Chapter 13

112 6 0
                                    

CHAPTER 13

            GRIM REAPER POV

Nasa labas na ako ng bahay ni Briohny. Rinig ko ang ingay at kung paano mag wawala ang mga aso.

"Di kaya" putol kong sabi ng may namataan akong isang maitim na usok na lumulutang sa langit, mga tatlo sila.

"SHIT! Mga Dark souls"sabi ko at nagteleport ako malayo sa bahay ni Briohny, mahirap na baka makita nila ako don at don pa sila manggugulo.

"Aaarrkkrrgh. Isang Grim reaper"

"Isang Dark Soul"walang gana kong sabi.

"Natunugan niyo na pala kami. Hahaha. Nakakalungkot naman"sabi nong isa

"Di ba halata.?"tanong ko

"Hangal ka! Haha nag-iisa ka lang ata. Sa tingin mo kaya mo kaming hulihin?"tanong nong isa si DS3

"Siguro"sagot ko.

"Umalis kayo rito kung ayaw niyong madakip at ikulong ulit!"inis kong sabi.

"Kaso nagugutom kami eh. Kailangan naming manakot. Masarap kasi ang sigaw ng mga tao, ang sarap din sa pakiramdam na masasaktan namin sila" DS1

"Sa tingin niyo hahayaan ko kayo.!"sabi ko

"Mas malakas kami sa iyo. Isa ka lang Grim Reaper."DS2

"Isa akong kaluluwa na nakatakdang maging Grim Reaper kaya mas malakas ako sa inyo dahil kakaiba ako sa kanila"sabi ko.

"Talaga? Ngayon ko lang nalaman. Ganon ka siguro ka espesyal.! Hahaha pero hindi parin sapat dahil tatlo kami, isa ka lang."DS1

"Three versus one? Hmm, Fair enough"sabi ko at si-numon ko yung scythe ko at umataki sa kanila.

Nailagan ng isang ang paghampas ng scythe ngunit di niya naiwasan ang pagsipa ko. Isang malakas na pag-ungol ang nabitawan niya.

"Buburahin ko pagmumukha mo!"sabi ni DS2 nagalit kasi siya sa ginawa ko sa kasama niya.

"Yang mukha mo ang dapat burahin. Ang pangit niyo kaya. May mapupulang mata tas ang itim niyo. Geez!"sabi ko at lumipad pataas habang pina-paikot-ikot ang scythe ko sa taas bago ito tumambad sa mukha niya at nadaplisan siya nito.

"Too bad natatablan kayo ng scythe ko."sabi ko at sumugod silang tatlo. Pinag-sisipa at pinagsusuntok nila ako, ngunit naiilagan ko lang ito. Minsan nakalutang kami, maya-maya nasa lupa na naman.

"I'm tired at gusto ko ng matulog. Let's end this."sabi ko at pinagsisipa ko yung isa. Suntok naman sa ikalawa sabay bali sa kamay nito at sinugatan sa tiyan gamit ang, scythe ko, hinampas ko sa ulo yung isa dahilan para mawalan na ito ng malay.

"One left!"sabi ko.

"Malakas ka nga at kakaiba. Matalo mo man kami, tandaan mo na pasama ng pasama ang mundo, padami rin kami ng padami."sabi niya.

"I don't care kung madami kayo. Ang dami mong satsat!"sabi ko at hiniwa ko kamay niya at pinagsusuntok ang pangit niyang mukha at tuluyan ng nawalan ng malay.

Kinuha ko ang kadena na nakasabit sa pantalon ko na ginawa kong sinturon. Tinanggal ko ito at kinadenahan sila. Ginagamit namin ito sa mga kaluluwa katulad nila at sa lost souls.

Sa Dark souls iilaw ito na sobrang pula pag nakadikit na ito sa kanila at masasaktan ka talaga sa lost souls namin ay blue na kung saan wala kang sakit na maramdaman.

Pagkatapos ko silang itali ay nag teleport nako papuntang headquarter.

"AAAAHHHH!"

"Shh"sabi ko sabay lagay ng hintuturo ko sa bibig ko. Nong tumigil na siyang sumigaw ay may ibang Grim reaper na naman ang sumigaw..mga malapit ito sa akin o in other word mga kaibigan.

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now