Chapter 23

94 4 0
                                    

Chapter 23
               
           GRIM REAPER POV

Nasa headquarter na ako. Tinanong ko ang mga kasamahan ko kung nasaan si pinuno, sabi nila nasa Meeting Hall raw kaya nag teleport na ako papunta run.
-----

Nadatnan ko sina pinuno at ang dalawa kong mga kaibigan na nag-aaway at nagpi-pinsing sa kanilang mga scythe. Pinagmasdan ko lang sila na walang emosyon.

Mga sira talaga! -___-

"Hindi ako matanda ah! "Sigaw ng pinuno sa dalawa at nagtawanan lang ito. Mangiyak-ngiyak pa nga sila kakatawa.

"Haha matanda na nga nagsisinungaling pa sa sarili."sabi ng kasamahan kong Grim Reaper at tumawa na naman sila. Si Pinuno napupula na sa galit.

"What's the problem here? " walang emosyon kong tanong.

"Oh nandiyan ka pala. Tulungan mo ako sa dalawang to. Sinabihan pa naman ako na matanda"sabi ni Pinuno at naghingi pa ng tulong. Sinali pa ako sa kasiraan nila. Psh!

"-___-seriously? Yan lang pinag-aawayan niyo!? " inis kong tanong sa kanila. Naiinis ako kahit di halata sa boses ko pero itong noo ko nakakunot.

"Alam mo bro yang si Pinuno, matanda na nga nakikisali pa sa usapan naming dalawa tungkol sa--alam mo na. Haha"sabi ng kasamahan ko at nagtawanan pa ulit. Tinignan sila ng masama ni Pinuno kaya tumigil na ang dalawa.

Umupo ako sa isa sa mga upuan at pinaupo rin sila.

"Pinuno? May sasabihin ako sa inyo. Tungkol sa mga Dark Soul"sabi ko

"Ano namang meron sa kanila? Naghasik na naman ba ng lagim sa mga tao.? " tanong niya.

"Hindi pa ngayon. Ngunit ang kailangan mong malaman na bumalik na ang kanilang pinuno, ang legendary" seryosong sabi ko.

"At ang masama pa nito, sumanib ito sa isang kaluluwa. Ang kaluluwa na pinahahanap niyo sa akin yung walang maalala. "Sabi ko ulit at nakita ko na biglang sumeryoso ang mukha nila.

"Impossible. Bakit pa siya bumalik? Naglaho na siya noon. Kailangan natin maghanda, sa anumang oras maaari silang sumugod sa atin at sa mga tao"sabi ni pinuno at tumango lang ang dalawa.

"Alam mo ba ang dahilan ng kanyang pagbalik? "Tanong ni pinuno sa akin.

"Ang narinig ko mula sa kanya, ay may kailangan siyang balikan at gantihan. Di ko maintindihan ang mga sinasabi niya"sabi ko.

"Yun nga ang sinasabi ko"biglang sabi ng kasamahan ko at napunta ang atensyon namin sa kanya.

"Ayon sa libro na nabasa ko, ang legendary dark soul ay naikulong ng isang tao. Ngunit bago pa man ito maikulong ng tuluyan ay babalik siya upang maghiganti sa ikalimang lahi, yun yong sabi niya"sabi niya

"Isang tao? Imposible naman ata yan. "Sabi ni pinuno na di makapaniwala.

'Ano ba talaga'

"Hindi ba kayo nagtataka kung bakit bumalik sila, ilang dekada naba ngayon? Diba lima? At ang pinuno nila ay bumalik dahil sa isang tao, na kung sino man siya"sabi ng isa kong kasamahan.

"Kung sinabi mo na sumanib siya sa isang kaluluwa na di matatawag na lost soul, maaaring di niya pa kontrulado ang kaluluwang to"sabi ni pinuno.

"Di pa nga"seryoso kong sabi

"Ang kaluluwang yun ay nakaka-alala na, ngunit minsan nakikita ko na kinokontrol niya ito at ang kaluluwa namang ito ay lumalaban para sa isang bagay, at alam ko na kung sino yun. "Sabi ko. Si Briohny.

"Exactly!! Para di siya tuluyan makontrol ng dark soul. "Sabi naman ng kasamahan kong isa. May pahand-gesture pa na nakaturo sa taas ang hintuturo.

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now