Chapter 10

118 6 0
                                    

CHAPTER 10

                BRIOHNY POV

Pagpasok ko sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto baka makita ni mama ang itsura ko. Inilapag ko ang gamit ko sa kama. Huhubarin ko na sana yung blouse ko ng may biglang sumulpot na lalaki sa harapan ko mismo. Buti hanggang pangatlong butones lang. Pero kahit na.

"Waaaahh"sigaw ko dahil sa pagkabigla at nakita ko na pumula ang pisngi niya bago tumalikod.

Sinipa ko yung likod niya dahilan para lumayo siya sa akin. Narinig ko rin siyang nagreklamo.

"Urgh! Sakit non ah!"inis niyang sabi.

"Hoy ikaw? Kung ano ka man! Wala naman namatay rito ah! Wala kang susunduin dito. Bat nandito ka.?!"sigaw ko sa pagmumukha niya

"Ah eh. Nagkamali lang ako na pi-pinasok na b-abahay. Yun nga tama! Nagkamali lang ako"utal niyang sabi ng di makatingin ng diretso sa mata ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nakipagtitigan sa mata niya sabay sabi.

"Impossible"ako.

"Pwe-pwede b-ba LUMAYO KA!"utal niyang sabi at sa huli ay sumigaw na siya. Hahaha. Abno!

"Umalis ka dito."sabi ko.

"Aalis talaga ako no. "Sabi niya at nagteleport na palabas.

"Nagkamali daw. MAGSINUNGALING KA SA IBA HUWAG SA AKIN. ABNO!" Ako.

         GRIM REAPER POV

"Anong tawag niya sa akin..ABNO? Baliw pala siya eh.!" Badtrip kong sabi. Nasa labas ako ng bahay nila ng mahagip ng mata ko ang lalaking kaluluwa na nakatitig sa bintana ng kwarto niya.

"HOY!" Inis kong tawag.

Lumingon siya sa akin na di man lang natatakot.

'Hoy, Grim reaper ako, Lost soul ka. Matakot ka kaya' sabi ko sa sarili.

"Bakit?!"siya.

Biglang napantig ang tenga ko sa sagot niya.

'Diponggol! Ano sabi niya?!! Nabingi ata ako ng kaunti eh!'

"Bat ka nandiyan! Bawal ka dito ah! Halika ka ihatid kita sa dimensyon niyo!"pikon kong sabi.

"Ayaw ko! Ayaw ko siyang iwan"siya.

'A-ano daw?'

"Yang babae na nandiyan ang gusto ko. Gusto ko siya ngunit masakit lang isipin na di na kami pwede kasi patay na ako. Parang may something kasi sa puso ko na di ko maintindihan. Parang feeling ko matagal ko na siyang kilala. Wala kasi akong maala-la kong paano ako namatay"sabi niya na nakatuon parin ang atensyon sa bintana sa taas.

"Anong walang maala-la. Imposible yun. Pagmamatay ka may maaalala ka sa nakaraan mo at kung paano ka namatay maliban nalang kung binura namin ito." Sabi ko

"Bakit wala kang maalala. Di naman binura alaala mo ah"ako

"Alam ko. Pero ang di ko alam kong bakit wala akong maaalala."sabi niya.

'Hindi pwede na hindi niya maalala ang pagkamatay niya at kung paano siya namatay. Hindi buo ang kaluluwa niya kung ganon. Kailangan niya malaman kung paano siya namatay at ano ang dahilan nito'

"Pwede ba! Naiirita na ko ha! Diyan ka ba lage?"ako

"Oo. Di ko nga alam kong bakit di ako makalayo talaga. Babalik lang agad ako rito."siya

Pagnamatay kasi ang isang tao don sila sa lugar kung saan may connection sa kanila. Sa lugar kung saan nagkaroon ng malaking bahagi sa buhay nila.

'Pero bakit dito?'

*****
        
"Tss! Aah! Grabe talaga. Ano ba problema mo ha.?"tanong ko sa sarili.

"Kainis naman kasi yung kaluluwa na yun. Mas gwapo pa ako sa kanya no!Tss!" Sabi ko habang nagsisipilyo na nakaharap sa salamin. Nandito na ako sa bahay ko. Nabwebwesit parin ako sa multong iyon.

'Bat pa ba kasi nandon siya. Ano bang meron. Kailangan kong alamin kung bakit' sabi ko at pumunta na sa kwarto para magpahinga.

               BRIOHNY POV

"Ate, kamusta? Nakita ko yung uniform mo sa basket. Ang dumi mo ah!" Sabi niya habang kinukumotan ang sarili.

"Hehe wala. Natapunan ko lang yung sarili ko ng juice"pagsisinungaling ko.

"Hmm. Ewan ko sayo ate. Pakisara nalang po ng bintana. Ang lamig kasi ng hangin"sabi ni Keyle at bumangon ako ulit para isara yung bintana ngunit may nakita akong kaluluwa na nakasandal sa puno namin na malapit sa gate.

"Nakasara na. Amf--matulog ka na, baba muna ako" sabi ko sa kapatid ko at nag-suot ng jacket bago bumaba at lumabas sa bahay.

Pinuntahan ko yung kaluluwa na iyon. Na-curious kasi ako eh. Nong isang araw nakita ko siya na nakatayo habang nakatingin sa bintana sa taas na kung saan ang kwarto ko.

"Ehem" pag-fe-fake ko ng ubo.

"Ay! Kabayo!"gulat niyang sabi.

"Hahaha. Magugulatin ka pala. Magugulatin na pala multo ngayon"tawa kong sabi.

At binigyan niya lang ako ng ngiti.

"Alam mo may kakilala rin ako na magugulatin. Kaso wala na akong balita. Siya nga pala, anong ginagawa mo rito? Huwag mong sabihin dito ka namatay o ano..o sadyang alam mo na nakakakita ako ng katulad niyo kaya lumalapit ka saakin para humingi ng tulong?"dami kong tanong. Ah bahala siya kung paano niya ito sasagutin.

"Ang dami mo namang tanong. Haays!" Sabi niya.

"Ang totoo niyan di ko alam."siya

"Di mo alam? Talaga?"ako

"Oo..wala nga akong maalala eh"sabi niya at bigla akong nakaramdam ng lungkot.

"Teka wala kang naaalala? Pero pano yun. Lahat ng namamatay alam nila kung paano sila namatay at may naaalala pa sila."sabi ko sabay kamot sa batok ko.

"Alam ko. Kaya siguro di pa ako naka-alis dito. Ni wala ngang sumusundo sa akin. Siguro may dahilan"ngiti niyang sabi.

"Palangiti ka pala no. Nahahawa tuloy ako. Hahaha. Sige akyat na ko sa taas matutulog nako"ako

"Sige good night. Dito lang ako babantayan kita"siya.

"Ha?"medyo nabingi kasi ako eh.

"Wala"sabi niya at bigla nalang naglaho.

'Grabe advantage niyo talaga yan eh. Lalaho nalang na parang bula na DI MAN LANG AKO SINASAGOT!'sabi ko sa sarili. Umakyat na ako sa taas at humiga nalang . Unti-unti na akong nilamon ng antok at tuyan ng natulog.

"Ahahahaha. Freak. Baliw baliw"

"Tigilan niyo yan"

"TIGIL! Ano ba ang kasalanan ko ha!"

"BRION!! Tigilan niyo yan. Huwag niyo siyang saktan."

~Salamat sa pagbabasa
~Edited

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now