Chapter 10
Naglalakad kami sa hallway palabas ng building namin. The boys fetch us dahil birthday ni Paul ngayon at gusto nilang magbar.
Naguusap lang kami ni Sandra about sa isang subject dahil may upcoming project kami doon. Habang si Gerald at Paul ay nagkukulitan sa unahan namin at nasa likod namin si Wella at Lance.
"Kapag kasi hindi yun yung topic na ginamit natin, baka di magwork." Ani Sandra.
"Maybe, but maybe also that there's another option. Malapit-lapit kasi yun sa topic natin last year." I said.
Tumango naman siya, "Oo nga. Sige we'll-"
"Lance, pabitbit naman ng bag oh."
Naputol ang pakikinig ko kay Sandra nang marinig ko ang boses ni Wella sa likod. Nagfocus lang ako kay Sandra pero ang tenga ko ay nakila Lance.
"Okay." Walang buhay na sagot ni Lance.
"Tsaka later sa bar, tabi tayo okay?" Maligaya ang tono ni Wella. "And ikaw maghahatid sakin kapag nalasing ako."
"Maglalasing ka? No way Wella."
"Why? Can't I drink?" Wella asked.
"You can pero babantayan kita. You can't drink a lot. Okay?"
"Woah! Really babantayan mo ko Lanskie?" Pangaasar niya.
"Cut that Lanskie thing!" Matawa-tawang sabi ni Lance.
"Tatawagin kitang ganun hanggang sa bar!" Tumawa siya at tumakbo.
"Wella don't!" Sigaw ni Lance at tumakbo nadin.
Dinaanan niya kami pero hindi niya ko nilingon, naka-focus ang mata niya kay Wella na tawa padin ng tawa habang nakaharap sa kanya.
"Hoy! Magkatuluyan kayo niyan!" Sigaw ni Gerald.
"Gerald!" Saway ni Sandra at nilingon ako.
"Ay! Sorry Areeya." At nag-peace sign siya sa harap ko.
"Huh?" Pinamukha kong nagtataka talaga ko, "No need Rald, besides bagay nga sila e. Look."
Pinagmamasdan lang namin silang nagkikilitian. Tawa ng tawa si Wella sa ginagawa ni Lance. Jealousy came all over my body. That should be me. Not Wella.
Habang pasakay kami ng van nila Wella ay nagtext si Timothy.
Timothy:
Just saw you went inside the van. Take care of yourself and text me anytime if there's a problem.
Ako:
Okay. Thanks!
Ganun padin ang itsura namin sa van, sila Paul at Gerald sa likod, kami ni Sandra sa gitna at si Lance at Wella sa unahan namin.
Nice view huh?
Habang nasa byahe ay sumandal si Wella sa balikat ni Lance at hindi nagreklamo si Lance. Tig-isa lang sila ng earphone at tahimik. Ayaw ni Lance ng sinadandalan siya sa balikat. Bukod sakin wala nang ibang nakakagawa niyan. But, I guess, time has really change. Kasalanan ko din naman bakit ako nagseselos ng ganito.
Nakarating din kami sa bar at dali-daling pumasok doon. Maingay ang buong bar, madami-dami din ang tao at medyo nakakahilo ang ilaw. Umupo lang kami sa isa pinareserved na pwesto ni Paul at nagserved nadin sila ng drinks.
Agad-agad ko din naman nilagok ang isa.
"Areeyah! Take it easy." Lance said kaya napatingin ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Before I Die (UNEDITED)
General FictionHow much can you sacrifice for the people you love? Areeyah Kate Almodovar is a college student living the best of her life. Everybody loves her, she's a jolly and carefree person and eventhough she's one of the richest girl in her university and he...
