Chapter 34

95 4 0
                                    

Chapter 34

                   BRIOHNY POV
Dalawang araw na lang ang natitira sa amin. Bukas mawawala na siya. Sana makayanan kong maghintay ng matagal. Hindi! Kakayanin ko, kahit pa tumanda na ako. 18 pa naman ako so kung mawawala siya ng ilang taon, okay lang hihintayin ko siya. Sana maging tao na ulit siya at pwede na kami sa isat-isa.

Naglilinis ako ng bahay ngayon, ako lang ang naiwan rito kasi si Keyle at Mama pumunta kina lola at bukas pa babalik. Nagpaalam rin sa akin ang Grim Reaper para pumunta sa Headquarter nila. Ako naman pinapagod ang sarili para di ko maisip ang pag-alis niya, sumasakit lang ang puso ko.

------
           GRIM REAPER
Nandito kami ngayon ni Pinuno sa garden, kinamusta niya ako at si Briohny.

"Alam ko po na hindi siya okay. Di niya lang alam ngunit nakikita ko siyang umiiyak gabi-gabi. Nasasaktan ako pinuno at parang dinudurog ang puso ko. " lungkot kong sabi at nagbuntong-hininga si pinuno bago nagsalita.

"Meron namang madaling paraan eh, kung ang iyong kaluluwa ay magkakaroon ng laman, makikita at mahahawakan ka ng mga tao ngunit, malilimutan mo siya. Malilimutan mo siya ng tuluyan sa isip mo pati na sa puso mo. Malilimutan mo na may babae kang minahal." Sabi ni pinuno

"Ilang taon ang maaaring itagal? " tanong ko

"Pitong taon. Pero kong sa isa naman... Itatagal noon ay 100years at maging sanggol ulit, pero kahit ganon pagmalaki kana at ma meet mo siya ay makikilala siya ng puso. Matagal pa bago kayo magkita at maaari sa isang daang taon ay may pamilya na siya, matanda na at mamamatay rin. Pag mamatay siya ikaw naman ay buhay na, di parin kayo magtatagpo"sabi ni pinuno.

"Naguguluhan ako? Ano ang pipiliin ko?! " tanong ko

"Kung ang iyong pipiliin ay magkaroon lang ng laman ulit ang iyong kaluluwa maaaring malilimutan mo ang lahat tungkol sa kanya at maging ang puso mo... Pero wala pang kasiguraduhan yan." Sabi ni pinuno.

"Haist!! Bahala na nga! Ako na ang bahala, di ko hahayaang malilimutan ko siya dahil siya ang tao na minahal ko, ang kabiyak ng puso ko. Kung di ko man siya makikilala, alam ko naman na gagawa siya ng paraan para makilala ko siya" sabi ko.

"Ang tadhana na ang bahala sa inyo" sabi ni pinuno.

"Waaahhh.. Huhuhu mamimiss ka namin. Kung mamatay ka susunduin ka namin." GR1

"Aish!! Ang ingay niyo! Bitaw! " inis kong sabi at pinabibitaw ko ang isa kong kasamahan dahil na kayakap sa paa ko, susunod sana ang isa ngunit pinalabas ko ang scythe ko kaya bigla bumitaw ang isa.

"Grabe ka talaga. Ang harsh mo. Love love ka kaya namin. Iiwan mo na kami"GR2

"Huwag kang umiyak, nakakabakla yan" seryoso kong sabi.

"Kung maging tao ka na, mag-iingat ka a-alagaan mo sarili mo" sabi ni pinuno.

"Sus! Si pinuno na babakla narin. Hahaha mamiss mo lang talaga siya" tawang sabi niya.

"Heh! Sino ba ang hindi?! Eh siya ang pinakamagaling kong tagasundo eh kayo, hindi! ang duduwag niyo pa. Ginagawa niyo pang girlfriend ang mga babaeng kaluluwa na mahuhuli niyo! " inis na sabi ni pinuno.

"Problema po yan ng mga gwapo. Wala kaming magawa dahil nahuhulog sila sa amin" sabi ng isa sabay wink kay pinuno.

'Heto na naman sila. Mag-aaway na naman to. Haays! '

"Alis na ako. Pupuntahan ko siya" sabi ko sa kanila at nagpaalam na.

-------

Nandito na ako sa bahay niya. Nakita ko siyang busy sa paglilinis sa bahay nila. Alam kong ginagawa niya iyan para di mapansin ang oras.

'Haays'

"Tulungan na kita" sabi ko at parang nagulat ko pa ata muntik ng mahulog sa upuan naglalagay kasi siya ng kurtina sa bahay nila.

"Mag-ingat ka" sabi ko at ngumiti lang siya at pinagpatuloy parin ang ginagawa niya.

"Briohny? Magpahinga ka muna" sabi ko.

"Malapit na to" sabi niya. Kinarga ko siya at ibinaba.

"Bakit ba? Kita mo na ngang--"putol niyang sabi dahil tinakpan ko ang bibig niya gamit ang palad ko.

"Ang ingay. Ako na ang tatapos" sabi ko at kinuha ang kurtina para isabit

"Marunong ka ba?" Tanong niya at tumango lang ako

----

"Aish! Sinasabi ko na nga ba hindi ka marunong. Pinababagal mo lang yung trabaho ko" inis niyang sabi at napakamot nalang ako ng batok.

"Nakalimutan ko pala. Hehehe"sabi ko at napatawa nalang siya.

"Ewan ko sayo. Manood ka nalang diyan"sabi niya at hinalikan ako sa pisngi. Feel ko namula yung mukha ko. Briohny naman eh! Binabakla mo ako.

Maya-maya lang ay tapos na siya sa paglilinis kaya pinapahiran ko nalang ng towel yung mukha niya dahil sa pawis.

Hinintay ko siya sa baba dahil maliligo daw muna siya. Nanood nalang ako ng tv.
Ilang minuto sa paghihintay ay tapos na rin siya. Umupo siya sa tabi ko at nakinood narin.

"Nag-usap kayo ni pinuno? " tanong niya at tumango lang ako.

"Ano naman yun?"tanong niya.

"Wa-wala namang importanteng nagpag-usapan. Tungkol lang sa pag-alis ko" sabi ko at nalungkot naman ang mukha niya.

Ginulo ko ang buhok niya at nagsalita.

"Briohny.. What if di kita makikilala at makalimutan ka ng puso at isip ko amf-anong gagawin mo? " tanong ko sa kanya.

"Di kita titigilan hanggang sa maalala mo ako. Susundan kita at guguluhin. Ipaalala ko sayo lahat. Hahabulin kita" sabi niya

"Ipaalala ko sayo ang lahat at kung gaano natin kamahal ang isat-isa"sagot niya at niyakap ako.

"Mamimiss ko ang pagyakap sa yo, ang presensya mo. Pero wag kang mag-alala. Kakayanin ko." Sabi niya at nanood na kami ulit kami ng tv.

Yan na ang update
Naku naku! Matatapos na talaga.
Salamat sa pagbabasa at sa suporta. Mahal ko kayo. Ehehe
Sorry sa typos

-AUTHOR

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now