Chapter 6
Dumadagungdong ang ingay ngayon sa buong gymnasium namin. Championship game ng Eagles (our school) at Lions sa basketball ngayon.
Nandito kaming tatlo nila Wella at Sandra para suportahan ang tatlo naming kaibigang naglalaro, si Lance, Gerald at Paul. Paos na paos na kami kakasigaw ng pangalan nila pero wala kaming pakielam dahil masaya naman kami.
"FEVITO FOR THREEEEEEE!" sigaw ng host, at naipasok ni Lance ang bola!
Naghihihiyaw nanaman kami nila Wella, "WE LOVE YOU LANCESKIE!" sigaw namin at matawa-tawa. Napabaling ang tingin samin ni Lance at kumunot ang noo.
"Lagot kayo ayaw niya ngang tinatawag siyang ganun." Ani Sandra.
"Wow! Parang di ka nakisigaw ha." Sarkastikong sabi ni Wella.
Tumatawa na lang ako at umiling. Napabaling naman ulit ang tingin ko sa court at kitang-kita ang init ng laban. Lamang kami ng 5 puntos pero 2 minutes pa ang oras kaya di malabong mahabol kami.
Pero, dahil pumanig samin si Lord ngayon, we won!
Agad kaming bumaba para daluhan ang mga kaibigan namin, agad-agad namin silang kinongratulate. Nagpapayakap pa si Gerald pero pare-pareho namin siyang inirapan. Pawis na pawis kaya siya..
"Uh, Lance, tuwalya mo oh." Sabi ni Wella kaya napabaling ang tingin namin sa kanya.
"Thanks." Nakangiting sabi ni Lance at inabot ang tuwalya..
"Akin na nga! Punasan ko likod mo." Sabi ni Wella.
"Huh?" Nagtataka pa si Lance nung una pero binigay niya din at hinayaang punasan ni Wella ang likod niya.
Parang ako lang ang nakakaramdam ng kakaiba sa ginagawa ni Wella? Pinagmasdan ko si Gerald, Paul at Sandra, nagkukulitan silang tatlo at walang pakielam kay Lance at Wella.
May gusto ba si Wella kay Lance?
"Areeyah." Tawag ni Paul at napalingon ako sa kanya, "Papunas din. Inggit ako e." Natatawa niyang sabi.
"Baliw! Akin na." At kinuha ang tuwalya niya para punasan ang likod niya.
Pero, kakalagay ko pa lang ng tuwalya sa ilalim ng jersey niya ay agad nang sumigaw si Lance, "Paul, Rald, tara na!" Singhal niya at umalis.
"Problema nun?" Nagtatakang tanong ni Sandra.
"Baka init na init na. Girls, canteen na muna kayo, sunod kami." Nakangiting sabi ni Gerald.
"Kay." Sagot ko.
Ilang buwan matapos mangyari yun ay napapansin ko na lagi si Wella. Pero ako lang ata talaga ang nakakapansin. Dahil nung kinausap ko si Sandra about sa nao-observe ko, eto lang ang sagot niya:
"H'wag mo nang isipin yun. Wala lang yun. Wella is such a caring person. Pati naman kila Gerald at Paul napaka-caring niya. Sayo, sakin! She treats everyone the same. Kaya h'wag mo nang lagyan ng meaning yun. Besides, everybody knows kung kanino inlove si Lance."
Pero iba talaga e.
Hanggang sa nagfoundation week na ang school namin, as usual walang pasok.
Noong araw din na to, Lance asked me, infront of the whole school this:
"Areeyah, gusto kita. Pwede ba kitang ligawan?"
Kinikilig ang lahat sa nakikita nila pero sa mga mata agad ako ni Wella nakatingin, nasasaktan siya. Kitang-kita ko yun. Pero nakangiti padin siya na para bang natutuwa din sa ginawa ni Lance. He suprised me, balloons, confetti, roses, chocolates and every thing that a girl wished for to be surprised pero right this moment hindi ko siya maappreciate kasi alam kong may masasaktan at nasasaktan.
Hindi ako maka-oo kay Lance. Parang gusto ko siyang tanggihan pero ayoko siyang mapahiya. Pero ayoko din masaktan ang bestfriend ko. Naguguluhan ako!
"Go na Areeyah!" Sigaw nila Paul.
Napatingin muli ako kay Wella, nakangiti siya at nang magsalita siya nang, "Areeyah! Go!"...
"Yes." Yun na lang ang nasabi ko.
Simula nang ligawan ako ni Lance, all of his attention were on me. Sumasama padin naman kami kila Sandra but most of the time kaming dalawa lang. Ang lagi niyang sinasabi, he want that 'alone time' with me.
Napansin ko din ang pagbabago kay Wella, she's not as caring as she was before. Hindi na siya masyadong touchy at clingy. Tahimik nadin siya minsan. At mas lalong iniwasan niya si Lance.
A year after, naging kami. At doon ko nakumpirma lahat ng hinala ko.
"Sandra. Hindi ko alam bakit ganito? Kailangan masaya ko at nakikita ko siyang masaya pero bakit ang sakit?" Iyak ni Wella kay Sandra noong pinuntahan ko sila sa isang bench sa oval.
"Wella, kaya ka nasasaktan kasi mahal mo si Lance but, you have to let him go. He's happy with Areeyah now. Kitang-kita natin lahat yun. Yung ngiti ni Lance mas lalong tumingkad at nagkakulay. Gusto mo lagi siyang ganun diba?" Ani Sandra.
Humihikbi lang si Wella sa dibdib ni Sandra, "I can't."
"You can. Okay? You can."
Tumingin siya kay Sandra at nagpunas ng luha, "I guess, you're right. Kailangan ko maging masaya para sa kanya. Tsaka alam ko namang hindi siya sasaktan ni Areeyah. Nakikita kong mahal na mahal niya si Lance."
"That's the spirit girl!" Ngiting sabi ni Sandra.
Doon na ko nagpakita. Okay na ang mga narinig ko.
"Wella! Sandra! Kanina ko pa kayo hinahanap." Napatingin ako kay Wella, "Hey, you okay? Did you cry?" I asked as if I don't know what happened.
"Hindi. Inaantok ako." Pagsisinungaling niya. Tumayo siya sa harap ko at hinawakan ang dalawang kamay ko, "Areeyah, promise me. You'll never hurt Lance. Okay?"
"Oo naman. Why would I do that?" I said.
"Good. You know how much I care for him, he's...my bestfriend anyway." Bestfriend?
"Of course! Makakaasa ka, aalagaan ko ang bestfriend mo."
Ngumiti ako para suklian ang ngiti niya.
That's what I did, until I was diagnose to have 3 months to live.
"Wella, alam kong mahal mo si Lance." Sabi ko na lalong napagiwas ng tingin niya sakin.
"Areeyah, I don't know what you're talking about." She said.
"Alam ko, since high school you love him. Hindi mo lang inamin kasi alam mong ako ang gusto niya. He's been vocal about his feelings for me since we became friends. At nung nanligaw na siya mas lalo mong tinago dahil you just wanted Lance to be happy. At ako ang nakapagbibigay nun sa kanya. Kaya ngayon, galit ka sakin dahil nasaktan ko siya. Dahil yun ang ayaw mong mangyari sa lahat."
"Areeyah..." bakas ang kaba sa boses niya.
"Hindi mo kailangan magsorry, alam mo kailangan ko pa ngang mag-thank you because you respected me as Lance's girlfriend and your bestfriend. Kaya ngayon Wella, sana pagbigyan mo ko sa hiling ko. Eto na lang ang magagawa ko bilang pambawi sa lahat ng sakit na naidulot ko sayo."
"W-what wish?" She asked.
"Take away Lance from me."
Nanlaki ang mga mata niya, "What? You're kidding me."
"No. Make Lance fall inlove with you. Make him forget me. Make him realize that I'm not worth it. Please Wella this is all I ask."
Bumuntong hininga siya at umiling.
BINABASA MO ANG
Before I Die (UNEDITED)
Ficción GeneralHow much can you sacrifice for the people you love? Areeyah Kate Almodovar is a college student living the best of her life. Everybody loves her, she's a jolly and carefree person and eventhough she's one of the richest girl in her university and he...