CHAPTER 6
GRIM REAPER'S POV
Halos gusto ko mg sunugin ang university na ito dahil sa multong yun. Nakita ko na siya kanina ngunit bigla pa akong tinakbuhan. Pinaka-ayaw ko ay yung tinatakbuhan ako. Meron talagang kaluluwa na ganito. Pumunta ako sa cafeteria. Madaming tao rito na kumakain. Alam ko na nandito lang yun kasi dito ko nararamdaman ang enerhiya niya ngunit ang pinagtataka ko ay biglang humihina ang enerhiya niya at nawawala pa ito. Napakamot nalang ako ng batok dahil sa inis at nag-teleport nalang ako pabalik ng headquarter. Alam ko don lang yun parating namamalagi ang kaluluwang iyon kaya mamayang hapon babalikan ko siya at huhulihin.
Nasa headquarter na ako ngayon. Nanggigigil parin ako dahil nakatakasan na naman ako.
"Oh!Badtrip na naman mukha mo"sabi ng isa kong kasamahan.
"Huwag ngayon. Wala ako sa mood"sabi ko
"Yuur! Nagdadalaga ka na naman?!"sabi niya na umaakting pa na nashock kuno.
'Ay!!Boset! Nang-aasar na naman!'
"Tss! Tumahimik ka kung ayaw mong ipalamon ko sa iyo tong scythe nato!"gigil kong sabi sabay summon ng scythe ko. Tinaas niya lang ang kanyang kamay na para bang susmusuko. Nakaupo kami ngayon sa Meeting Hall. Kami lang dalawa ang nandito. Siya pala ang kaibigan ko, ang medyo napalapit na sa akin na lagi akong inaasar at ang nilalabasan ko ng sama ng loob o kahit anong bumabagabag sa akin.
"O! Ang lalim na naman ng iniisip mo? Tungkol ba yan sa trabaho natin?tanong niya
"Hindi"tipid kong sagot
"Yeah I know. Tungkol na naman yan sa kagustuhan mong maging kaluluwa at mareincarnate upang maranasan ang mag mahal. Alam mo bro, tigilan mo na yan ha! Huwag kang maniwala sa matandang kaluluwa na iyon. Ginugulo niya lang utak mo. Ilang years na ang nakalipas oh!Learn to move on naman" haba niyang sabi.
"Alam mo ang daldal mo. Para kang bakla"walang emosyon kong sabi sa kanya at tumayo nalang ako sa kinauupuan ko at nag-teleport papuntang university.
. BRIOHNY POV
"Grabe na ha! Bitawan mo nga ako!"inis kong sabi sa kanya. Eh kanina pa siya nakakabit sa braso ko at pa tingin-tingin sa paligid.
"Di na yun babalik, okay!"sabi ko. Naglalakad na ako papuntang Classroom para sa afternoon season.
Umupo na ako habang siya nakatayo lang sa gilid ko.
"Briohny? Alam ko na nandito siya. Nandito na siya. Huhuhu"mangiyak-ngiyak niyang sabi.
"Tigilan mo na yan. Mamayang hapon sasamahan na kita sa kanya para tumahimik ka na."bulong kong sabi. Mahirap na nagdi-discuss yung guro sa harapan.
----Tapos na ang klase at uwian na. Naglalakad kami ng multong to papunta sa boarding house ng nobyo niya.
"Pag yang boyfriend mo adik at may gawin sa akin e-do-double dead kita."walang emosyon kong sabi.
"Ay gaga. Ang bait ng boyfriend ko no."sabi niya na may tuno ng pagmamalaki.
Naglalakad kami ngayon sa pathway palabas ng school building ng bigla siyang huminto at natuod sa kinatatayuan niya.
"Oh problema mo?"tanong ko. Tinignan ko kung saan siya naka-tingin...don sa lalaking naka-itim na may scythe na dala.
"Bri-briohny na-nakikita mo siya?"utal na tanong niya at tumango lang ako bilang sagot.
'Siya yung lalaki kanina a. Huwag mong sabihin siya ang tinutukoy ng multong to?'
"Briohny? Mabilis ka bang tumakbo?"tanong niyang habang ang mata namin naka focus sa gwap--ah este sa nilalang na iyon.
"Oo"sagot ko.
"Pwes, Tumaaaakkboo na tayooo"sabi niya at tumakbo na kami.
"Addict kang multo ka pasalamat ka nakalutang ka lang!"sigaw ko sa kanya.
"Tumahimik ka at bilisan mo na dahil malapit na siya sa iyo!" Sigaw niya pabalik sa akin
Tumakbo ako hanggang kaya ko pa na bigla akong natalisod.
'Katangahan bakit ngayon pa!!!'
Dali-dali akong tumayo at pinagpag ang palda ko. Paglingon ko wala siya sa likod ko. Papayesta na sana ako ng pagharap ko nakita ko siya na nakatayo sa harapan ko with his emotionless face.
'Patay. Katapusan ko na ata."
Bakit ba kasi ngayon pa? Huhuhu. Patay na ako nito.
A/n: Salamat sa pagbabasa.
Pasensya sa short updates. Haha. Sana maintindihan niyo.-Edited.
YOU ARE READING
Grim Reaper's Soulmate
FantasyThis story was about a Grim Reaper who wanted to become a soul again and be reincarnated. He need to find his soulmate which will free him from being a Grim Reaper to feel love again. He was destined to be a Grim Reaper yet wanted to have an anot...