Chapter 9
Three days din akong na-confine at 2 days akong nahimlay sa bahay dahil sa allergies ko. Bali, isang Linggo akong hindi pumasok at isang Linggo ko nading hindi nakakausap si Timothy.
Hindi niya sinasagot ang mga texts at tawag ko. Hindi din siya pumunta sa bahay.
Foundation week ngayon at pwedeng hindi maguniform. Katulad ng palagian kong suot isang gray na croptop, high-waist pants at white na sapatos lang ang suot ko. I'm not those any other girls na gustong-gustong nagde-dress.
Ako:
Susunduin mo ba ko?
Timothy:
No. Sorry, nasa school na kasi ako. Can you drive by yourself?
Napataas ang kilay ko sa reply niya. First time niya kong tanggihan. At napagusapan na naming kailangan araw-araw niya kong sunduin. Ano bang problema neto? Pero narealize ko na baka hindi ko siya nasabihan na papasok na ko.
I checked our convo and this is what I found out.
Ako:
Pasok na ko bukas. See you!
sent 9:34 pmNAGTEXT AKO!
Iritado akong umalis nang bahay at kahit na nagtatala sila Mama sa kinikilos ko hindi na sila nagtanong. Pagpunta ko ng school tinext ko siya agad.
Ako:
Where are you?
Pero nakapasok na ko ng cafeteria, wala padin siyang reply! Nasaan ba kasi to?
Nakita ko sila Wella at agad ding silang dinaluhan. As usual sa tabi ako ni Sandra umupo at nasa tapat ko si Wella na katabi si Lance. Napansin ko agad ang nagtatanong na mata ni Lance pero agad ko ding iniwasan yun.
Ako:
Timothy Dean! Where are you!?
I'm getting so frustrated right here!
"What's with the face Areeyah?" Tanong ni Sandra.
"Wala." Pinipigilan kong hindi magsungit pero wala e naiirita talaga ko e.
"Is that you 'I'm back look'?" Ani Paul.
"Oww. Our Areeyah is mad. Why?" Mapang-asar ang tono ni Gerald.
"Oh shut up Rald." I said.
"Bakit ba Areeyah? Is it about...Timothy?" Wella asked. Sounding really awkward dahil katabi niya si Lance.
Napatingin ako saglit kay Lance. Nagseselos siya. Alam ko.
"Hindi niya kasi ako nirereplayan. Nakakainis." I tried to act like a real girlfriend here.
"Ayun. Yun naman pala. Hindi padin ba kayo nagkikita?" Gerald asked.
Umiling ako.
"Hindi ka niya dinalaw? He's maybe guilty." Natahimik nanaman ang lahat nang magsalita si Lance.
"Uh...Lance, baka hindi naman. Baka nagpapamiss lang." Pagsalo ni Wella sa testimonya ni Lance.
"Nakita niyo na ba siya?" Pagwawala ko sa usapan.
"Yep. I saw him in thr quadrangle earlier. Pero kanina pa yun. I don't think nandoon padin siya." Ani Sandra.
"Okay. Thanks!" At tumayo na.
"Wait." Pagpigil ni Sandra, "Baka wala na siya dun."
"Okay lang Sandra. Hahanapin ko na lang siya sa buong school."
At dali-dali ding umalis.
Hindi naging madali ang paghahanap sa kanya dahil nung pumunta ko sa main quadrangle ay wala siya sa kahit saang bench doon. We have 35 buildings for different courses here, 10 cafeterias and 10 mini quadrangles. Saan ko naman siya mahahanap?
I tried calling him pero hindi niya talaga ko sinasagot. Hindi niya pinapatay ang tawag pero alam kong sinasadya niyang paringin yun hanggang sa maging cannot be reach.
Nasakit na ang ulo ko. Hindi dahil sa sakit ko kundi sa pagiisip, paghahanap sa kanya isama mo pang maga-alas dose na at tirik na ang araw.
Susuko na sana ako nang mapadpad ako sa Education Building. There he is. Natutulog sa ilalim ng puno.
Agad-agad akong lumapit sa kanya at umupo sa harap niya.
"Timothy..."
Hindi siya dumidilat.
"Hoy! Timothy!" I shouted kaya napatingin ang ibang estudyante sakin.
Hindi padin siya nadilat. At doon ko narealize na baka magtutulug-tulugan siya ngayon.
"Timothy, if you don't want to open your eyes. Break na tayo!" Ah! Bahala ka sa buhay mo! Nakakainis ka!
Tatayo na sana ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa palapulsuhan ko. Hinila niya ulit ako pababa kaya napaupo ako.
"Aray! Masakit yun ha!"
"O-okay ka na ba?" He sounded nervous.
"Ha? Ngayon? Hindi kasi ang sakit ng pagkakahila mo!" Singhal ko.
"No. What I mean is..." dumilat na siya at kitang-kita sa mata niya yung pagaalala, "Yung allergies mo, ok na ba?"
Tumango lang ako bilang sagot.
Pinagmasdan niya ang braso ko, leeg ako at mukha ko, tsaka siya bumuntong hininga, "Sorry." He said.
Kusa naman tumaas ang kilay ko, "For what?"
"Ako ang may dahilan bakit ka nagka-allergies." Malungkot niyang sabi.
"What? No! It's not your fault!" I said.
"It's my fault." Pangninisi niya sa sarili niya.
"Hindi mo kasalanan because you didn't know. Hindi ko din naman sinabi e." I said.
"Yun na nga Kate e, I didn't know kaya mas lalo akong nagu-guilty kasi kung alam ko, I would not even give you a golden ring."
Bumutong hininga ako, "No Timothy, I was the one who decided not to tell you because..."
"You don't want me to get dissappointed."
Isang buntong hininga nanaman ang pinakawalan ko.
"Kate." At hinawakan niya ang kamay ko, "H'wag mo nang uulitin yun please? Yung hindi ka tatanggi para lang wala kang masaktan kung ang kapalit naman ay ikaw yung magdudusa."
Napangiti ako, "Sorry."
"Sorry din. Ayaw kasi sana muna kitang kausapin dahil nakokonsenya pa ko. Tsaka alam mo, ngayon ko nare-realize na tama si Lance."
"Huh? About what?"
"That I don't know you too well. Wala akong masyadong alam sayo bukod sa mahal na mahal mo si Lance. Kaibigan mo sila Paul, Gerald, Sandra at Wella at isa kang Business Management Student na anak ng pinakasikat na doktor sa Pilipinas at may isa kang kapatid na nagngangalang Arexha Gail at nasa Grade 12 ngayon. Areeyah, I want to know more about you. I want to know anything that Lance knows about you. Can you let me do it?" Sounding so frustrated and it makes me smile.
"Of course you can. And it goes the same with me. I want to know more about you. Can you also let me do it?" I asked.
"I'll even let you know my whole story Kate." Then he smiled.

BINABASA MO ANG
Before I Die (UNEDITED)
General FictionHow much can you sacrifice for the people you love? Areeyah Kate Almodovar is a college student living the best of her life. Everybody loves her, she's a jolly and carefree person and eventhough she's one of the richest girl in her university and he...