Chapter 1

487 6 0
                                        

Chapter 1

"Whooo Aree, diet?" Puna ni Sandra, kaibigan ko habang nakatingin sa pagkain ko.

What's wrong with veggies?

"Hindi a! Wala ako sa mood mag-meat ngayon." I lied.

Nasa cafeteria kami ngayon kasama ang mga kaibigan namin.

"Lance!" Bati ni Gerald, isa sa mga nakaupo sa table namin at napalingon ako nang makita si Lance na nakangiti at palapit samin.

Pinagtitinginan naman siya ng mga babaeng dinadaanan niya. Well, limang taon na kong nasanay sa mga matang laging tumitingin sa kanya, di ko din naman maipagkaila na isa siya sa mga pinakagwapo sa campus at isang star player ng varsity ng school. At saka hinahayaan ko na lang sila dahil wala namang nagattemp na magpakita nang motibo sa kanya, 'cause everybody knows that he's taken, everyone knows about our relationship.

Umupo agad siya sa tabi ko at nakipag-apiran sa kasama namin sa table. Binati niya din ang makaibigan ko. Agad namang nagpahinga ang kamay niya sa likod ng upuan ko.

"Why so late?" I asked.

"Sorry, dumaan pa kasi ako sa locker ko may kinuha lang." then he smiled.

"At ano yun?"

Ngumiti siya sa tanong ko, "You'll know it later." Then he winked.

"Eh?" He left me confused.

"Just eat." At tumingin sa pagkain ko, "What is that baby? Vegetables? I didn't know that you're a vegetarian." He said.

"I'm not. I just don't like meat for this day."

"Okay." At nagpaalam para umalis at bumili ng makakain.

Habang naguusap-usap kami ay may dumating na grupo nang lalaki na nakapagpaingay sa canteen. Dahil bago sa pandinig namin na may tilian ang mga babae bukod sa grupo nila Lance ay napatingin kami agad sa kanila.

"I heard transferees daw yan." Maangas na sabi ni Paul habang pinagmamasdan sila.

Tatlo lang sila, yung lalaki sa kanan, ay agaw pansin dahil sa blonde niyang buhok at singkit na mga mata, mukha siyang adik sa k-pop dahil sa itsura niya. Nakaheadphones lang siya at parang walang alam sa mga nangyayari, ang lalaki naman sa kaliwa ay mukhang badboy, may piercings sa kaliwang tenga at magulo ang buhok. Hindi mo makikitaan ng kapangitan kahit medyo mukha siyang rockstar. At ang lalaki sa gitna, ay mukhang gwapong mahiyain, malalim ang itim na itim na mga mata, matangos na ilong, clean cut na buhok at salamin niyang lalong nakahatak sa itsura niya. Nagbabasa siya ng libro habang naglalakad. Nerd?

"Stop staring at them too much Aree." I heard Lance kaya napalingon ako sa kanya.

Natawa naman ako nang mahimigan ang pagiiba ng tono niya habang sinasabi iyon, "You jealous?" I said.

"I only want you to look at me. Stop staring at them. Mas gwapo ako sa kanila. Don't tell me na mas gwapo sila." He seriously said.

Kinurot ko ang pisngi niya at napadaing siya doon, "Hay nako Lance Daniel Fevito, ikaw ang pinakagwapo sa paningin ko, remember that." Then I smiled.

Ngumiti siya at binigyan ako nang mababaw na halik, napatigil ako sa ginawa niya.

"Hoy kayo! H'wag dito. Ang PDA!" Saway ni Sandra.

Lance chuckled, "Sabi kasi sayo Gerald, ligawan mo na si Sandra e!" At tumawa kami.

"Eww! This guy? No way Lance." Ani Sandra at gumawa pa nang "X" gamit ang mga braso niya.

Tumatawa lang si Gerald habang pailing-iling.

I gave my one last glance sa tatlong lalaki pero nagulat ako nang nakatingin pala siya sakin. Nang magtama ang mga mata namin ay agad siyang umiwas. What's with that look?

Before I Die (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon