Chapter 21
"Oorder na po ba kayo?" Pangalawang balik na nang waiter saakin makalipas ang tatlumpung minuto.
"Pagdating na lang ng kasama ko." I said.
Tumango siya bago umalis sa gilid ko.
Halos kalahating oras na kong naghihintay kay Wella. Hindi ko din naman siya masisisi dahil biglaan ko lang siyang tinext na magkita kami ngayon.
Hindi pa kami nagkakausap simula nung birthday niya. Ang huling text ko sa kanya ay nag-sorry ako dahil bigla akong umalis sa party niya. I think she understood that kaya sabi niya ok lang.
"Areeyah, sorry." Bungad niya pagkadating sa harap ko.
"No. It's fine. Biglaan din naman ang text ko. Order tayo?"
Tumango siya at inorder lang namin ang pagkain na gusto namin.
"Bakit mo nga pala ko pinapunta dito?" She asked.
"Wella, I'm leaving tomorrow."
Halatang nagulat siya sa sinabi ko.
"Wha-what?" Naguguluhan niyang tanong, "Saan ka pupunta?"
"US." I simply said.
"Ba-bakit?" Naguguluhan padin siya.
Hinawakan ko ang kamay niya, "Wella, two months na lang. I don't wanna die here."
"Hindi na ba talaga magbabago yung isip mo na ilaban pa ang sakit mo?"
Simple akong umiling sa kanya, "I've already decided my fate. I accepted the fact that I will die. Kaya kailangan kong umalis."
"That's my point Aree. You don't have to go far away. Paano naman kami Aree? Hindi mo ba iniisip yung mararamdaman namin kapag lumayo ka at hindi na bumalik?" Malungkot niya kong tiningnan.
"Kaya ko nga to gagawin. They don't have any idea of my plans and illness. I can just say na, nagmigrate kami or I've decided to study abroad. And Wella si Lance..." Humina ang boses ko.
Her face changed, "He will also be hurt."
"He's moving on. Natanggap na niya lahat. And I know, na kapag nawala ako ay mas makakatulong para mas mapabilis ang pagkalimot niya sa nakaraan namin. At paano kung isang araw malaman niya na may sakit ako? Ayokong mangyari yun."
Nananatiling tahimik si Wella at nakatingin saakin.
"Nandiyan ka para sa kanya Wella. Alam mo bang inamin saakin ni Lance na mahal ka niya? Kaya gusto niyang maging fair sa pagmamahal na binibigay mo sa kanya. Gusto ka niyang mahalin nang buo. Kaya mas mabuti kung lalayo ako."
Hindi padin siya nagsasalita pero umiiyak na siya.
"I just wanted you and Lance be happy and me being not the picture will be good to the two of you."
"Areeyah..." She said between her tears, "Hindi ka ba nasasaktan sa mga sinasabi mo? I know how much you love him. I've seen that very clearly."
Natigilan ako sa tanong niya but I manage to smile. Ganun naman diba? Idadaan mo na lang sa ngiti ang lahat kahit masakit na.
"I will not lie to you. Nasasaktan ako. Sobra." Pumiyok ang boses ko, "That night? Noong inamin niyong kayo na? Hindi ko mabilang kung ilang beses kong narinig ang pagkabasag nang puso ko. At noong sinabi ni Lance na, papakawalan na niya ko nang tuluyan? Yun yung naging kamatayan ng puso ko Wella. Seeing him smile, and laugh and holding someone's hand? That was my hell."
Napatigil ako dahil sa iyak ko. Hindi ko alam kung pinagtitinginan na kami dahil parehas kaming nagdadrama at umiiyak.
"But, what else can I do Wella? Ako ang may gusto nito. Ako ang nagplano nito. Ako ang nagsabi sayo na kuhain mo si Lance sakin. Kaya wala akong karapatang magreklamo, wala akong karapatang awayin ka, wala akong karapatang bawiin si Lance sayo. Minsan nga napapaisip ako kung dapat ba ko maging masaya kasi, alam kong magiging masaya na ang taong mahal ko o malulungkot kasi, mawawala ako nang hindi ko na nararamdaman yung pagmamahal niya." Tumawa ako.
Bakit ako tumawa?
Wella's hand rested on my hand. That made me feel better. Atleast naiintindihan niya ko, alam kong naiintindihan niya ko. That's the only thing I want, someone who'll undestand the things that I did.
Ewan ko kung nakakakain kami nang maayos dahil pareho kaming galing sa iyak. After kong aminin lahat kay Wella, hindi na siya nagtanong pa ulit tungkol sa pagalis ko. Ang mga naging sumunod na usapan namin ay malayong-malayo sa problema ko at sa mga balak ko para sa susunod na dalawang buwan.
Pagkatapos namin kumain ay nanuod kami ng sine at nagshopping nadin. Mamimiss ko ito. Dahil ito ang madalas namin ginagawa kapag hindi kami busy nila Sandra.
I knew Wella since ten. She was my friend way back elementary. Mabilis kami nagkasundo noon dahil parehas kaming mahilig sa barbie at sa larong bahay-bahayan. I thought magkakalayo kami ng loob habang lumalaki kami dahil nagiging magkaiba ang interes namin but I was wrong. Having different interest made us more closer. Yung mga hindi ko hilig ay nakahiligan ko nang dahil sa kanya. Ganoon din naman siya saakin.
Kaya sa lahat ng kaibigan ko, siya ang nakakaalam ng lahat. Malaki ang tiwala kong hindi niya ko ibubugar at sa mga nangyayari ngayon, mas lalo ko pa siyang pinagkatiwalaan. Hanggang sa taong mahal ko, pagkakatiwalaan ko siya.
"Wella." I called her as we walked outside the mall.
"Hmm?" Ani niya at tumingin saakin.
"Thank you." I said.
"For what?" She asked.
"Thank you for all the things that you've done for me. Thank you for not telling anyone my plans and about my illness. Thank you for doing my favor and thank you for taking care of Lance."
Ngumiti siya, "You don't have to thank me. I'm doing all of these because I know that it will make you happy. I just wanted you to be happy."
"I'll never forget all of these. Promise."
"Ano ka ba? Is that your goodbye speech. H'wag muna. Ayoko munang mawala ka."
Umiling ako at napangiti.
"Wella." Someone called.
Sabay kaming napalingon ni Wella...it's Lance.
"Lance..." Wella trailed off, "What are you doing here?" She asked.
"Uh...fetching you?"
Well, this is really awkward. Nagiwas ako ng tingin.
"Huh? I texted you na papunta ako ng mall pero hindi ko naman sinabi na sunduin mo ko."
Oh! They text.
Tumawa si Lance, "I followed you here Wella."
Oh! She followed Wella! Why I am sounding bitterness in my thoughts?
"Oh!" Nararamdaman ata ni Wella ang awkwardness na nararamdaman ko, "Uh, Areeyah's here." She said.
"Huh?" Napalingon ako sa kanila, "No! No! It's fine. Kung may lakad pa kayo, go." Agap ko.
"Are you sure Areeyah?" Lance asked.
Puso ko! Kumalma ka! Nagtatanong lang siya!
"O-oo naman! I can drive by myself."
Tumango lang siya bilang pagsagot.
"So!" I said, "I'll go ahead?"
"Okay. Take care." Wella hugged me, "Sorry Aree." She whispered.
"It's okay. Enjoy kayo ha?" I whispered back.
At nang kumalas ako sa pagkakayakap kay Wella ay direkta akong napatingin kay Lance.
"Bye...uh...Lance." I said.
"Drive safe." He said.
Tumango ako at nagsimula nang maglakad palayo. I bet he held Wella's hand right now. I bet he smiled at Wella.
Having these thoughts made me cry.
Kelan ba ko masasanay!?
BINABASA MO ANG
Before I Die (UNEDITED)
General FictionHow much can you sacrifice for the people you love? Areeyah Kate Almodovar is a college student living the best of her life. Everybody loves her, she's a jolly and carefree person and eventhough she's one of the richest girl in her university and he...
