Chapter 19
BRIOHNY POV
Nandito kami ngayon sa open field. PE kasi namin ngayon at makikita mo rito ang basketball court, volleyball, baseball/softball, soccer at kung ano-ano pa. Friday ngayon at halos araw araw nalang akong walang gana. Sa ilang araw na napagtanto ko na wala siya ay unti-unti ko ng nalalaman na kung ano ang nararamdaman ko para sa kanya.
Noon naman okay lang sa akin kung wala siya, wala naman akong nararamdaman ng ganito, halos malapit nang isang buwan ko pa lang siyang nakikilala ay feeling ko ay parang isa kami, sobrang saya ng puso ko pag nandiyan siya, pero ngayon halos mamatay na ito cause she's longing for her other half. Simula nong umalis siya ay nag-aalala na ko sa kanya, para bang sinasabi ng utak ko na nasa maayos lang siyang kalagayan ngunit yung puso ko naman sinasabi na hindi. Halos maubos na nga tong kuko ko sa kakakagat.
Naglalaro kami ng volleyball ngayon ng dahil sa wala akong gana at naging matamlay na ay tumama yung bola sa ulo ko.
"Aray! "Reklamo ko
"Ang tanga naman kasi e! Freak! "Sigaw ng kasama ko sa akin
'Siya na nga may kasalanan di nalang mag-sorry. Kainis'sabi ko sa sarili sabay himas don sa ulo ko kung saan tumama yung bola.
"Umalis ka nalang dito. Tss"inis na sabi nong isa at naglakad nalang ako ng nakayuko pabalik ng campus.
Nandito na ako sa shower room. Buti nalang last period namin tong PE.
Pagbukas ko sa gripo para lagyan ng tubig tong balde ay lumabas si Kressile mula don."Aaaahh! Bwesit naman o! "Inis kong sigaw dito.
"Ahahahha. Natakot ba kita? "Tanong niya
"Hindi ako natakot nabigla lang. Magkaiba yun. Atsaka sanay na ako sa inyo no. Tss! "Sabi ko at nagbuhos na ng tubig sa sarili. Nakapanty at sando naman ako at isa pa babae rin siya kaya wala akong paki.
"Teka. Asan yung dalawa? "Tanong ko
"Nasa labas no. Alangan naman papasok sila rito"sabi niya at lumabas na sa cr.
-----
Lumabas na ako ng shower room at nakita ko sila na nag-aasaran na naman. Hinayaan ko nalang sila at naglakad na palabas ng school. 20mins pa bago dismissal time pero wala na akong gana at pagod na rin ako lalo pa di ako masyadong nakatulog.
"Uy hintay naman! "Tawag nila.
"Kapal na talaga ng eyebags mo o. Di kaba natutulog ha? "Tanong ni Lance
"Natutulog no. Ano naman ang dahilan.. Napuyat lang ako dahil marami akong ginagawa"sabi ko.
"Sus! Na miss mo lang siya. Hahaha"tawang sabi ni Kressile
-----
Nasa bakod ako ngayon at dahan-dahang umakyat. Yung tatlo naman tumagos lang sa pader.
Tumalon na ako at pinagpag ang palda ko at naglakad ulit."Susunod ba talaga kayo sa akin? Umalis na kaya kayo. Pinagtitinginan na naman ako ng mga tao"sabi ko.
"Kasalanan ba namin ha.? Kung wag mo nalang kaya kaming pansinin. "Sabi ni jake.
"Tss"yun nalang ang nasabi ko.
------
Sa ilang oras na paglalakad ay nakarating na ako ng bahay. Papasok na sana ako ng gate ng bigla akong tinawag ng multong yun, yung gwapong multo pero mas gwapo siya. Hehehe
Paglingon ko nakita ko yung tatlo na kinakausap yung multong lalaki. Lumapit ako sa kanila at nginitian niya lang ako.
"Briohny? Nabalitaan ko na umalis siya. Dahil ba sa itim na tsaa para sa akin? "Tanong niya.
"Ha? Ah Oo. Te-teka ngayon lang kita nakita. Saan ka galing?"tanong ko
"Ah binalikan ko yung school kung saan ko nakita ang sarili ko bago ako pumunta rito. Naghahanap rin kasi ako ng paraan para maalala ko na. Nag-isip ako ng mabuti at may nakita ako sa isip ko na isang babae na umiiyak. "Sabi niya.
"Yohooo! Nandito po kami"sabi ni Kressile sabay wagayway ng kamay niya sa mukha namin mismo. Kumunot naman ang noo ng isa.
"Ah mga kaibigan ko kuno. Si Kressile, Lance at Jake"pagpapakilala ko sa kanila.
"Gwapo naman niya briohny. Akin na siya ha? May Grim Reaper ka naman eh. "Sabi ni Kressile at binatukan ko siya kaso tumagos lang yung kamay ko.
"Nice meeting you guys"ngiting sabi niya kaya napangiti rin ako.
"Pasensya na talaga Briohny kung wala pa akong naalala. Sinusubukan ko naman eh. Minamadali ko na nga baka maging huli na ang lahat para sa akin"ngiti niyang sabi ngunit kita parin sa kanyang mga mata ang lungkot.
----
Pagkatapos namin ng aming kwentuhan ay pumasok na ako sa loob. Namaalam narin ang tatlo at yung poging multo naman may pupuntahan pa raw. Di na lang ako nagtanong.
Pagpasok ko sa kwarto ay may nakita akong likido na kulay asul. Pagtingin ko gilid ng aking kama ay nakita ko siya. Parang dinurog ang puso ko sa nakikita ko sa kanya ngayon. Puno siya ng sugat at parang nanghihina narin.
Buti wala pang tao sa bahay dahil maaga akong umuwi.
Dali-dali akong lumapit sa kanya at niyakap ng mahigpit at ramdam ko nalang na may likidong dumadaloy mula sa aking mga mata."H-Hi"utal niyang sabi.
"Anong na-nangya-r-ri sa yo. Huhuhu"iyak kong tanong.
"Wag kang mag-alala ayos na ako. " sabi niya
"Yan ba ang ayos sayo ha? May sugat ka sa braso tas may kalmot ka sa likod. Nakipag-away ka ba sa pusa ha!? "Inis kong tanong
"Pwede bang wa---"putol kong sbi dahil nagsalita siya bigla.
"I-i miss you"sabi niya at bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko.
Niyakap ko ulit siya ng mahigpit sabay sabi.
"I miss you too"sabi ko at dahan dahan niya akong inilayo sa kanya.
"Briohny? Pupunta muna ako sa Headquarter. I just came here to see you"sabi niya at pinahiran ang luha na dumadaloy sa pisngi ko.
"Aalis ka na--naman? H-ha? "Utal kong tanong dahil sa iyak.
"Babalik ako. Pangako"sabi niya at hinalikan niya ako sa noo at naglaho nalang bigla.
Yan na ang update. Salamat sa pagbabasa. Kindly vote and comment in order for me to know your sides about my story.
Edited
-author
YOU ARE READING
Grim Reaper's Soulmate
FantasyThis story was about a Grim Reaper who wanted to become a soul again and be reincarnated. He need to find his soulmate which will free him from being a Grim Reaper to feel love again. He was destined to be a Grim Reaper yet wanted to have an anot...