Chapter 33

83 5 0
                                    

Chapter 33

                   BRIOHNY POV
Isang linggo na ang nakalipas matapos ang nangyaring pag-uusap namin tungkol sa pag-alis niya. Hanggang ngayon mabigat parin sa puso ko. Pinipilit kung maging masaya kahit sa natitirang araw niya ngunit di ko paring maiwasang umiyak gabi-gabi.

Sembreak na namin ngayon at masaya naman ako dahil sa natitirang araw niya rito at makakasama ko siya. Ayaw ko nga siyang paalisin sa tabi ko kaya heto ako ngayon nakabuntot sa kanya papuntang Headquarter.

Sobrang excited na ako dahil makakakita ako ng katulad niya. Pagpasok namin ay nakasalubong namin ang 2 GR, ang gagwapo rin nila ngunit wala paring tatalo sa boyfriend ko.

"Bro! Kam--" putol niyang sabi ng makita niya ako

"Bakit nandito siya? "GR1 tanong niya sabay turo sa akin

"Hi! " masigla kong sabi.

"Hi miss! " GR2

----

Iniwan nila ako garden kasi may pag-uusapan raw sila ng pinuno nila, siguro pag-uusapan nila ang pag-alis niya at mamamaalam sa kanya o ano.

Nakaupo lang ako sa isa sa mga bench rito habang nakatingala sa langit ng biglang may tumabi sa akin.

"O!  Tapos na kayo? Nasaan na siya" tanong ko sa dalawa.

"Grabe hinahanap mo talaga siya parati no? " GR1 tawang sabi nito

"Paano kung aalis na siya? "GR2

"Ang sarap niyong ipatapon sa lungga ng mga DS" pananakot ko sa kanila. Takot kasi yan sila. Naalala ko nong umuwi na kami palabas sa lungga ng mga DS halos mamutla at maihi sila kasi daw napakacreepy ng lugar at ang annoying ng pag-ungol ng isang kaluluwa na pinahihirapan.

"Grabe ka naman! Huwag! Nakakatakot kaya don. Yay! " parang bakla nitong sabi kaya natawa naman ako.

"Alam mo ba na nahihirapan siya na iwan ka. Baka kasi di mo makayanan at mapaano kapa, ngunit para sa inyong dalawa ay gagawin niya. Bawal kasi na ang kagaya namin na magsama sa isang tao"GR2

"Matagal na niyang  nais na maging tao. Di nga namin alam. Siguro may gusto siyang gawin na di niya nagagawa noon o di kaya ang ---umibig. Ang ganda kaya na maging tagasundo, hindi namamatay. Ngunit ang puso niya ay sinisigaw na maging tao. At para magawa na niya iyon, kailangan ka niya kasi nga soulmate ka niya. Siguro hindi pa ito ang tamang oras para sa iyo" GR1

"Sana nga lang ay makayanan ko na iwan niya ako. Ang sakit lang kasi isipin na iiwan ka ng taong pinakamamahal mo. "Pigil iyak kong sabi at nakita ko rin ang lungkot sa mga mata nila. Alam ko na mamimiss siya nila at lalo na ako.

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako

"Anong sinasabi nila sayo? " tanong niya at umiling lang ako saka ngumiti..

-------

Sa pagdaan ng ilang araw ay siya lang ang lagi kong kasama. Sa kanya ko ibinuhos ang lahat ng oras ko, ang sembreak ko ay sa kanya ko ipinagkaloob.

Araw-araw rin kaming namamasyal,  nagde-date at magkawak ang kamay,  ng dahil sa Grim reaper siya ay ako lang ang kumakain samantalang siya pinagmamasdan lang ako.

Nanonood rin kami ng TV ngayon. Horror ang pinanonood namin. Kahit nakakatakot ang palabas ay umiiyak lang ako.

"Hey? Are you crying? Hindi naman to drama. Tss! "Siya

"Nakakaiyak kaya" sabi ko

"Ang alin? Ang pagkahulog niya sa hagdan? " tanong nito.

'Haay. Mag paka slow pala to eh. Tss'

Umiiyak kasi ako dahil ilang araw nalang aalis na siya. Nakahiga ako sa lap niya ngayon habang siya naman ay hinihimas niya ang buhok ko at kinukurot ang ilong ko.

"Aray ko naman! " reklamo ko.

"Para tumangos. Hehe" sabi niya

"Tss! Pasalamat ka matangos yang ilong mo?" Inis kong sabi

"Briohny? " tawag niya

"Bakit? " tanong ko

"I love you" sabi niya at bumangon ako at nginitian siya

"Mas mahal kita" sabi ko sa kanya at sa di inaasahang ay hinalikan niya ako sa labi at hindi ito smack, kundi isang halik na sinasabi sa akin kung gaano niya ako kamahal. Naghiwalay na kami sa aming paghalik sa isat isa ng madama namin na nawawalan na kami ng hangin. Niyakap niya ako at hinalikan sa ulo.

"Iingatan mo ang sarili mo ah?"sabi niya

"Matagal-tagal pa tayo magkikita. Mamimiss talaga kita ng sobra. "Dugtong niyang sabi at umiyak na naman ako.

"Huhuhuhu " iyak ko

"Huwag ka ng umiyak. Pumapangit ka" biro niya kaya pinalo ko siya sa braso ng mahina.

"Sige na, matulog ka na" sabi niya

"Tabihan mo ko" sabi ko sabay pout at ngumiti naman ito.

Sa sofa kami natulog sa may sala. Magkayakap kaming dalawa habang siya naman ay hinihimas ang ulo ko at naghu-humming pa.

Sa tuwing natatapos ang araw ay natatakot ako. Parang ayaw kong matapos ang araw dahil ayaw ko na dumating ang araw na iiwan na niya ako.

Yan na ang update. Huhuhu.
Malapit na talaga
Salamat sa pagbabasa.
Sorry sa typos
Kindly vote and comment
-AUTHOR

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now