Chapter 26

96 4 0
                                    

Chapter 26

                  BRIOHNY POV

Medyo masakit pa ang likod ko kaya lang nababagot na ako sa loob kaya naglalakad nalang ako sa dito ngayon sa corridor. Last subject na ngayon at wala na akong balak pumasok kaya naisipan ko na umuwi nalang.

"Rinig niyo ba na may bagong transferee daw at anak pa ng may ari ng school" sabi ng babae. Dalawa sila galing ata to sa CR.

"Oo nga eh. Nasa taas yung room niya puntahan natin mamaya para makita natin"sabi pa nong isa at alam ko kung sino ang tinutukoy nila.

Nasa pathway na ako ng biglang sumulpot ang tatlong kaluluwa na ito.

"Briohny balita namin nakipaglaban ka raw sa masamang kaluluwa? " tanong ni Kressile

"Nahimatay kamo. Hahaha hindi ah. Yung Grim Reaper "sabi ko na tumawa pa.

"Okay ka lang? " tanong ni Lance

"Oo naman. Kayo? Di na kayo masyadong pumupunta dito ah? " tanong ko.

"Eh kasi kumakalat na ang mga Dark Soul, kami ngang mga lost soul ay napipilitan na magtago o magpahuli sa mga tagasundo. Natatakot kasi sila na dakpin sila ng mga DS at dalhin sa pinuno upang gawing masama"mahabang sabi ni Kressile

"Yung mababait na katulad natin ang pinupuntirya nila. Pinagkakatuwaan. Yung mga masasama namang tao ay alagang-alaga nila at mas lalo pang binubulungan na gumawa ng masama"sabi ni Jake

"Hmm.. Napakasama pala talaga no. "Sabi ko

"Wala ka bang pasok? Di pa tapos klase niyo ah"tanong ni Lance.

"Tukmol! Last period na nila at galing yan sa clinic no. Uuwi ka na ba? " tanong ni Kressile

"Oo"sagot ko

"Sige hatid ka na namin"sabi ni Kressile at sa bakod na kami dumaan. Di pa kasi papayagang lumabas lalo pa't may klase pa.
-----

Naglalakad ako ngayon kasama ang tatlo. Marami ring tao na naglalakad na may dala ng kanilang pinamili at mga sasakyan na ubod ng ingay dahil sa pagbusina.

Nadaanan namin ang park ngunit naisipan ng tatlo na dito raw muna kami kahit saglit. Naupo ako sa may damuhan kaharap ang lawa, medyo malayo-layo na ito sa mga tao.

Hinintay ko yung tatlo rito dahil kukuha sila ng pagkain sa mga nagpipicnic. Mga Abno talaga.

---

May narinig akong sumisigaw at si Kressile yun. Kita sa mukha niya ang takot.

"Anong nangyari" tanong ko at hinihingal siya kakatakbo

"Si-silang La-lance, at D-dark Soul" sabi niya na di ko maintindihan.

"ANO?! " kaba kong tanong

"Briohny nakasalubong namin ang mga Dark Soul, kung saan kami kumuha ng pagkain nandon din sila pinagtritripan ang mga tao, ito namang dalawa akala mo sila si Batman at Superman nagtatapangan. " paliwanag niya at inutusan ko siya na dalhin ako kung nasaan yung dalawa.
------

Nandito na kami na kung saan yung dalawa, nakita ko ang dalawang anino na may pulang mata at yung kumag na iyon.

"Lance? Jake? Astig niyo ri--"putol kong sabi dahil may bata na nakasakay sa biseklita at nakadilat ang mata na tinitigan ako. Siguro nakita niya ako na nagsasalita na mag isa, kaharap ko pa naman tong puno.
Bigla itong nagmaneho ng biseklita niya ng mabilis at sumigaw ng

"BALIW! "

' -___-  Sinong baliw? '

"Tss! Bwesit"sabi ko

"Hoy ikaw na tao ka. Bat mo kami nakikita? "DS1

"Dahil may mata ako"walang gana kong sagot

"Bitawan niyo ang dalawa? " utos ko sa mga panget. Di ata ako makakakain ng isang linggo

"Ang kapal mong utusan kami. Sino ka ba? Bakit ka nakakakita ng katulad namin? "DS2

"Anong katulad namin magkaiba tayo woy! "Sabi ni Lance at sinikipan pa ang pagkakasakal sa kanya kaya napaaray aray.

"Aray ko naman. "Lance

"Tss! Please na okay. Bitawan mo na mga kaibigan ko. "Pagpipigil galit kong sabi.

'Grabe saan ba kayo nanggaling at nanggugulo kayo. '

"Dadakpin namin sila at ihaharap sa pinuno namin. Pati narin ikaw. "DS1

Magsasalita na sana ako ng may biglang sumulpot na isa pang pangit.

"HOY KAYONG DALAWA.BITIWAN NIYO NA IYAN SILA. PINAG-UUTOS NG PINUNO NA TUMIGIL MUNA TAYO NGAYON"sabi niya

"Oo nga makinig kayo sa kanya. Bitawan niyo sila"sabi ko na ikinalaki ng pulang mata yung DS na kakarating lang.

Bakit na naman? Itatanong mo na naman kung bakit ko kayo nakikita? Halata sa mukha mong panget ka! Hays.

"Oh bakit? Ngayon ka lang nakakita ng maganda? " pagbibiro ko. Biro lang kasi yun. Baka masabihan niyo pa ako ng mahangin.

"Pa-paanong? ---"putol niyang sabi dahil nagsalita yung isa

"Nakikita niya tayo. Ang taong ito ay nakakakita sa atin"sabi niya at dali-dali nito hinigit ang kamay ko ngunit bigla siyang  napaso.

"Aray! "Reklamo niya.

"Ulol! Inano kita at napa-aray ka. Para kang napaso ah. Di naman ako ganon ka hot"sabi ko at lalong nainis ang mukha niyang panget. Jusmiyo!

"Briohny, tumahimik ka nalang kung ayaw mong mapahamak"utos ni Kressile sa akin. Oo na!

"KAYONG DALAWA! TAYO NA"sabi nito at naglaho na silang tatlo. Nilapitan ko yung dalawa at babatukan sana kaso nga lang tumagos lang yung kamay ko at tumakbo sila palayo sa akin.

"SA SUSUNOD MAGDADALA AKO NG HOLY WATER"sigaw ko sa kanila

"HINDI KAMI Dark Soul! "sigaw ng dalawang lalaki pabalik at naglakad nalang ako kasama si Kressile.

Napailing nalang si Kressile.

---

           THIRD PERSON POV

"MGA BOBO! KAHIT SAAN SAAN KAYO PUMUNTANG DALAWA! " Sigaw ng pinuno sa kanyang tauhan.

"Pinuno? Ma-may sa-sabihin po ako sa inyo" utal na sabi ng kanyang kanang kamay

"ANO?! AT ANONG NANGYARI DIYAN SA KAMAY MO! "pasigaw na tanong nito

"MAY ISANG TAO NA NAKAKAKITA SA KATULAD NATING DS AT SIYA RIN ANG MAY KAGAGAWAN NITO SA KAMAY KO. HINAWAKAN KO SIYA PARA IHARAP SA INYO NGUNIT PARANG NAPASO AKO"sabi nito

"KILALA KO KUNG SINO SIYA. PERO DI AKO SIGURADO KUNG SIYA NGA ANG IKALIMANG LAHI. SASAMAHAN MO KO MAMAYANG GABI AT PUPUNTAHAN NATIN SIYA, AT SABIHIN MO SA AKIN KUNG SIYA NGANG PUMASO SA KAMAY MO NONG HINAWAKAN MO LANG. BAKA SI BRIOHNY NA NGA! "

YAN NA ANG UPDATE. SALAMAT SA PAGBABASA.
Kindly vote and comment
EDITED✔
-AUTHOR

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now