There are certain things that we cannot stop.
Like, we cannot stop people from loving or dying.
Paano nga ba natin mapipigilan ang kamatayan? Kung ang kamatayan ay isang prinsipiyo kung saan sinasabing paraan ito ng Panginoon para hindi na maghirap ang mga nilikha Niya. Dahil sa mundo Niya, wala nang sakit, luha, pait at lungkot ang madadama.
Pero, alam kaya ng Panginoon na mahirap ang mamatay para sa mga taong nais Niyang kunin? Masakit mangiwan at masakit mawala sa mundong nakasanayan. Masakit isipin na gigising ka sa isang lugar kung saan wala na ang mga taong nais mong makasama at habang buhay mo na lang silang titingnan na kahit kelan hindi mo na sila mahahawakan at mayayakap man lang. Hanggang tingin ka na lang.
Oh well, hindi pa naman ako mamamatay, malapit-lapit pa lang kaya bakit ko ba iniisip lahat ng to? Siguro naman kapag namatay ako, iba siguro ang mararamdaman ko. Hindi naman ako nakakausap ng patay kung anong feeling sa itaas kaya ayoko munang husgahan ang langit.
Sa langit pa nga ba ko mapupunta? Matapos lahat ng gagawin ko? Tatanggapin pa kaya ako ni Lord?
Pero, mapagpatawad si Lord, yun ang sabi ni Mama, kaya sure naman akong maiintindihan niya ko. Para rin namang wala nang masaktan sa mangyayari sakin. Diba? Pag mas marami kasi ang umiiyak sa burol mo mas masakit mang-iwan baka maligaw pa ko't di mahanap ang liwanag. Matawag pa kong ligaw na kaluluwa.
Gusto ko sa ika-40 na araw ko makaakyat na ko ng matiwasay. Kaya tama lang to.
Planado na lahat...
Wala sanang makasira nang plano ko...
Sana...
"Aree!"
Napabalik ako sa ulirat nang kalabitin ako ni Wella.
"Ano ba yun?" Iritado kong tanong.
"Kanina pa uwian at talagang bumalik ako dito kasi hinahanap ka na ni Lance. Kanina ka pa daw niya hinihintay." Nakapamewang niyang sermon sakin.
Masyado ba kong nagiisip? Oo nga no? Uwian na. Ang galing. Sabaw nanaman utak ko.
"Alright." At tumayo ako, "Thanks Wella." At dinampot ang bag ko para sumabay sa kanya sa paglabas.
"There's Lance." sabay turo niya sa pulang sasakyan. "I'll go ahead, bye!" sabi niya at umalis para sumakay sa sundo niya.
Ngumiti naman ako nang binalingan muli ng tingin ang lalaking kanina padin nakatingin saakin habang nakasandal sa kotse niya. Brinush niya ang buhok niya paitaas at naglakad palapit sakin.
"Baby.." bungad niya at niyakap ako. I hugged him back.
"Sorry ha. Kanina ka pa?" I asked.
Kumalas siya sa yakap at hinawakan ang magkabilang balikat ko, "Okay lang kahit maghintay ako nang matagal. As long as ikaw ang hinihintay ko."
Di ko maiwasan mapangiti sa sinabi niya.
"Kinikilig ka no?" At ngumisi siya.
"Nakakainis ka! Tara na nga!" Ani ko at hinila ang kamay niya.
Tahimik kaming nakarating sa bahay namin.
"Text me when you get home, alright?" I said as I look straight into his brownish eyes.
"Yes Ma'am." At ngumiti siya.
Tumango ako at lumabas siya para pagbuksan ako.
Bubuksan ko na sana ang gate namin nang niyakap niya ko galing sa likod.
"By, 5 minutes lang." He said at idiniin ang ulo niya sa balikat ko.
Natatawa na lang ako sa kanya.
Pagkatapos ng limang minuto ay hinarap niya ko sa kanya. Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko.
"Take-" at hinalikan niya ko sa noo, "care-" at hinalikan niya ko sa ilong, "of-" at hinalikan niya ko sa kanang pisngi, "your-" at hinalikan niya ko sa kaliwang pisngi, "self." then he gave me one sweet peck on the lips before he smiled while looking sweetly in my eyes.
"Take care of yourself too." Halos pabulong na iyon.
"I love you." Hindi niya padin binibitawan ang pisngi ko, "I love you so much Areeyah." He said.
"I love you too so much Lance. I wish we can be like this everyday." I said.
Inilayo niya ang mukha niya saakin at tiningnan ako bago ngumiti, "We will forever be like this. Promise." He chuckled.
Tumango ako at ngumiti.
Umalis nadin naman siya pagkatapos nito. Habang pinagmamasdan ang kotse niyang unti-unting naliit sa paningin ko, napabuntong hininga na lang ako.
"No Lance, we can't be like this anymore. Ayokong masaktan ka."
Kasabay ng luha ko.

BINABASA MO ANG
Before I Die (UNEDITED)
Fiksi UmumHow much can you sacrifice for the people you love? Areeyah Kate Almodovar is a college student living the best of her life. Everybody loves her, she's a jolly and carefree person and eventhough she's one of the richest girl in her university and he...