Chapter 28
GRIM REAPER POV
"Grabe ang papangit talaga nila"nandidiring nilang sabi.
Kasalukuyan kaming nakikipaglaban sa mga DS ngayon. Pinaghandaan talaga ng pinuno nila dahil nagkalat siya ng mga tauhan niya sa gubat na ito.
Kanina pa kami nakikipaglaban sa kanila. Habang tumatagal mas lalo akong nag-aalala sa kanya. Sinasadya mo talaga!
Pinugutan ko sila ng mga ulo.
"Oh come on bro! Napakabrutal mo talaga"GR1
-----
Natalo na naming silang lahat at nagpatuloy na kami sa paglalakbay.
"Nakakatakot namn dito"GR2
"Shut up! Kailangan na natin magmadali ilang oras nalang sa dimensyon ng mga tao ay mag-gagabi na"sabi ko sa kanila ng may biglang sumulpot na diyablo sa harapan namin. Medyo malaki ito sa amin. Isang maitim at may mapupulang mata at mahahabang kuko. Isang diyablo na nagbibigay bangungot sa mga tao.
"Shit! " pag mura ko.
'Pinababagal mo talaga kami eh no?! Pwes hindi ka magtatagumpay! '
Nakaposisyon na ang mga kasamahan ko at hinihintay nalang nila ang go signal ko.
"Go! " sigaw ko at sumugod na kami. Pinagsusugatan namin siya gamit ang mga scythe namin ngunit humihilom lang ang mga sugat niya.
Tumalon ako sa taas at pina-iikot ang scythe sa kamay ko at tinusok sa ulo niya. Umungol siya at tinusok ng dalawang Grim Reaper na kaibigan ko ang mga mata niya.
"Bro. Parang humihilom lang yung sugat niya o" GR1
"Kayong lahat.! Ipagpatuloy niyo ang ginagawa niyo. E-distract niyo siya upang makalapit ako sa kanya. " sabi ko sa kanila at tumango lang sila ng sabay.
Sinunod nila ako at gumana naman ang sinabi ko. Dahan dahan akong lumapit at tumakbo ako papunta sa likod niya at pumatong sa balikat niya sabay tusok ng scythe ko sa dibdib niya kung nasaan ang puso niyo. Ginawa ko yun sa likod niya kaya diniinan ko ang pagtusok. Umungol siya dahil sa sakit, di pa ako nakuntento at pinugutan ko siya ng ulo kaya unti-unti na siyang naglaho. Pumalakpak naman ang dalawa at binalewala ko lang sila at naglakad ulit kami.
------
Naglakbay na kami ulit at sa wakas nakalabas na kami sa gubat. Maya maya sa paglalakad lang ay tanaw na namin ang parang mansyong bahay na may kalumaan na. Dali dali ako naglakad papunta roon ng biglang sumulpot ang mga DS. Marami sila ngayon. Pagod na ako sa pakikipaglaban sa kanila. Hingal na hingal na rin ang mga kasamahan ko. Gusto ko na siyang makita. Gustong -gusto. Nanggigil na ako sa kanila.
"Nasaan ang pinuno niyo! " tanong ko
"Sa tingin mo sasagutin namin ang tanong mo?! Dakpin sila! " sabi ng isang DS na parang kanang kamay ng pinuno.
Nilabanan namin silang lahat, at kaunti nalang ang naiwan. Nilapitan ko ang siya at bigla siyang naglaho. Pumasok ako sa bahay at hinanap siya sa bawat sulok ng bahay ngunit di ko siya nahanap. Lumabas ako ng bahay at nakita ko ang mga kasamahan ko na nakaposas ang kamay at paa nito, isang posas na may lason, na pagdidikit sayo ay papasok ito sa loob mo at unti-unti kang papatayin. May narinig akong sumitsit kaya lumingon ako, nakita ko ang dalawa na nagtatago sa likod ng bahay, may puno rito kaya dito sila nagtago.
"Nagtago lang kayong dalawa?! "Inis kong tanong.
Mga duwag!
"Hindi ah! Nakipaglaban kaya kami kaya lang nakita ka naming pumasok sa bahay na iyan. Susundan ka na sana namin ng biglang may dumating na naman at may itinapon na isang bagay na biglang pumulupot sa kamay at paa nila. "Sabi niya
YOU ARE READING
Grim Reaper's Soulmate
FantasyThis story was about a Grim Reaper who wanted to become a soul again and be reincarnated. He need to find his soulmate which will free him from being a Grim Reaper to feel love again. He was destined to be a Grim Reaper yet wanted to have an anot...