Chapter 16
BRIOHNY POV
Pagkahatid sa akin ng Grim Reaper sa bahay ay kumain na agad ako. Ngunit may parte sa sarili ko na di mapakali dahil sa sinabi niya kanina. Gusto kong isipin na nagbibiro lang siya. At teka?!! Ano naman paki ko kung saan siya pupunta. Kainis.
Kagigising ko lang at alas tres na ng hapon. May narinig akong ingay sa baba kaya bumaba na ako. Nakita ko si Mama at keyle sa kusina.
"Ang aga mo ata ma, mahina po ba kita sa restaurant? "Tanong ko.
"Hindi naman. Si Julie na muna ang nag take charge kasi medyo masakit ulo ko. "Sabi ni mama
"Sige po ma magpahinga nalang po kayo. Mas mabuti rin to dahil lage nalang kayong busy. "Sabi ni Keyle.
"Oo naman para makasama ko mga prinsesa ko"ngiting sabi ni mama at hinalikan kami sa noo.
---
Nasa sala kami ngayon at naisipan namin na manood ng tv habang si Keyle naman ay lumabas para bumili ng makakain namin habang manonood ng tv.Masyado na akong na bo-bother sa mga nakikita ko sa isip ko, na minsan panaginip na paulit-ulit o di kaya bigla nalang mag-fla--flash sa isipan ko.
"Ma? Alam niyo po ba sumasakit na naman po ulo ko at napapaniginipan ko na naman po yung lagi kong napapaniginipan noon"sabi ko kay mama at bigla niya akong tinitigan ng may pag-aalala.
"Iniinom mo ba gamot mo? "Tanong ni mama. At tumango lang ako bilang sagot.
"Ah eh wala lang guro yan anak. Huwag mo kalimutan medicine mo okay. "Sabi ni mama at ngumiti lang ako
"Anak since nagshe-share ka sa akin ngayon. Nakakakita ka pa rin ba? "Tanong ni mama and i know what she mean.
"Opo ma. "Sagot ko at nagbuntong hininga siya bago nagsalita.
"Namana mo siguro yan sa great great great grandmother mo sa side ng papa mo. "Sabi niya.
"Ganon po ba? Bakit namana ko pa.? Hindi niyo po alam kung gaano ako nahihirapan"sabi ko
"Alam ko anak kung gaano ka naghihirap sa kakayahan mong yan. But dont think that has a curse bagkos isipin mo na biyaya ito"sabi ni mama
"Ive been bullied because of this thing. Sa kakayahan kong to" sabi ko
"Briohny anak. Gusto ka maging matatag ka sa mga nalalaman mo at sa mangyayari pa sa buhay mo. Natatakot kasi ako na baka makuha mo ang kakayahan ng lola mo. "Sabi ni mama na kita sa kanyang mata ang pag-alala
"Ano po ang ibig mong sabihin ma? " tanong ko
"Wala anak. Pero natatandaan mo na kung anong nangyari sayo? "Tanong niya
"Ang alin po.? Na binubully ako noon? "Pabalik kong tanong.
"Wala ka parin talagang naalala. "Sabi niya
"Ang alin po ma?. Ano po yung hindi ko naaalala. ?Naguguluhan na po ako"halos naguguluhan kong sabi.
"Hindi kita pwede pwersahin. Pero anak kung dumating man ang araw na may maalala ka dahil alam ko kung gaano ka nahirapan at natrumatized sa nangyari sayo noon dahilan ng pagkalimot mo sa ilang alaala mo. Pero siguro mas gugustuhin ko pa na di mo maalala ang lahat dahil alam ko kung gaano ito magdudulot ng sakit sayo"iyak na sabi ni mama at niyakap ako. Alam ko mismo sa sarili ko na may nakalimutan akong alaala ko at sinusubukan ko alalahanin ang lahat but everytime na ginagawa ko iyon ay sumasakit ang ulo ko. Pero ang mas naguhuluhan ako ay yung pagbanggit ni mama tungkol sa great grandmother ko. Bakit? Ano bang meron sa mga lola ko noon.
"Ma. I promise na kakayanin ko ang lahat kung ano man yun at yung tinutukoy mo tungkol sa great great great grandmother ko don po ako walang naintidihan"sabi ko
"May kakayahan ka na makakita sa mga kaluluwa, di malayong mangyari na may makakatagpo at makakakita ka pa na higit sa kanila. Yung lola mo kasi tinaguriang magaling magpalayas ng mga masamang kaluluwa. Ayaw ko na maging ganon ka, gusto ko ang normal na buhay para sayo. "Sabi ni mama
"Grabe ka mama. Wala naman po ako nakikita na kakaiba"sabi ko at nginitian ko siya.
----
Kaming tatlo ang tulong tulong sa pagluto. Pagkatapos ay kumain na kami ng hapunan.
Naghalf bath na ako at nagbihis ng pagtulog gayun din si Keyle. Tinignan ko siya at nauna ng natulog kaysa sa akin. Di pa kasi ako inaantok dahil iniisip ko ang pinag-uusapan namin ni mama. Medyo matagal rin akong nakatitig sa kisami. Maingay ang gabi dahil sa mga aso na uma-ango-ngol na nakakakilabot. Bigla akong napatakip ng bibig ko ng biglang sumulpot ang isang to. Sino pa ba eh itong Grim Reaper na to.
"Grabe muntik na ako atakihin sa puso dahil sayo ha! "Bulong kong sabi.
"Bat ka ba nandito? "Tanong ko at nanatili siyang tahimik at nakatayo sa may bintana. Bumangon ako at umupo sa kama.
Lumapit ito sa akin at yumuko sa harapan ko para magkalebel kami.
"Briohny? "Sabi niya at nakatitig lang ako sa mata niya na kumikinang sa dilim.
"Hmm"ako
"Amf.. Uh I'll be gone for a while"sabi niya
"Bakit ka naman nagpapaalam sa akin. Hehehe. Amf eh ilang araw naman? "Tanong ko. Medyo nalungkot ako kasi mawawala siya. Ngunit di ko alam ang dahilan niya. Bahala siya hindi ko naman siya mamimiss. Siguro. Huhu oo na mamiss ko na kunti lang.
"Isang araw lang"walang emosyon niyang sagot.
"Eh! Isang araw lang pala. "Ako
"Oo, pero dito katumbas ang isang linggo"sabi niya.
"Ah eh hehehe. Isang linggo lang pala. Alam mo di mo na kailangan sabihin sa akin yan. Di naman kita hahanapin"pagsisinugaling ko. Yan ang sinasabi ng utak ko pero iba ang sinasabi ng puso ko. Haays. *Deep sigh*
"Hmm. I know. I-i just want you to know. Ngayon na ako aalis. Please take care of yourself Briohny"sabi niya at tumayo na at tumayo rin ako sabay nagsalita.
"Ku-kung saan ka man pupunta. Mag-iingat ka. Sige"sabi ko na di ko maintindihan ang puso ko dahil mamimiss siya ng puso ko. At naglaho na siya sa harapan ko at don ko lang napansin na gusto kong sumama.Huhuhu.
Yan na ang update.
Salamat sa pagbabasa
Please vote and support my story guys-Author
~Edited
YOU ARE READING
Grim Reaper's Soulmate
FantasyThis story was about a Grim Reaper who wanted to become a soul again and be reincarnated. He need to find his soulmate which will free him from being a Grim Reaper to feel love again. He was destined to be a Grim Reaper yet wanted to have an anot...