Chapter 31

91 3 0
                                    

Chapter 31

               BRIOHNY POV
Nagising ako ng maaga at siya agad ang hinanap ko. Nakita ko na wala na siya kaya nalungkot ako. Pumasok nalang ako sa banyo para maligo dahil alam ko na si Keyle nasa baba na yun.

Maya-maya lang ay tapos na ako sa daily routine ko. Paglabas ko sa banyo di ko namalayan na nandito yung Grim Reaper.

"What the!! Lumayas ka" sabi ko sabay tapon ng kung ano ng napagtanto ko na sumama pala yung bra ko.

'Aaahhhh. Nakakahiya'

"Im sorry! Im sorry" sabi niya at tumalikod siya. Inayos ko ang tuwalya na nakatakip  sa akin at baka mahulog to.

"Umalis ka nga. Sa labas mo nalang ako hintayin! " inis kong sabi.

"Okay. Here's your bra? " sabi nito sabay abot sa akin at dali-dali kong tinago sa likod ko at tumawa lang ang mokong.

"Bwesit! "

-----

Nagpaalam na kami ni mama at humiwalay na kami ng daan ni Keyle, sa kaliwa kasi siya at sa kanan namin ako. Nakita ko siya na naghihintay sa akin.

"Hey? " tawag niya.

Di ko siya pinansin. Naiinis pa ako eh.

"Hey Briohny?  Galit ka ba? " tanong niya

"Hindi"ikli kong sabi.

"Im sorry na kasi. At ang liit pala ng cap ng bra mo. Hahaha" tawa niyang sabi

'Takte nag sorry na nga dinugtungan pa ng pang-aasar. Tss. Kung di ko lang mahal to nako ewan ko nalang'

Nang dahil sa sinabi niya ay hinila ko ang tenga niya kaya napaaray siya.

"Buti nga sayo! " inis kong sabi

"Can we- ammf- hold hands while we walk? " tanong niya na ikinawala ng inis ko at ngumiti lang ako, ganon din siya. Gumagwapo talaga siya ng sobrang sobra pagnakangiti o tumawa, para siyang demigod sa kagwapuhan. Buti nalang ako lang ang nakakakita sa kanya.

Naglalakad kami na magkahawak kamay hanggang sa makarating na kami sa school. Binitawan na niya ang kamay ko. Lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Bye. I love you. Pag may mag-away sayo sa loob, sabihin mo sa akin o di kaya ipagtanggol mo sarili mo. " sabi niya. Feel ko parang namamaalam to. Tss. Huwag kang mag-isip ng ganyan Briohny.

"Bakit pa eh nandiyan ka naman. " sabi ko.

"Oo nga pero di natin alam baka mawala na ako o ano, gusto ko ipagtanggol mo sarili mo" sabi niya na ikinalungkot ko

"Stop it. Parang mawawala ka ah. Di naman diba? " tanong ko.

"Hmm. Pumasok ka na sa loob." Sabi niya at naglaho nalang bigla. Alam niya siguro na kukulitin ko siya.

-----

Natapos ang First season sa kakaisip sa kanya. Feel ko kasi parang iiwan niya ako. Dahil ba sa Grim reaper siya at tao lang ako. Alam ko naman yun eh pero wala akong paki kung magmumukha akong baliw na kumakausap sa hangin, ang importante ay mahal ko siya. Kainis!  Kung mangyari nga yon sana makakayanan ko.. Sana

Naglalakad na ako papunta sa cafeteria ng may sumabay sa akin at si Zayne na naman.

"Mukhang malungkot ata tayo ngayon" sabi niya.

"Tss! Tumahimik ka at lumayo ka sa akin. Aawayin na naman nila ako. " sabi ko at di siya nakinig. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga babae. Tss. May Grim Reaper na ako no!

Nakaorder na ako at umupo sa pinakadulo ngunit bigla may umupo sa harapan ko at si Zayne yun. Grabe ang tigas ng bungo sinabi na nga na pag-iinitan na naman ako nito.

"Briohny naman!  Hayaan mo na yan sila inggit lang yan eh. Sa tingin mo ba hahayaan ko sila na saktan ka? " tanong niya

"Kaibigan kaya kita, diba? "Dugtong niya pa.

"Haays! Sige na nga. " sabi ko at ngumiti sa kanya.

Maya-maya lang ay tapos na kaming kumain. Nagsibalikan na kami sa aming silid at ganon din si Zayne ngunit bago yun ay pumunta muna ako sa CR dahil naiihi na ako ng biglang hinarangan ang pinto ng Cr.

"Excuse me" sabi ko sa tatlong babae.

"Ang kapal talaga ng mukha mo Freak para landiin si Zayne! " sigaw ng nasa gitna parang leader ata

'Sinasabi ko na nga ba'

"Hindi ko siya nilalandi at kung pwede ba tumabi ka! " hinahon kong sabi at sa huli ay sumigaw na ako

"How dare you to shout at us?!" Tanong ng nasa kanan

"I dont care kung sinigawan ko kayo, kung ayaw niyong tumabi diyan ang mga kaibigan kung kaluluwa ang magpapa-alis sa inyo diyan! " sabi ko at natakot naman ito.

'Takot  pala kayo eh'

Umalis na silang tatlo at pumasok na ako sa cr.

-----

            GRIM REAPER POV

Nandito kami sa Meeting Hall ni pinuno pinag-uusapan namin kung paano ako makakalaya sa pagiging taga sundo.

"Buo na talaga ang desisyon mo? " tanong ni Pinuno at tumango lang ako

"Sinasabi mo na siya ang soulmate mo,  the one who will free you from being a Grim reaper. Makakalaya ka lang kung siya mismo ang magpapalaya sayo. Dapat sabihin niya na pinapalaya na kita at tatanggapin niya ng buong puso na ikaw ay maglalaho. Pagtanggap na niya at pinalalaya ka na niya sa pagiging Grim Reaper ay maglalaho ka nalang ng parang bula at sa 100 taon ay magkakaroon ka na ulit ng bagong katauhan"  sabi ng Pinuno

"Hindi ko pa nasabi sa kanya ang tungkol dito. Paano kong di siya papayag.? " tanong ko.

"Pag di siya papayag sa pagsapit ng panibagong buwan ay magiging Grim reaper ka nalang habang buhay at tandaan mo labag sa batas na ang isang Grim Reaper ay magsama sa isang tao at alam mo yan" sabi ni pinuno.

"Salamat pinuno. Naghahanap lang ako ng tiyempo. Di muna ngayon. May tatlong linggo pa ako para paghandaan ang lahat. " sabi ko sa kanya at nginitian ko siya. Naglaho na ako para sunduin siya

Yan na ang update. Kunti nalang. Hahaha. Hanggang Chapter 35 lang to.

Salamat sa pagbabasa.
Sorry sa typos.
Kindly vote and comment
-Author

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now