Chapter 25

92 4 0
                                    

Chapter 25

              BRIOHNY POV

Nagising ako sa puro puti na kwarto. Nilibot ko ang mga mata ko at wala kahit isa na nandito. Alam ko na nasa clinic ako. Medyo masakit yung likod ko sa pagkakatama ng upuan.

'Asan na ba siya? '

'Okay lang ba siya? '

Madaming tanong ang namumuo sa aking isipan.

'Nakakainis'

Matutulog nalang sana ulit ako ng may biglang bumukas ng pinto at niluwa ang lalaki yung muntik ng bumangga sa akin. Yung sumasabay sa akin kanina?

"Hey are you alright? Narinig ko kasi ang nangyari kanina, ngayon lang ako nakapunta rito"sabi niya

"Sino ka ba? " tanong ko.
At bigla siyang napakamot ng batok.

"Hahaha. Ay oo nga pala. Im Zayne Mark Weston"sabi niya sabay lahad ng kamay niya para makipagshake hand.

"Teka, Weston? Parang narinig ko na ang apelyido na iyan"sabi ko

"Oo, anak ng may ari ng school na to"sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

"Hehehe Hi"sabi ko. Nahiya kasi ako sa pagtataray ko sa kanya. Siya pala ang anak ng may-ari ng school na to. Ang bad ko! Huhu. Eh wala ako sa mood eh.

"And you are? "Tanong niya

"Briohny"ikling sabi ko.

"Teka nga! Bakit ka ba nandito.? Hindi naman tayo close no"sabi ko ulit at tumawa lang siya ng tipid sabay kamot ulit sa batok.

"Ahh eeh. Gusto ko sana mag apologize about the incident. Nagmamadali kasi ako non kasi pinatawag ako ng Daddy ko papunta rito. And also I like you"sabi niya na ikinunot ng noo ko. I like you daw. Edi Wow! Ang bilis ah.

"I know what you are thinking. Hahaha i like you to be my friend. The first time that i saw you, parang ang gaan na ng loob ko at komportable ako sayo"sabi niya sabay wink pa sa akin. Ay! Tangina. Ang gwapo niya pero mas lamang yung Grim Reaper ko. *^____^*

"Haha ganon ba?. Pero di pwede. Alam mo na. Ang mga babae rito baka pag-initan na naman ako nito"sabi ko sa kaniya kaya medyo nalungkot naman siya.

"Hmm. I dont care kaya nga gusto kita kasi iba ka sa kanila. " sabi niya at nginitian ako.

"Hahaha nakakatawa ka naman. Pero kailangan ko ng magpahinga"sabi ko at nagpaalam na siya sa akin. Pagkasarado ng pinto ay biglang sumulpot ang Grim Reaper na nakakunot ang noo. As in nakakatakot ang aura niya ngayon. Ang sama ng tingin sa akin.

Kasalanan ko?

"What was that? " tanong niya

"Ang alin? " tanong ko naman.

"Tss! "Sabi niya.

"Ano ba kasi yun?! " inis kong tanong.

"Nothing. Okay ka na? " tanong niya. At tumango lang ako

"Ikaw? May nangyari bang masama sayo? " tanong ko at umiling lang siya.

"Briohny. Dont do that again"seryoso niyang sabi.

"Do what? "Ako

"Risking your life for me" dali niyang sabi. Tinignan ko lang siya ng seryoso.

"I-i want to. And you can't stop me"seryoso kong sabi. Nagkatitigan kami ng ilang minuto. Para bang sinsuri namin ang aming mga mata kung ano ang sinasabi nito.

"I just dont want you to get hurt because of me. Mas okay pa na ako dahil--I love you. I love you and you are my soulmate so please dont be such a hardheaded.! " inis niyang sabi at napahawak nalang ako sa puso ko. Ang bilis ng kabog nito at yung tiyan ko parang may kung anong insektong nagkakagulo.

"Ah--eeh. Pwede ba---"putol kong sabi dahil hinalikan niya ako--sa labi at pagkatapos non ay hinalikan niya ako sa noo. Nakatulala parin ako kaya pinitik niya ilong ko at tumawa siya.

"Hahaha"tawa niya

'Tumawa siya. Boset ang gwapo talaga niya. Papyesta na ba ako kasi tumawa ang walang ka emo-emosyong Grim Reaper na to.

"Ang sakit ah!" Reklamo ko sabay hims sa ilong ko at tinignan siya ng masama.

Tinakpan ko nalang ang mukha ko dahil namumula talaga ako ngayon na parang kamatis ng dahil sa kilig. Enebeyen..

"Hey. Look at me? "Sabi niya at tinaggal ang kamay ko na nakatakip sa mukha ko.

Kita mong kinikilig yung tao eh!

"I know you hear what i said earlier at di ako nagmamadali na sabihin mo ang nararamdaman mo sa akin" sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Pahinga ka muna. Babalik ako. Aasikasuhin ko muna yung masamang kaluluwa. And please--kailangan mong mag-ingat. "Sabi niya at naglaho na sa harapan ko.

------

      .        GRIM REAPER POV

Nandito na ako sa Headquarter na kung saan kinulong ang DS nato sa isang kulungan na isang barrier na pinalilibutan ng pula na parang kuryente.

"Pinuno anong gagawin diyan?" Tanong ng kasamahan ko.

"Burahin sa mundo" walang emosyon kong sabi.

"Grabe ka bro. Napaka-heartless mo naman" sabi ng kasamahan ko

"Nakita niya ang ikalimang lahi at kung mabubuhay yan maaaring isumbong niya ito sa kanyang pinuno"sabi ko.

"Talaga? So nahanap mo na siya. "Tanong ng pinuno.

"Oo"ikling sagot ko.

"Kung ganon. Bantayan mo ang taong yun. At yan? Pugutan ng ulo"sabi ng pinuno at papalakpak sana yung dalawa ngunit naunahan sila ng pinuno at pinalabas ang scythe nito na nakakatutuk sa pagmumukha ng dalawa.

Napailing nalang ako.

Tinanggal ko yung kulungan niya at nilapitan siya. Naka-kadena naman ito kaya di ito makakatakas.

"Malalaman ito ng pinuno namin. Pagsisisihan niyo to"DS

"Kung makakaligtas ka sa gagawin ko" walang emosyon kong sabi at pinugutan ko siya ng ulo. Unti unti na siyang naglaho.

Bakit pa patatagalin diba? At saka ang ingay!

"Nakakatakot ka bro"

"Oo nga. Geez! Tumayo ata balahibo ko"

"Shut up or else--kayo isusunod ko"sabi ko at itinaas nila ang mga kamay nila na para bang sumusurender sa pulis. Tss.!

-----

               THIRD PERSON POV

Tahimik ang pinuno sa kanyang silid. Nakaupo ito ngayon sa silid kung saan sila nagpupulong.

"Hi-hindi ka magtatagumpay"sabi ng isang boses lalaki

"Tumahimik ka walang kwentang kaluluwa. Mapapasaakin ka rin at gagawin ko ang plano ko. Huwag kang mag-alala. May bait pa naman akong natitira. Ipapanuod ko sayo kung paano ko siya patayin" sabi ng pinuno

"Hindi ko hahayaan yan! Hinding-hindi"

Tumawa lang ang pinuno na para bang nananalo na ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang kanyang kanang kamay.

"Pinuno, may nawawala po tayong mga kasama, at ngayon may isa na naman"balita niya sa kanyang pinuno.

"AAARRGHH.. HINDI MAAARI."sigaw nito na umaalingawngaw sa silid

"Kailangan mo na ninyo itigil kung ano man ang ginagawa niyo. Pagsapit ng susunod na buwan ay tuluyan ko ng masakop ang kaluluwa na ito saka tayo kumilos at  susugod "sabi ng pinuno

Yan na ang update.
Salamat sa pagbabasa
Kindly vote and comment.
EDITED✔
-AUTHOR   

Grim Reaper's SoulmateWhere stories live. Discover now