Chapter 5
Timothy:
On my way.
Yan ang text niya sakin nang sabihing kailangan niya kong sunduin. Buti na lang hindi na nanggulo si Lance nung mga sumunod na araw. Hindi rin kasi ako pumasok at sinabi ko nadin kay Timothy na h'wag muna siyang pumasok. Baka masapak nanaman siya ni Lance.
Timothy:
Nasa tapat na ko ng bahay niyo.
Agad akong lumabas at bumaba, napansin ako ni Arexha na nasa salas at nakaupo sa sofa.
"Ate." she called.
"Yeah?"
"Kinakausap ako ni Kuya Lance, ano bang nangyari? Is this part of your plan?"
Hindi ko na siya sinagot.
"Ate, do you really have to do this? Hindi mo naman kailangan hiwalayan si Kuya Lance e. I'm sure he'll understand if malaman niyang..." mamamatay ako. Huminga siya ng malalim na para bang hindi niya kayang sabihin ang gusto niyang idugtong.
Nilapitan ko siya at hinimas ang braso niya, "Gail, may mga bagay kasing mahirap i-explain. Isipin mo na lang na kaya ko to ginagawa dahil mahal ko si Lance. Para sa kanya din lahat to." Ngumiti ako.
"Ate sana masaya ka sa ginagawa mo."
Hindi ako masaya. Ayokong saktan si Lance, hindi ko din alam kung paano ko nakakayang gumising nang alam kong wala na kami. I've never imagined myself breaking up with him.
"Masaya ko Gail, kasi alam kong magiging masaya siya. Alis na ko. Papasok pa ko." Tumango lang siya.
Pagkalabas ko nang bahay ay agad din akong sumakay sa sasakyan ni Timothy. Hindi ko na siya inimik. Ngitian ko lang siya.
"So, what's the plan?" Tanong niya habang nagmamaneho.
"Hindi mo ko pwedeng layuan execpt kung oras ng klase at break time. Sila Wella padin ang kasama ko. But then, kailangan ihatid-sundo mo ko sa room and if Lance is around be sweet. Yun lang." I said.
"Okay." Walang emosyon niyang sabi. At pinark ang sasakyan niya, "Stay, pagbubuksan kita." He said at lumabas.
Yun nga ang ginawa niya, at pagkalabas ko ay binitbit niya ang bag ko.
"What are you doing?" I asked.
"Ihahatid kita sa room mo so I have to bring your things. H'wag ka na magreklamo. Ang daming mata sa paligid."
Tama siya, lahat ng mata ay nasaamin. Sino ba namang hindi magugulat kung ever since me and Lance entered this school ay may relasyon na kami. Hanapan na nga ako ng nawawalang Lance dahil alam ng lahat na alam ko kung nasaan siya palagi.
Habang naglalakad sa hallway ay di maiwasan ng ibang hindi mapatingin, hanggang sa nasalubong ko sila Wella.
"Oh, nandiyan na pala sila Wella, h'wag mo na muna ko ihatid."
Tumango lang siya.
"Saan ang room mo?" I asked.
"1st floor, room 007. Alis na ko." Binigay niya ang bag ko at umalis.
Isang makahulugang tingin naman ang ibinigay ng dalawa sakin.
"What?" I asked them.
Sabay silang bumuntong hiningi at umilng. Nauna nadin sila maglakad sakin na tila ba nagpaparamdam sila ng dissapointment sa ginawa ko.
I know they will feel dissapointed sa ginawa ko. Sino nga bang hindi? Everyone thinks that Lance and I will be together forever. Na-feature nadin kami sa iba't-ibang pages ng social media sites bilang isa sa mga kabataang may perpektong relasyon. Hindi nakikita ng mga taong nagaaway kami except nung araw na sinuntok niya si Timothy.
After class, sinabihan ko si Timothy na h'wag na kong sunduin at may lakad kaming tatlo nila Wella. Hindi nila ko kinausap sa buong araw. Nung naglunch naman ay hindi sumabay si Lance saamin at may practice daw. Namiss ko tuloy siya bigla.
Ngayon, nakaupo lang kami dito sa paborito namin cafe at nagtititigan.
"Hay!" sa wakas, binasag ni Sandra ang katahimikan, "Ok, so Aree, pwedeng paki-explain lahat ng nangyayari? Medyo na-shookt kami ni Wella e."
"Huh? Wala na kami ni Lance."
"Then?" Sandra asked.
"Then what?"
"Alam mo ang slow mo." Singhal ni Sandra, "Timothy? What about him?"
"He's...my boyriend? Uh-why?" I tried to act natural as if wala akong paki kahit nasaktan ko si Lance.
Nanlaki naman ang mata ni Sandra at umiling-iling lang si Wella.
"Seryoso ka? Kelan pa? At teka, transferee sila Timothy at last month lang natin sila nakita. Paano?" Nagtatakang tanong ni Sandra.
"Magkakilala na kami simula pa nung sa ibang school siya nagaaral." I lied again.
Lumungkot ang mukha ni Sandra, "Bakit di mo sinabi samin?"
"Syempre, para hindi natin masabi kay Lance." Matabang na sabi ni Wella.
"Wella..." Sandra said.
Nanatili ang mga mata ni Wella sakin kaya medyo nag-iwas ako ng tingin, she's mad. Really mad. "You know what Areeyah? I don't get you. Sinayang mo ang limang taong pagiging magkarelasyon niyo ni Lance at mahigit 10 years niyong pagiging magkaibigan para lang sa isang transferee!?" Medyo na palakas ang boses niya kaya may mga napatingin samin.
"Wella. Let's talk about this is a calm way." Sandra said.
"Calm? Paano ko kakalma kung nakikitang kong ganun si Lance? Kitang-kita mo ba kung paano niya unti-unting sinisira ang buhay niya? Hindi na siya napasok. Nasa gym na lang daw siya maghapon. Wala siyang malapitan satin dahil alam niyang kasama natin lagi si Areeyah. He doesn't want to see her kasi hindi niya kayang tanggapin na pinagpalit siya ng ganun-ganun lang! Sige nga Sandra! Tingnan natin kung kumalma ka pa." Malungkot na tugon ni Wella.
Napapikit ako dahil nararamdaman ko na ang luha sa mga mata ko. Lance, hindi ganito ang gusto kong mangyari sayo.
"Wella." I said at napalingo siya gamit ang mga galit niyang mata, "Sorry. Pero, nagmahal lang ako." Kitang-kitang mas lumalim ang galit niya.
Oo, nagmahal lang ako. Minamahal ko lang si Lance ng ganito katindi kaya nagawa ko siyang saktan at kinaya kong magkunwari at manggamit ng tao. Minamahal ko lang siya ng sobra kaya kayang tumanggap ng masasakit na salita mula sa mga tao sa paligid ko dahil sa pangiiwan ko kay Lance.
"WHAT THE FUCK!?" Napasigaw si Wella kaya agad siyang sinaway ni Sandra. "Can you hear yourself!? What a shitty reason Areeyah! Nagmahal ka lang? Really? Dahil sa lecheng nagmahal ka lang nanakit ka ng sobra-sobra!? Alam mo, I don't want to talk to you anymore. I don't want to hear your fucking reasons for hurting him. We're done." At tumayo siya at nagdire-diretso palabas.
Doon na bumagsak ang luha ko. Inalo naman ako agad ni Sandra.
"Kung kaya ko lang ipaintindi sainyo, ginawa ko na pero hindi niyo ko maiintindiha." I said between my tears.
Hinahagod niya lang ang likod ko. Hindi ko inisip kung magtataka ba siya sa sinabi ko o hindi.
Nang kumalma na ko, ay napagdesisyunan ko nang lumabas para habulin si Wella. Buti na lang at hanggang ngayon nandito siya sa parking lot, tulala.
"Wella."
Napalingon siya at agad akong sinimangutan, hindi niya ko sinagot.
"Look, I'm sorry." Panimula ko, "I'm sorry for hurting Lance. I'm sorry for hurting the man that you love."
Napaiwas siya ng tingin sa mga sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Before I Die (UNEDITED)
General FictionHow much can you sacrifice for the people you love? Areeyah Kate Almodovar is a college student living the best of her life. Everybody loves her, she's a jolly and carefree person and eventhough she's one of the richest girl in her university and he...