Chapter 11

131 7 0
                                    

CHAPTER 11

                      BRIOHNY POV

"Keyle? Alam mo ba nanaginip na naman ako katulad nong dati."sabi ko habang nagwawalis sa labas ng bahay. Wala kaming pasok ngayon kaya tutulong kami sa bahay kasi si mama nasa restaurant namin.

"Iniinom mo ba gamot mo.? Binibilinan ka na namin ni mama na iinumin mo gamot mo. Pambihira!!"sabi niya

"Grabe ka ha!  Kung makapagsalita sa akin akala mo mas MATANDA!"inis kong sabi.

"Ah sorry po lola. Bleeh!"sabi niya at nag-bleeh sa akin.

"Che!"yun nalang ang nasabi ko at pinagpatuloy ang pagwawalis ko.

Sabi ni mama sa akin na traumatized daw ako dahil sa pagbubully sa akin non dahil sa pagiging kakaiba ko sa mga kaklase ko. Kinder hanggang Elementary lagi akong binubully at mas worst nong Junior years ko pero ngayon di na gaano. Minsan may napapaginipan ako na paulit-ulit nalang katulad nong kagabi. Parang may piraso ng alaala ko ang nawawala.

Kahit ako mismo di ko maipaliwanag ang sarili kong panaginip.

"Ate!!"tawag ni Keyle mula sa loob

"BAKIT?"sigaw ko.

"Yung gamot mo. Inumin mo na!"sabi niya at pumasok na ako sa loob. Siguro nga kailangan kong inumin ang gamot na iyon. Para kasing bumabalik na naman yung dati kong napapanaginipan.

Pagkatapos kong uminom ng gamot ay bumalik na ako sa pagwawalis. Pina-uusukan ko yung puno para mamunga ulit. Hehehe.

"Grabe pina-uusukan mo ba ako!"sabi niya

"Alam ko ba na nandiyan kang multo ha!?"inis kong sigaw.

"O wag na po magalit."sabi niya na ngumingiti.

"Huwag mo kong po po-in ha! Mas matanda ka pa sa akin"sabi ko.

"Hahaha siguro."sabi niya.

"Gusto mo tulungan kita?"tanong niya.

"Hawakan mo tong walis! Kaya mo ha?"sabi ko.

"Hahaha. Multo ako. I can do what I want. Basta mag-concentrate ako magagawa ko. Minamaliit mo ko eh ang TANGKAD KO"sabi niya na medyo nilakasan ang pagkasabi ng TANGKAD.

"Oo na! Ikaw na matangkad.!"sabi ko at inirapan siya at tawa lang ang binigay sa akin.

"Sige na" parang bata niyang sabi.

"Huwag na. Matakot pa ang makakita na lumulutang yung walis. Sasabihan na naman ako ng Freak, weirdo at kung ano-ano pa"medyo malungkot kong sabi.

"Hindi ko hahayaan yan."biglang seryoso niyang

"Talaga?. Bait mo naman. Bat mo sinasabi sakin yan.?"ako

"Hi-hindi ko alam. Para may parte sa akin na hindi hahayaang may manakit sayo. Hindi ko alam. Hindi ko talaga alam kong bat lumabas sa bibig ko iyon. Pasensya na"lungkot niyang sabi.

"Ahahaha. Joke lang. Hahaha ngumiti ka na."sabi ko.
Binigyan niya ako ng ngiti ngunit pilit lang.

Naguilty tuloy ako. Huhuhu:(

              GRIM REAPER POV

Katatapos ko lang ihatid yung limang kaluluwa na binigay sa akin na trabaho. Sobrang aga at nambubulabog. Kaya binilisan ko ang trabaho para makita siya. Wala naman silang pasok ngayon kaya nasa bahay lang siya.

-------

"Eeh! Aaahhh!"sabi ko sabay gulo ng buhok ko.

"Grabe yan talaga madatnan ko? Grabe tong multo na to. Pangiti-ngiti pa, mapunit sana pisngi mo"sabi ko.

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now