Chapter 22
BRIOHNY'S POV
Halos di ako makapaniwala sa nakita ko. Para bang pinaglalaruan ako ng tadhana. Sobrang bigat ng puso ko sa nakita ko.. Ang lalaki na nakayuko dahil sa sakit ng kanyang ulo ay ang lalaki na matalik kong kaibigan, laging nagtatanggol sa akin at tinuturing ako na prinsesa. Siya lang ang naging kaibigan ko non. Sobrang saya ok dahil as wakas may kumaibigan sa akin. Pinahahalagahan ko siya at ganon rin siya sa akin, ngunit ako ang dahilan ng pagkawala niya. Ang sakit! Ang sakit-sakit. Nasaksak at namatay ng dahil sa akin at dahil sa akin kung bakit siya ganyan ngayon.
"Huhuhu Dwight? "Tawag ko sa kanya at nilapitan ko siya. Hinawakan ko ang braso niya at hinawakan ang chin niya upang umangat ang tingin niya sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa. Sobrang bilis ng pagtulo ng luha ko.
"Br-briohny? Lu-lumayo ka p-please"utal utal niyang sabi sa akin at marahas akong itinulak papalayo sa kanya buti nalang nasalo ako kaagad ng Grim Reaper na to.
Lalapitan ko ulit sana siya ngunit pinigilan ako ng Grim Reaper. Tinignan ko siya ng masama at nagsalita.
"Bitawan mo ko. Huhu kailangan ko siyang tulungan"iyak kong sabi sabay bawi ng kamay ko ngunit ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Let him be. Inaalala na niya ang lahat. "Sabi niya ng seryoso kaya huminahon na ako at binitawana ang braso ko. Nakatayo akong nakatitig sa kaniya. Napatakip ako ng bibig ko upang pigilan ang paghikbi. Naiiyak talaga ako.
"Briohny.. Naaalala ko na m-my princess"pagkasabi ni Dwight non bigla na naman bumuhos ang napakaraming luha ko na di ko mapipigilan. Dwight? I'm sorry.
"Ka-kasalan ko to. Kasalanan ko! "Sigaw kong sabi sabay sabunot sa buhok ko. Ako! Ako talaga eh! Niligtas mo ko kaya nasa ganiyang sitwasyon ka. Kauna-unahang taong binigyan ako ng halaga. Kauna-unahang taong kinaibigan ako, pinahalagahan ako, inalagaan at higit sa lahat kauna-unahang taong nagparamdam sa akin na isa akong prinsesa.
"Dont blam---Aaaargh"putol niyang sabi dahil bigla siyang sumigaw. Hindi ko alam kung bakit, parang may pilit siyang kinokuntrol.
"DWIGHT!" Tawag ko
Bigla niyang inangat ang ulo niya. Nagulat ako sa nakita ko dahil parang may itim na ugat sa kanyang mukha na kumalat tas ang kanyang mata ay pumula.
Ngumiti siya na nakakakilabot. Bigla akong hinila ng Grim Reaper papunta sa likod niya."Dw-Dwight"tawag ko. Anong nangyayari?
"Dwight? Hahaha kaya pala. Kilala mo siya at ikaw pa talaga ang dahilan ng pagkamatay niya. Napakapalad ko naman at sumanib ako sa lalaking to na malapit sayo"sabi niya na parang may dalawang boses siya, malaki ito at nakakatayo ng balahibo.
"ANONG GINAWA MO SA KANIYA!" Galit kong sabi
"Dark Soul? Pero wala kayong kakayahang sumanib sa kapwa niyong kaluluwa rin. Pinagkaiba lang masama kayo"sabi ng Grim Reaper ng seryoso. Nakatingin din siya kay Dwight na sinaniban ng masamang nilalang
"Hindi ako basta-bastang Masamang kaluluwa. Ubod ako ng sama. Isa akong Dark Spul na namuhay ng napakatagal na ng panahon. Ako ang Legendary Dark Soul, ang PINUNO"sabi nito
"Narinig ko na ang tungkol sayo. Pero you've been locked up. Paano ka nakatakas? "Tanong ng Grim Reaper na para akong tanga na nakikinig sa kanila dahil wala akong maintindihan.
"At narinig ko narin ang tungkol sa iyo. Kaluluwang naging Taga sundo. Ano kaya ang nakita ng tadhana sayo at ikaw ang pinili ng Legendary Grim Reaper? "Sabi nito sa Grim Reaper na seryoso lang ang mukha.
Teka? Kaluluwa siya dati? Anong ibig sabihinon?
"Kaluluwa ka dati? "nagtatakang tanong ko at di niya lang ako pinansin. Tss! Ang sarap talaga sapakin.
"Tss! Sagutin mo ang tinatanong ko. Paano ka nakatakas? Dapat wala ka narin katulad ng Legendary Grim Reaper, may hangganan rin kayo--ang lahat ng mga bagay"inis na sabi ng Grim Reaper. Halata naman sa tuno ng boses niya.
Pero di niya parin sinagot ang tanong ko.!
"Sabi nga nila pag masamang damo, matagal namamatay. Eh ubod ako ng sama eh. At nakatakas ako dahil sa may kailangan ako gawin"sabi nito at nakatitig sa akin ng nakakakilabot.
Bakit saakin ka nakatingin ah? Geez! Nakakatayo ka ng balahibo.
"Tss! Im tired of this"sabi niya at biglang sinumon ang scythe niya.
See! Wala talagang pasensya. Mainipin.! Pasalamat kang Grim Reaper ka, gwapo ka.
"Woah! Easy lang. Masyado kang mainit eh. Darating rin tayo diyan"sabi niya at naglaho nalang bigla .
"Dwight! Dwight huhu"iyak kong tawag at niyakap lang ako ng Grim Reaper sabay iyak sa dibdib niya. Rinig ko nga ang tibok ng puso niya.
------
Pumasok ako sa bahay na umiiyak. Nakasunod lang ang Grim Reaper sa akin wala namang problema dahil di siya nakikita.
Pagpasok ko sa loob nakita ko si Mama sa sala. Di siya pumunta sa restaurant ngayon, mamaya pang hapon.
"Anak kumain ka ng tanghalian. Di ka pa naman kumain ng agaha---"putol na sabi ni mama ng nakita niya akong umiiyak. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
"Ma? Huhu naalala ko na ang lahat. Ang nangyari sa akin noon"sabi ko na umiiyak parin.
"Anak? "Sabi niya at hinihimas ang likod ko. Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at tinitigan siya sa mata.
"Alam ko na ako ang dahi--" putol kong sabi dahil nagsalita si mama.
"Anak. Hindi mo kasalanan. Hindi ka sinisisi ng pamilya niya dahil alam nila na wala kang kasalanan, yung sumaksak sa kanya, ang lahat ng may kagagawan ay pinahuli na ng magulang ng lalaki"sabi ni mama
"Alam ko na nahihirapan ka ngayon dahil siya ang kaisang-isang tao na kaibigan mo at pinahahalagahan ka. Sadyang don lang talaga anak. Hindi natin hawak ang mga bagay na nangyayari sa isang tao."dagdag niyang sabi.
"Ang sakit ma. Ang sakit sakit. Nawala siya dahil sa akin. Ang pinakapait pa non, ngayon ko lang naalala ang taong mahalaga sa akin. Paano ko siyang nagawang kalimutan? " Iyak ko paring sabi.
"Shh, tahan na anak. Magpahinga ka nalang muna. Wag mo nang sisisihin ang sarili mo, okay? Im sure na hindi ikaw ang sinisisi niya, alam ko kung gaano kabait ang lalaking crush mo noon"sabi ni mama sabay tawa ng tipid.
Tinignan ko siya, nakatayo parin siya sa may pinto.
"Si-sige na ma. Mamaya nalang po ako kumain"sabi ko sabay ngiti ng pilit.
Umakyat na ako sa taas at umupo sa kama. Bigla lang sumulpot ang Grim Reaper sa harapan ko.
"Shh, dont cry now"sabi niya
"Hindi ko mapigilan ang luha ko "sabi ko sa kanya na umiiyak parin.
"Hmm.. I dont know what's really happening, kung gaano ka nahihirapan ngayon. If I could just get the pain that you're feeling right now, matagal ko ng kinuha" walang emosyon niyang sabi ngunit kita sa mata niya kung gaano siya ka sincere sa mga sinasabi niya.
"Kung nandon la--"putol niyang sabi dahil nagsalita ako.
"Mas di ko kakayanin kung ikaw ang nandon sa ganong sitwasyon" dali kong sabi. Hinawakan niya ang kamay ko at hinihimas himas ito.
"Aalis muna ako. Magpahinga ka muna. Babalik ako"sabi niya
"Saan ka pupunta? " tanong ko sabay pahid ng luha ko.
"Sa Headquarter lang. Babalik ako rito mamayang gabi. "Sabi niya at hinalikan niya ako sa noo. Natulala nalang ako sa ginawa niya, medyo matalag nga nag-sink in sa utak kong kalawang ang ginawa niya. He kissed me on my forehead and smile a bit. Kahit tipid lang yung ngiti niya mas lalo siyang gumwapo, paano pa kaya kung ngumiti siya talaga at tumawa.
"Sige. Ma-mag-iingat ka"utal kong sabi. Gezz! Bat pa ako nauutal, at bakit parang ang init ng pisngi ko.
Naglaho na siya at humiga nalang ako sa kama, ngunit bago pa ako nilamon ng antok ay pumasok sa isip ko si Dwight at yung sinabi ng Dark Souk na kaluluwa yung Grim Reaper noon. Hindi niya naman sinabi sa akin. Saka na lang siguro.
Yan na ang update.
Salamat sa pagbabasa.
What can you say guys.?
Kindly vote and comment.
EDITED✔
~Author'sNote
YOU ARE READING
Grim Reaper's Soulmate
FantasyThis story was about a Grim Reaper who wanted to become a soul again and be reincarnated. He need to find his soulmate which will free him from being a Grim Reaper to feel love again. He was destined to be a Grim Reaper yet wanted to have an anot...