Chapter 30

96 4 0
                                    

Chapter 30
               
                    BRIOHNY POV
Mahigit isang linggo narin ang nakalipas simula ng mangyari yun sa akin, ang pagkakadakip ng DS sa akin at ang pagpapaalam sa akin ni Dwight.

Mahigit isang linggo narin kaming nagsasama ng Grim Reaper, sinusundo niya ako sa school pagkatapos ng trabaho niya, minsan naging OA narin kahit may klase ako dinadalaw ako at nasa gilid lang siya ng klassroom namin, binabantayan ako. Para nga siyang abnormal parang di pa siya nakaka-experience na nasa isang klase.

Yung tatlong multo hinatid na rin niya, minsan nong una mahirap dahil naging kaibigan ko ang tatlong yun, pero kailangan na nilang umalis dahil hindi sila nababagay sa mundo ng mga tao.

Si Zayne naman, lagi akong sinusundan, kinakausap. Sa tuwing may nag-aaway sa akin at pinagtritripan ako ng mga kaklase ko pinagtatanggol niya ako at ang Grim Reaper.

Kaya nga kahit di pa kami ng Grim Reaper na to at kung makaselos ay wagas.

"Pwede ba. Tigilan mo na yan" inis kong sabi sa kanya.

"Whatever! " inis niya ring sabi

"Huwag ka ng magselos" lambing kong sabi.

"Who? Me? To that guy? No way! " inis niyang sabi

'Grabe ang hirap suyuin talaga. Nakisabay nga lang yun sa akin kanina sa pagkain  wala naman kaming ginawa. Tss"sabi ko sa sarili

May naisip ako. Hehe. Naglalakad kasi kami ngayon pauwi ng bahay. Hinablot ko ang kamay niya kasi nga nauuna siya sa akin sa paglalakad.

*tsup*

Hinalikan ko siya sa pisngi kaya ayun natulala.

"Oh ano? Tampo ka pa? Ikaw lang kaya mahal ko. Tss" sabi ko at bigla siyan ngumiti. Naku ang gwapo talaga ng nilalang na ito. Kung nakikita lang ito ng mga tao lalo na ang mga babae hahabulin talaga siya nito at hingin na palahian sila. Buti nga ako lang

"O bakit ka nakangiti? "Tanong ko

"One more" sabi niya sabay turo sa pisngi niya. Ngumiti muna ako at lumapit sa kanya para halikan siya sa pisngi, ako naman ang nagulat at napatulala dahil hinalikan niya ako sa labi ngunit smack lang yun.

"Hahahaha"tawa niya saka tumakbo.

"HOY! NASASANAY KA NA AH!" sigaw ko at hinabol ko siya.

--------

Nasa harap ng bahay na kami ngayon. Papasok na sana ako sa loob ng hinigit niya ang kamay ko at hinihimas ito. Tinitigan niya ako sa mata at para akong hinihigop nito, ang bilis din ng tibok ng puso ko.

"Ba-bakit? " tanong ko

"Amf-eh. Pa-paanong ma-manligaw? " utal niyang tanong na ikinapula ng pisngi at tenga niya. Ang cute!

"Hahahaha. Grabe. Akala ku---"tawang sabi ko ngunit naputol ng bigla niyang bitawan ang kamay ko at tumalikod. Hinabol ko naman siya at niyakap sa likod.

"Sorry na. Di ko napigilang tumawa eh. Sino bang liligawan mo? " tanong ko.

"Sino pa ba!? Eh di ikaw! Wala lang akong alam diyan" lungkot niyang sabi at pinaharap ko siya.

"Di mo na kailangang ligawan ako kasi matagal mo ng nakuha ang puso ko. "Ngiti kong sabi.

"No i want to make something. Gusto ko iparamdam sayo how lucky i am to have you in my life. I want you to feel how precious are you to me and how i love you so much"sabi nito at hinalikan ako sa noo.

'Naku po lord. Naging mabait po ba ako nong nakaraang buhay ko.? '

"Aalis muna ako. Babalik ako mamayang gabi. " sabi niya at naglaho na.

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now