Chapter 20
GRIM REAPER POV
Halos mahinaan na ako ng loob dahil sa sakit ng braso ko. Feel ko kasi na kumakalat na yung lason ngunit di ko ito ginawang rason para sumuko na. Kailangan ko siyang makita at alam ko na nag-aalala siya.
Kumuha na ako ng itim na tsaa at pinilit ang sarili na makalakbay.---
Imbis na dumiretso ako sa Headquarter ay sa kanya ako dumiretso. Sobrang saya ng puso ko nong nakita ko siya. Nawala ang sakit at pagod na nararamdaman ko sa katawan ko sa pagyakap niya sa akin.-----
Nandito na ako sa Headquarter ngayon. Dali-dali silang lumapit sa akin at inalalayang tumayo.
"Ihanda niyo ang silid para sa kanya" utos ng pinuno. Dinala nila ako sa kwarto.
"Anong nangyari? 'Tanong niya.
"Nakipaglaban ako sa kanila. Ngunit sadyang minalas ako at natamaan ako sa braso na may lason"sagot ko
"Kahit kailan ang dumi nilang lumaban at ang sasama pa. " gigil niyang sabi.
"Magpahinga ka muna. Tatanggalin natin yang lason"sabi ni pinuno at unti-unti ko ng pinikit ang aking mata pero bago yun nasa isipan ko siya at binanggit ang pangalan niya sa isipan ko bago ako tuluyang nawalan ng ulirat.
THIRD PERSON POV
Sa may gubat nakita nila ang kanilang kasamahan na wala ng malay, yung iba na tuluyan ng napatay ay naglaho nalang ang kaluluwa na parang bula, ngunit may isa na may kaunting buhay pa. Nilapitan nila ang kanilang kasamahan na naghihirap na sa sakit.
"ANONG NANGYARI DITO? SINO ANG MAY GAWA NITO!? "
"I-ISANG TA-TAGA SUNDO. " utal nitong sagot. Kumunot ang noo nito sa sagot ng kanyang kasamahan.
"Anong ibig mong sabihin"
"Isang kaluluwa na naging tagasundo, itinakda ng isang magaling na tagasundo noon na tinaguriang legendary. Sa kanya pinasa ang nakatadhana nito at siya ang tumalo sa amin"sagot nito at bigla siyang tinusok ng dagger dahil sa kanyang sagot nito na kinainisan niya.
"BUMALIK TAYO SA ATING LUNGGA. IBALITA NATIN ITO SA KATAAS TAASANG PINUNO. ORAS NA PARA GULUHIN ULIT ANG MGA TAO AT KALABANIN ANG MGA GRIM REAPER NA IYAN" sabi nito at nagsilutangan na sila sa ere at bumalik na lungga nila.
-----
BRIOHNY POV
Iyak lang ako ng iyak ngayon dahil sobra akong nag-alala sa kanya. Kita ko ang mga sugat sa braso at likod niya. Kahit anong gawin niyang pagpapanggap na okay lang siya, dama ko na hindi. Damang-dama ko na hindi siya okay, di ko nga maintindihan kung bakit ganito nalang makareact tong puso ko.
Oo aaminin ko na may nararamdaman ako sa kanya na baka mahal ko siya. Pero imposible yung dahil tagasundo siya na di nakikita ng tao at ako lang, ako naman ay isang simpleng tao na nakakakita sa kanila lalo na sa kanya."Ate? Umiiyak ka ba? "Tanong ni Keyle. Nakahiga na kami sa kama ngayon. Narinig niya siguro paghikbi ko.
"Ha? Hindi. Ma-matulog ka na Keyle"sabi ko sa kanya.
"Hmm sige ate good night"sabi niya at tumalukbong na ng kumot.
'Bukas pupuntahan ko siya sa bahay niya. Makakapasok naman ako don dahil binasbasan niya ako. Kailangan ko siyang makita. Nag-aalala talaga ako sa kanya. Sana okay lang siya. ' sabi ko sa sarili at unti unti ng nilamon ng antok.
-------
"Anak saan ka ba pupunta? " tanong ni mama pagkababa ko ng hagdan"May pupuntahan po ako ma. Babalik lang po ako kaagad. " sagot ko sa kanya at tuluyan ng umalis ng bahay. Pagkalabas ko ng gate nakita ko yung multo at nginitian ko siya.
YOU ARE READING
Grim Reaper's Soulmate
FantasyThis story was about a Grim Reaper who wanted to become a soul again and be reincarnated. He need to find his soulmate which will free him from being a Grim Reaper to feel love again. He was destined to be a Grim Reaper yet wanted to have an anot...