Chapter 27

87 5 0
                                    

Chapter 27

               BRIOHNY POV

Nasa bahay na ako at pinauwi na ang tatlo kung saan man sila galing. Pumasok na ako sa bahay at dumiretso sa taas, pero bago yun binati ko muna si mama at hinalikan sa pisngi.
----

"Hi ate. "Bati ni Keyle sa akin pero yung mata nasa binabasa niya.

"Hi. Kakain na raw tayo kaya itigil mo na ang pagbabasa mo" sabi ko at dumiretso na sa banyo.
-----

Maya-maya lang ay tapos na ako at bumaba na. Nakita ko sila na nasa dining area. Umupo na ako run at kumain na kami.

           Leader of the DS POV

(Bait mo author binigyan mo ko ng POV.)
(A/n: Tss! Oo nga eh. Ikaw masama. Huwag ka nalang umangal diyan baka di ko to ituloy!)

Nandito na kaming dalawa ng kanang kamay ko sa bahay ni Briohny. Nakita namin silang kumakain kaya pinagmasdan namin sila mula sa labas.

"Siya! Siya nga pinuno! "Sabi niya

"Sinasabi ko na nga ba. Hahaha" sabi ko sabay tawa ng biglang sumakit ang ulo ko at biglang nagsalita ang bibig ko na kusa dahil sa multong lalaking to.

"Hi-hindi ka magtatagumpay. Hinding-hindi"sabi nito

"Huwag ka ng makialam dahil ikaw mismo walang magagawa. Humihina ka na rin at malapit ko na makuha itong kaluluwa mo! Gagawin ko kung ano ang gusto ko, kahit pa sa babaeng MAHAL MO"sabi ko sa multong lalaki
-------

Naghintay pa kami ng ilang oras. Patay na ang ilang ilaw sa kanilang bahay, pati na sa taas kung nasaan ang kwarto niya. Nagteleport na kami papunta run.

-----

Nakita namin siya na natutulog at may kasama. Pinagmasdan lang namin siya at nag-iingat kami na di niya kami mararamdaman.

Ngunit bigla siyang bumangon at tumitingin-tingin sa palagid.

"Ipikit mo mga mata mo. Makikita niya ang pulang mata natin sa dilim" bulong ko sa kasama ko at pumikit kami, di naman makikita tong katawan namin lalo na tong kasama ko, pero ako nagtago talaga ng mabuti sa dilim.

Dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata at nakita na siyang natutulog ulit. Lumapit kami sa kanya. Nasa tabi na niya kami ng kama niya. Inutusan ko ang kasama ko na takpan ng unan ang mukha niya para di marinig ang sigaw niya kung sakali.

Pinasok ko sa ilong niya ang itim na usok para mawalan siya ng malay at nagtagumpay naman kami. Kinarga siya ng kasamahan ko na parang sako at nagteleport palabas nang nadatnan namin ang Taga sundo sa labas ng bahay niya.

"What the heck!! Anong ginawa niyo sa kanya! " sigaw nito sa amin. Kita sa mata niya ang galit.

"Hmm. Mukha malapit sayo ang babaeng to. Kakaiba talaga tong babaeng to. Pero so sad dahil kukunin namin siya" mapang-asar kong sabi sa kanya at bigla siyang sumugod sa amin ngunit bago yun naglaho na kami kasama ang babaeng to.

------

               GRIM REAPER POV

Katatapos lang ng trabaho ko at naisipan kong puntahan si Briohny dahil namimiss ko na siya. Alam na niya ang nadarama ko tungkol sa kanya, ang hinihintay ko nalang ay ang sagot niya.

Nasa bahay na niya ako ng makita ko ang isang DS at si Dwight na sinaniban ng DS. Nagulat ako sa nakita ko at kinakabahan, tinuon ko ang aking mata sa dala nila at si --BRIOHNY yun.

Nanginginig ako sa galit, ayaw kong may mangyari sa babaeng mahal ko. Sinugod ko sila ngunit bigla nalang sila naglaho dala siya.

"Hindi ko siya naabutan.! BRIOHNY! " sabi ko at isinigaw ang pangalan niya.

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now