Chapter 7

141 7 0
                                    

CHAPTER 7

               BRIOHNY'S POV
Nakatayo lang kaming pareho. Di ko nga rin maiwasan na di humanga sa itsura niya.

'Kaluluwa ba to? Di kaya---Aaahhh' sabi ko sa isip ko at bigla nalang ako napatakip ng bibig ko.

"Baka sundo to. Ano nga tawag non ammf--ah basta yun na yun.!"

Naglakad siya ng dahan-dahan papalapit sa akin. Every step niya parang bumibigat ang paligid tas sumabay pa ang langit na dumidilim ng kaunti.

Gusto kong tumakbo ulit kaso nga lang parang na glue yung paa ko. Huhuhu mama tulong.

Sa di inaasahan bigla niyang kinurot ang kanang pisngi ko at biglang dumilat ang singkit niyang mata.

Grim reaper: Nahahawakan ko siya. Imposible'

Dahil sa ginawa niya sinipa ko ang binti niya dahilan para mag-sisitalon ito sa sakit.

Grim Reaper:Ughh. Nasasaktan niya rin ako. Darn it! Ang sakit ah.

Tatakbo na sana ulit ako at iwan yung mokong na yun ng pinagbabato ako ng mga scratch paper ng mga lalaki.

"Hoy freak! Para kang baliw na na katulala diyan!"

"May sinipa pa ata! Ahahahha. Baliw nga!"

GrimReaper:Di nila ako nakikita pero bakit siya? Naguguluhan na ko

"Ano ba tumigil nga kayo.!"sigaw ko dahil patuloy parin sila sa pagbato na kung ano-ano sa akin. Nakapikit lang ang mga mata ko at ang mga kamay ko ay tinakpan ang mukha ko ngunit unti-unti na akong walang naramdaman.

Insert music:A thousand years by Christina Perri.
A/n: hehe parang bagay yan eh.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko siya nakatayo sa harapan ko na sinasangga ang lahat ng mga tinatapon nila sa akin.
Halos ramdam ko na namula na pisngi ko sa lapit na mukha niya.

"Tignan niyo parang di siya natatamaan."

"Parang may humarang dude!"

"Freak! Anong klaseng kapangyarihan ang meron ka! Hahahaha"

Di ko pinansin ang mga sinasabi nila. Nakatuon lang ang atensyon ko sa kanya. Kita sa mukha niya na napipikon na siya at nilapitan niya ang mga school mate at classmate ko.

Parang may kung anong malakas na hangin ang kumawala sa paghampas ng kamay niya at tumilapon sila. Tinignan niya ako na walang kahit anong expression at naglaho nalang ng parang bula. Habang yung mga schoolmate at classmate ko naman ay dali-daling tumayo at tumakbo.

Ako naman naiwang nakatayo na di maintindihan ang sarili lalo na ang puso ko.

   .            GRIM REAPER'S POV

"Grabe bat ko ba siya niligtas. Bat ko ginawa yun? Urgh! Naguguluhan na talaga ako!!"sabi ko sabay gulo ng buhok ko. Nandito ako ngayon sa Park sa may taas ng puno. Nakaupo ako sa sanga at tinitignan ang malapad na lawa at nag-gagandahang mga bulaklak.

"Di ako makapaniwala na nakita niya ako. Siya yun? Yun na nga! Yung babae kanina. Bat niya ko nakikita...di kaya.. tss! Imposible. Ay!ano ba yan!"sabi ko habang pinapalo ko ulo ko. Kakainis kasi eh. Kahit ano anong katanungan ang tumatakbo sa isip ko tungkol sa babaeng yun.

"Hindi! Hindi pa ito ang huli. Tatanungin ko siya baka siya ang sinasabi sa akin ng matandang kaluluwa ilang daan ng nakaraan"

Tumalon ako mula sa puno at naisipan uuwi muna para makapag-isip ako ng maayos. Mamayang gabi. Gagala na naman kami para mag-hanap ng mga lost souls at susunduin ang dapat sunduin.

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now