Chapter 2

306 4 0
                                    

Chapter 2

Umalis na ang sasakyan ni Lance pagkatapos niya ko ihatid. Dinadama ko padin yung singsing na kakabigay niya sakin kanina.

"Yan yung kinuha ko sa locker kanina at nilagay sa sasakyan ko. You like it?" Nakangiting sabi niya.

Maluha-luha ko tong tinitigan, "Para saan to?" Nagtataka talaga ko kung para saan to.

"Promise ring." He chuckled, "Gusto ko magpromise sayo, magpromise na hinding-hindi kita sasaktan. and that I will love you forever." Ngiting-ngiti siya at kumikislap ang nga mata niya.

Naiiyak na lang ako habang iniisip kung anong mga sinabi niya at inaala kung paano umangat ang labi niya at kumislap ang mga mata niya.

"Ate." Napalingon ako nang tinawag ako ng kapatid ko. "Pumasok ka na da-" naputol ang sinasabi niyang nang mapatingin sa mga mata ko, "Umiiyak ka ba?" Agad na tanong niya.

Agad kong pinunasan ang luha ko. "Hindi a! Sige na papasok na ko." Ani ko at sumunod sa kanya.

Sa hapag kainan ay halos hindi ko maigalaw ang pagkain ko.

"Anak? Are you okay?" Tanong ni Mama, napansin niya atang hindi ko pa ko nakain.

"Opo Ma, why?" I tried to smile.

"Kumain ka na. Kate, are you sure hindi ka na maga-aral next school year?"

Yes. That was my first plan. 3rd year college na ko ngayon, at last sem na ngayon. Balak kong hindi na mag-4th year college. Para saan pa? By the end of school year alam kong wala na ko.

"Opo Ma." I said.

"You don't have to do this." Kitang-kita ko ang lungkot sa mga mata ni Mama.

"Ma. I have to." I smiled for assurance. "At para saan pa Ma? Magsasayang lang kayo ng pang-tution kong pagaaralin niyo pa ko."

"Kelan tayo namoroblema sa pera Kate? Anak, we don't want you to stop your life because of your condition." Malungkot na tugon ni Mama.

Oo, kahit kelan hindi kami nakaproblema sa pera. We own a hospital and my Mom is one of the most succesful doctor in her field, may firm din kami at si Daddy din ay isang lawyer. I want to be as succesful as them too pero hindi na mangyayari yun.

"I know that pero sana h'wag niyo na pong kontrahin ang desisyon ko. Gusto ko na lang po sulitin ang mga natitirang oras ko."

"Anak." Medyo malakas ang pagkakasabi ni Papa kaya alam kong frustrated siya sa sinabi ko.

"We're doing anything para gumaling ka, pero paano kami magpupursigi na gumaling ka kung ikaw mismo sumusuko na?" Malungkot ngunit may bahid na pagkainis ang tono niya.

"Pa, let's accept the fact. I only have 3 months to live."

"AREEYAH KATE!" sumigaw si Papa kaya napapikit ako.

"Pa." Mahinahong tawag ni Arexha at hinawakan ang kamay nito.

"Hindi ka namin pinalaki para maging mahina. Hindi ko ginagawa ang lahat para gumaling ka para tanggapin ang taning sayo. Anak, sayo kami kumakapit nang pag-asa, maawa ka saamin ng Mama mo. Akala mo ba masaya kami sa inaasta mo? Ang kapatid mo? Sa tingin mo ba hindi siya nasasaktan kapag pinapakita mong ok lang na mamamatay ka?" At tumingin siya kay Arexha na bahagya nang nagluluha ang mata. Si Mama umiiyak na. God! I ruined our dinner!

Sa mga ganitong pagkakataon, ayoko na lang magsalita. Dahil naiintindihan ko si Papa. Ayaw niyang mawala ako dahil anak niya ko, at mahal niya ko. Pero iniisip ko na sana maintindihan nilang tanggap ko na ang kapalaran ko. Ako ang nakakaramdam ng sakit ko, kaya ako ang nakakaramdam kung gagaling pa to. Kaya alam ko sa sarili kong hindi na. Hindi na ko gagaling pa.

Natapos ang dinner at dumiretso na lang agad ako sa kwarto ko. Habang tulala sa kama, biglang nagring ang phone ko.

"Baby." He said sweetly on the phone.

"Yes?"

"What are you doing?" I heard the stove so I bet he's cooking.

"Laying on my bed. Thinking. And you?"

"As usual, cooking dinner. Kumain ka na?"

"Yes. What are you cooking?"

"What are you thinking first." He said.

Napapikit ako at nagbabadya nang umiyak. Huminga ako nang malalim bago siya sagutin.

"You." I'm thinking about how will I do it. I'm thinking about if I can do it. Naiimagine ko pa lang na iiyak ka sa harap ko parang hindi ko na kaya. Hindi ko kayang makita na masaktan ka. At lalong mas di kakayanin ng konsensya ko na makitang ako ang dahilan kung bakit ka iiyak.

"Wow. Kailangan ko na bang kiligin by?" He chuckled, "And I admit it, kinikilig ako. Hay nako, ikaw lang nakakagawa sakin ng ganitong pakiramdam." I can almost see him smiling while saying that.

"Lance..."

Tumigil siya sa pagtawa, "Yes?" Nahimigan kong seryoso na siya.

"I love you."

Narinig ko ang matinding buntong hininga niya, "My god Areeyah, I thought you're gonna say something bad." Tumawa siya.

"Like what?" I asked.

"Like, uhm, breaking up with me?" Natigilan ako, "But of course you won't do that right?" Confident niyang sabi.

"O-of course! I-i won't!" Ramdam ko ang kaba sa boses ko.

"Hey, you okay?" Narining niya rin ata ang kaba ko.

"Yeah. Sige na kumain ka na. Matutulog na ko."

"Okay, I love you Areeyah."

"I love you Lance."

At binaba ang tawag.

Lance! How can I be able to do want I want to do if I love you this much!

Before I Die (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon