Chapter 18
BRIOHNY POVTapos na ang klase at labasan na. Walang kahit anong pumasok sa utak ko dahil kanina pa ako kinakabahan at di mapakali. Dalawang araw na ring di nagpapakita sa akin yung Grim Reaper na yun. Dalawang araw na rin akong parang kinakabahan at di makatulog. Dinaig ko pa ang mga zombie dahil sa itsura ko ngayon. Naglalakad ako na nakayuko ang ulo.
----
Palabas na ako ng gate ngayon at biglang nagulat si Manong Guard sa itsura ko.
"Jusmiyo! Iha? Bat ganyan ang itsura mo? Lalim na ng eyebags mo oh.?! " tanong ni manong guard.
"Naku Manong Guard style yan ngayon"sagot ko sa kanya at napakamot nalang siya ng batok dahil sa sinabi ko at lumabas na ng gate.
Tahimik akong naglalakad ng biglang sumulpot ang tatlong multo na to. Ano ba ang pangalan ng mga ito."Mas nakakatakot ka pa sa amin. Bakit ba ganyan yang itsura mo? "
Tanong ng babaeng multo"Hmm? Uso to ngayon!"sagot ko
"What's the problem? "Tanong ng lalaking multo na may bangs.
"Close ba tayo ha!? "Irita kong tanong.
"Ahahaha. Where's our manner. My name is Jake, this is Lance at siya si Kressile"sabi ng lalaking Jake ang ngalan, yung may bangs na dinaig pa babae.Siyempre alam pa nila pangalan nila dahil hindi pa sila tinaggalan ng alaala at di pa dinadakip dahil parati nalang nila tinatakasan ang nanghuhuli sa kanila. Ang mga kaluluwa na katulad nila ay ayaw pang umalis sa mundo dahil yung iba di pa nila tanggap ang pagkamatay nila o may gusto pang gawin.
"Tss! Ako pala si---"putol kong pagpapakilala dahil ng salita si Lance
"Briohny. Hahaha we know right. "
Tawang sabi ni Lance."So sabihin mo na. May problema ba.? Kaibigan mo naman kami. " ngiting sabi ni Jake.
"Amf! Parang nag-aalala kasi ako na ano. Geez! Di ko talaga maintindihan baka kasi ma-may nangyari sa kanya"lungkot kong sabi.
"Sino? "tanong ni Lance
"Tanga! Eh di yung Gwapong Grim Reaper. "Sabi ni Kressile
"Aish! Ewan ko ba. Hayaan na nga. Nagiging baliw na ako kakaisip. "Sabi ko.
"Ayiee! Na miss niya. Ano bang meron sa inyo? "Kilig na sabi ni Kressile sabay taas baba ng kilay. Na ikinamula naman ng pisngi ko.
"Wa-walang me-meron sa amin n-no! Tss! Wala naman akong pakialam don"pagsisinungaling ko.
"Sus! Kunwari pa to. "Sabi ni Jake
"Nakakapagtaka dahil nakikita mo siya. Ano kaya ibig sabihin non? "Sabi ni Lance sabay lagay ng hintuturo niya sa noo niya na para bang nag-iisip na parang baliw. Psh!
"Diba tao raw siya noon. Siya lang ang tao na naging Grim Reaper o tagasundo. Nakatadhana raw sa kanya na maging Grim Reaper. Ang ibang mga Grim Reaper di nakikita ni Briohny sadyang yung Gwapong Grim Reaper lang, pero kung malapit sa kaniya ay makikita rin ni Briohny "sabi ni Kressile
"Sa madaling salita---may koneksyon sila sa isat isa. "Sabi ni Jake.
"O di kayo na matalino.!! "Inis na sabi ni Lance
"As always"sabay sabi ng dalawa.
"Tumahimik nga kayo. Parang wala ako dito sa inyo ah. Kung makapagsalita kayo diyan. "Sabi ko na naiinis na.
Naglakad na ako ng mabilis para di nila ako maabutan.
Maya maya lang ay nasa bahay na rin ako.
YOU ARE READING
Grim Reaper's Soulmate
FantasyThis story was about a Grim Reaper who wanted to become a soul again and be reincarnated. He need to find his soulmate which will free him from being a Grim Reaper to feel love again. He was destined to be a Grim Reaper yet wanted to have an anot...