CHAPTER 3
SOMEONE'S PoVTakbo dito, takbo doon, liko doon at sa wakas nasa classroom na ako. Pagpasok ko sa pintuan ay may humagis ng balat ng saging at sa mukha ko ito tumama. Narinig ko silang lahat na nagtawanan habang tinuturo ako at yung iba nakahawak sa tiyan.
'Grabe ang babaw ng kaligayahan. Takte!'
Nilibot ko ang mata ko sa loob ng classroom at nakita ang isang kaluluwa na babae na parati sa classroom namin at nakikisali sa tawa. Nainis tuloy ako pero syempre di ko pinakita sa lahat iyon. Lagi nalang kasing ganito, pinagkakatuwaan ng lahat dahil sa Freak at weirdo daw ako. Eh kasalanan ko ba na nakakakita ako ng mga kaluluwa o multo.
Yes you heard me right! I can see ghost, I can even talk to them just like a normal person. Minsan nga di ko na alam kong tao o kaluluwa ba ang kausap ko. Para kasing nasanay na ako sa kanila.Dumiretso na ako sa upuan ko na nasa pinakalikod at nag-teleport naman yung kaluluwa na nasa classroom na ito papunta sa likuran kaya ngayon nasa gilid ko na siyang nakatayo.
"Haha ang epic ng mukha mo kanina. Haha"tawa niyang sabi.
"Pwede ba tumahimik ka!"Irita kong sabi at medyo napalakas ang pagkasabi ko non kaya na-agaw ko ang atensyon nila.
"Eeh! Ayan na naman siya"sabi ng isa kong kaklase
"Tss!Freak as always"
"Miss Briohny! Pinatatahimik mo ko?!"sigaw ng guro sa harapan.
'Patay'
"Ah hehe. Hindi po"sabi ko sabay kamot sa batok ko. At ang itong kaluluwa na nasa likod ko tawa lang ng tawa.
Grabe parati nalang ako napapagalitan dahil sa kanya.
'Minsan ginagalaw niya upuan ko, hahablutin niya lang bigla ballpen ko at ibato sa harapan na kung saan ang guro. Yung sapatos ko na hinuhubad ko kase mas komportable ako sinasabit niya sa pintuan. Haays.'
Alam niyo ba kung bakit!!
Kasi nga gusto niya na tulungan ko siya na puntahan yung bf niya at ipahatid ang mensahe niya.
Eh ayaw ko nga. Kainis!
"Briohny? GO.OUT.!"sigaw ng guro na diniinan pa talaga ang Go Out Kingina! Sumabog ata ear drums ko don ah
Binelatan lang ako ng pangit na kaluluwa na ito. Nakayuko nalang ako habang lumabas sa classroom ngunit bago yun rinig ko ang pagtawa nila habang yung guro pinatahimik sila
Padabog akong naglalakad sa hallway habang yung bwisit na kauluwa nakalutang na sumusunod sa akin.
"Oh ano na? Kaya mo pa?"nang-iinis niyang tanong eh inis-na-inis na ako eh!
Bigla ko siyang nilingon at napahinto rin siya sa paglalakad yun nga lang nakalutang lang siya.
"Alam mo kahit anong gawin mo..wala akong paki. Gets mo ba.? Tapunan kita ng sapatos eh!"inis kong sabi
"Sure."sabi niya at nilantad ang katawan niya na para bang sige lang batuhin mo ko ng sapatos mo, tatagus rin yan. Boset!
"Tss!"yun nalang ang nasabi ko at naglakad ulit. Lumabas ako ng main gate at naglakad na ngayon sa pathway palabas ng school building.
"Oy! Saan ka pupunta.? Tatakas ka na naman?"
"Diba obvious?"seryoso kong sabi.
"Hmm.. hehe sige lang."ngiti niyang sabi na di ko gusto kasi parang may meaning yung ngiti niya eh. Kabwisit!
Binalewala ko lang yung bwisit niyang ngiti at naisip ko na sa bakod nalang dadaan instead sa gate mismo.
Aakyatin ko na sana yung bakod ng biglang may narinig akong tumikhim sa likod ko. Nilingon ko ito at nabigla ako ng makita ko si Manong guard na nakapamulsa pa.
"Ahaha Hi po Manong guard. Hehe"bati ko rito.
"At san ka pupunta? Mag-cu-cutting class ka na naman?"tanong niya.
"Ha? eh. E he he. Di po ba halata ah este Hindi po."sabi ko.
'Patay na talaga. Baka isumbong ako nito. Tuwing tatakas ako dito lang naman akong dumadaan di pa ko nahuhuli pero bakit nahuli ako. Huhuhu'
"Ahahahahahahahahahahaha"tawa ni Manong guard.
"Nakakatawa yang mukha mo para kang natatae sa nerbyos"sabi niya sabay turo sa akin.
"Urgh!! Tangina ka! BWISIT NA MULTO KA. MAGLAHO KA NA SANA."sigaw ko rito
"Sinasabi ko na nga ba may plano ka eh!!Geez!"inis kong sabi
"Buti alam mo. Hahaha"sabi niya na tawa pa ng tawa
"Kainis! Di naman mahilig si Manong Guard na ipasok yung kamay niya sa mga bulsa niya." Ako
"Tanga mo rin kasi eh. Hahaha"siya
Di ko na siya pinansin at pinagpatuloy na ang pag-akyat ng bakod. Pinahid ko yung kamay ko sa palda ko at nakatayo sa bakod at..
Isa
Dalawa
TALON.
Salamat sa pagbabasa
Kindly vote and comment
-Edited
YOU ARE READING
Grim Reaper's Soulmate
FantasyThis story was about a Grim Reaper who wanted to become a soul again and be reincarnated. He need to find his soulmate which will free him from being a Grim Reaper to feel love again. He was destined to be a Grim Reaper yet wanted to have an anot...