Chapter 8

215 6 0
                                    

Chapter 8

Na-cut ang classes dahil sa isang school event. Kaya ngayon magkasama kami ni Timothy at naglalakad-lakad sa mall. Ayoko kasi munang sumama kina Sandra noong nagkayayaan sa bahay nila. I want Lance to focus on Wella.

"What do you want to eat?" Timothy suddenly asked.

Napalingon naman ako sa kanya, "Ha?"

"Ang lalim naman ata ng iniisip mo. Care to share?"

"Ha? Ano ka ba? Hindi naman ganun kalalim ang iniisip ko. Teka? Flavors of China na lang tayo?"

Tumango siya at nagsimula na kaming maglakad.

Unti-unti ko nang nararamdaman ang pangangati ng buong katawan ko. Pero hindi ko yun pwedeng ipahalata sa kanya. Kaya kapag tumitingin siya, nagkukunwari akong hinihimas-himas ang braso ko but the thing is tinatakpan ko lang ang pantal ko.

Habang kumakain, tatanggalin ko na sana ang singsing pero pinansin niya ito.

"The ring suits you well." Sabay ngiti niya.

Ayoko siyang biguin. He was happy when he saw that I'm wearing the ring that he gave. Ayaw ko siyang madissappoint.

Nang matapos kaming kumain ay hindi ko na napigilan ang pagpansin niya sa braso ko dahil namumula na ito. Dahil maputi ako ay pansin na pansin ito.

Nagulat siya at madaliang hinablot ang braso ko. Nagaalala ang kanyang mga mata. Halos natataranta naman ang tono ng boses niya.

"What happened? Bakit ganyan ang braso mo!?"

"Uh..." I cannot say that it's because of the ring.

"What Kate? Shit! Meron din sa leeg mo!" Natatarantan niyang sabi.

"Wala to." I said.

"Wala!? Look at you! Mukha ka nang kamatis! Pulang-pula ka na!" Singhal niya.

"Chill Timothy! It's just the seafood I guess." Kalmado kong sabi.

Pero kahit anong kalma ko ay hindi siya maghawa-hawa. Mabilis padin ang paghinga niya at papalit-palit na hinahawakan ang mukha, leeg at braso ko.

"Dadalhin na kita sa ospital. Tara na!" At di na ko nakapalag dahil sa hablot niya.

Nang makarating kami sa ospital ay magkabilang braso ko na ang namamantal. Covered nadin ang leeg ko at nagsimula na akong mahilo.

First time naging ganito kalala ng allergies ko. Compared doon sa huli ay namantal lang bahagi kung saan ako nakapagsuot ng gold at yun ay sa leeg pero ngayon pati sa parteng wala naman doon ang singsing, ay may pantal din.

"Shit! Shit! Shit!" Ani Timothy habang patuloy akong kinakaladkad kung saan.

Lumingon siya sakin, "Fucking shit! Ano bang nangyayari sayo!?" Naiinis siya alam ko, pero may bahid padin ng pagaalala.

Hindi ko na kinaya kaya natumba na lang ako at nanghina.

"AREEYAH!" May sumigaw kung saan pero hindi ko nakilala dahil nanlalabo talaga ang mata ko.

"Kate! Shit! Kate!" Sigaw ni Timothy at hinawakan ako para buhatin.

Pero may tumulak sa kanyang kung sino.

"Umalis ka nga dito! Kasalanan mo to!" Singhal nung lalaking di ko makilala.

"Teka!? Paano ko naging kasalanan?" Nagtatakang tanong ni Timothy.

Naramdaman ko na lang ang maiinit na kamay sa katawan ko nang buhatin ako nang parang isang bride. Kumapit na lang ako sa leeg niya at hindi na inalala kung sino siya.

"Just hold on Areeyah. Hold on." Ani nito pero hindi ko padin siya makilala. Paningin ko lang ba ang nanlabo o damay pati pandinig ko?

"Ako na magbubuhat sa kanya!" Sigaw ni Timothy.

"Just fucking get out! Areeyah don't need a man like you!" Sigaw ng may buhat sakin.

Bakit ba siya galit na galit? Inaano ba siya ni Timothy. Sino ba to? Bakit ako nagpapabuhat sa taong di ko kilala?

Sinubukan kong linawan ang paningin ko at unti-unti ko na siyang naaaninag.

"Areeyah, Baby..." Malumanay niyang sabi.

"Lance?" Pakiramdam ko lalo akong nanghina nang sabihin ko ang pangalan niya.

"Yes. Halika na?" Ani Lance at tumakbo, naramdaman ko naman ang pagsunod ni Timothy.

Shit! Why is he here? Diba dapat nakila Sandra siya? Don't tell me hindi siya sumama dahil wala ako? Wella should did something! Dapat pinagbawalan niya si Lance!

Tuluy-tuloy ang pagtakbo namin.

"DOC! DOC!" Sigaw ni Lance.

May lumapit at inutusan ang akong ilagay sa kama na siyang ginawa ni Lance.

"This is all your fault!" Alam kong kay Lance siya nakatingin.

Nararamdaman ko ang kung anu-anong ginagawa sa katawan ko para i-check.

"Bakit siya nagkapantal? Saan ba siya allergic? Dahil based sa itsura ng pantal niya, I'm sure it's because of allergies."

Please Lance, don't say it infront of Timothy.

"Seafoods." Agap na sagot ni Timothy.

"I see." Sabi ng doktor.

"No doc." pagputol niya, napatingin naman ang doktor at si Timothy sa kanya.

"Anong no? She's not allergic to seafoods mister?" Tanong ng doktor.

"Yes doc." Sagot ni Lance.

"Anong hindi? She just told me that it's because of the seafoods." Agad ding sabi ni Timothy. Bakas ang kalituhan sa boses niya.

"No. She's not allergic to seafoods, she's allergic to..."

Lance please!

"...golds."

Nakapikit na ko pero lalo akong napapikit.

"What!?" Ramdam ko ang inis sa boses niya.

"Is this because of this ring?" Tanong ng doktor at hinawakan ang kamay ko.

"Yes." Sabi ni Lance.

"How can she be allergic to gold? Eh hindi niya nga tinanggihan yang singsing!"

"Of course hindi niya yun tatanggihan dahil ayaw niyang madissappoint ka! If you know Areeyah too well, ayaw na ayaw niyang may nadi-dissappoint siyang tao! Lalo na kung mahal niya yun. Kahit na minsan labag sa loob niya o ayaw niya talagang gawin ang isang bagay gagawin niya wala lang siya madissappoint!"

Hindi na sumagot si Timothy.

"I'll remove this ring." Ani doktor at naramdaman ko na lang ang pagkawala ng singsing sa daliri ko.

"It seems like you don't know anything about Areeyah." Matigas na sabi ni Lance.

Then everything went black.

Before I Die (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon