tinignan ko yung bata ng seryoso.

"Kamamatay mo lang?" Tanong ko sa kanya. Huhu gusto ko na namang umiyak.

"Opo. Nandito po ako para makita ko mommy ko kahit sa huling pagkakataon. Kukunin na po ako. May naghihintay po sa akin"sabi niya

"Ta-talaga? Sige. Umalis ka na."utal kong sabi. Kinakabahan kasi ako.

"Sige po"ngiti niyang sabi at niyakap ako ng bata ng may biglang sumulpot na lalaki na naka-itim.

Naging abnormal na naman ang puso ko kasi nakita ko ulit siya.

            
"Bata, halika na dito"tawag niya sa bata.

"Bye bye po ate"ngiting sabi ng bata sabay kaway-kaway sa kamay niya.

"Teka wait here"sabi niya sa bata at lumapit siya sa akin. Ang ginawa ko naman ay sa tuwing na lalapit siya ako uma-atras naman ako.

"Ah eh..a-anong gi-ginagawa mo?"utal kong tanong sa kanya.

"I'm interested in you. Meet me at the park"sabi niya at naglaho na kasama yung bata.

'Teka! Inuutusan niya ba ako? Grabe ang kapal akala mo kong sino. Bwesit!'sabi ko sa sarili ko.

Naglakad na ulit ako at maya-maya na sa school na ko. Bigla akong nakaramdam ng lungkot kasi wala yung multo na lage akong inaasar. Naglalakad ako ngayon sa pathway. Ang mga estudyante as usual nagbubulungan na naman na para di bulungan kasi nga naririnig ko.

"Narinig mo ba yung tsismis na nangyari sa mga lalaki kahapon?"

"Oo nga eh. Demonyo ata ang babaeng yan."

'Naman. Naging Demonyo na ako ngayon. '

Di ko nalang sila pinansin at binilisan ang paglalakad.

---
Tapos na ang morning season at lunch time na.
Tahimik akong kumakain ng may biglang nagbuhos sa akin ng juice.

"Hahaha Freak!"

"Bagay sayo"

"Hahahaha"tawanan nilang lahat.

'Okay lang yan Briohny. Wag ka paaapekto'

             GRIM REAPER POV

Pagkatapos kong ihatid yung bata ay dumiretso ako sa Unversity. Di ko nga alam kung bakit. Basta parang may sariling buhay tong mga paa ko.
Nagteleport na ako papuntang university. Naglalakad ako hanggang sa makarating, at dinala ako ng paa ko sa cafeteria.

"Bingo!"walang emosyon kong sabi. Pinagmasdan ko siya habang kumakain ng may 3 babae na binuhusan siya ng juice.

Biglang uminit ang ulo ko at di ko alam kong bakit. There was something in me na gusto ko ibalibag yung mga babaeng yun.

Nilibot ko ang University dahil may gagawin ako na di nila magugustuhan.

~Salamat sa pagbabasa.
~Edited.

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now