Chapter 7
Nauna na si Sandra sa canteen dahil ginugutom na daw talaga siya. Si Wella naman ay nag-cr saglit at ako naman eto, hinihintay si Timothy na hanggang ngayon ay wala padin.
Ako:
Where the hell are you!?
Halos 15 minutes na kong nasa tapat ng room. Never pa ko naghintay ng ganito katagal. Dahil bago pa matapos ang klase ay nandito na sa harap ng room namin si Lance noon. Scratch that. Ugh! Stop thinking about Lance Areeyah!
"Areeyah." Boses pa lang kilala ko na ang tumawag.
Nanikip agad ang pakiramdam ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Bakit ba kasi siya nandito? Hindi nanaman kailangan dumaan sa building namin kapag papuntang canteen kung galing ka sa building nila.
"Lance, oh? Bakit nandito ka? Medyo malayo ang canteen dito ha?" Act natural Areeyah, act natural.
"Uh..." sabi niya at napakamot sa ulo.
"Lance!" Sigaw ni Wella kaya napalingon ako sa kanya. "Punta na tayo ng canteen. Tara?" Yaya niya.
"Ano Wella, si Are--"
Agad ko siyang pinutol, "Lance, sumama ka na sa kanya. Besides, on the way na dito si Timothy."
As soon as he heard Timothy's name ay nagbago ang ekspresyon nang mukha niya.
"Uh...ganun ba? Sige." At dumaan sa siya sa harap ko para daluhan si Wella.
"Areeyah! Sunod ka ha!" Pagpapaalam ni Wella.
"Ok!" I said, "Thanks Wella." I whispered.
Nabuntong-hininga ko at napapikit. Napahawak din ako sa dibdib ko na habang mabigat ang paghinga ko. Sana hindi na maulit na maiwan kami ni Lance sa iisang lugar. Feeling ko mamatay ako.
"Oy!"
"Ay palaka!" Napadilat ako dahil sa gulat, "Walangya ka Timothy!" Galit kong utas sa kanya.
"Oh! Chill!" Cool niyang sabi.
"Chill?" Sarkastiko kong sabi at hinampas-hampas siya, "BAKIT NGAYON KA LANG HAYOP KA!? NGAYON LANG AKONG NAGHINTAY NG GANITO KATAGAL!" at patuloy ko naman siyang hinahampas.
Pinagekis niya ang braso niya para hindi tumama sa mukha niya ang mga hampas ko, "Wait lang! Kalma! Huy! Aray! Ah-! Ang sakit! Tama na Kate!" Tawa niya.
"Leche ka!" Sabi ko.
Hinulo niya bigla ang braso ko kaya napatigil ako at napatingin sa kanya, "Relax! Okay? Magpapaliwanag ako!" Ani niya.
"Sige nga! Go! Explain!"
"May humarang sakin paakyat dito. See this?" At itinuro ang pasa na malapit sa labi niya, "May sumuntok sakin."
"WHAT!? WHO!?" Gulat kong tanong.
"I don't know. Maybe some of Lance's fans? Sabi kasi nila, ako ang sumira ng relasyon niyo. Ako daw ang nangakit sayo at hindi mo daw kasalanan kung naakit kita. Dahil daw sakin nawala na yung ngiti ni Lance, yung Lance na masayahin, palaging natawa, makulit at kaibigan nang lahat." Kalmado niyang sabi.
Gumapang ang matinding konsensya sa buong sistema ko. Naawa ako kay Timothy. Hindi niya dapat nararanasan to. Hindi dapat siya ang tumatanggap ng lahat ng desisyon ko. Hindi siya dapat ang nasasapak. Dapat ako.
"Oh? You seemed guilty." He concluded.
"Of course I am guilty! Ako ang may kasalanan kung bakit ka nasapak. Ako ang may kasalanan kung bakit ka nila napagdidiskitahan. Syempre hindi pwedeng ako ang saktan nila dahil mataas ang tingin nila sakin bilang estudyante dito kaya ikaw ang pinagbubuntungan nila!" Frustrated kong sabi at pinilit tangggalin ang braso ko mula sa pagkakahawak niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/128525046-288-k448807.jpg)
BINABASA MO ANG
Before I Die (UNEDITED)
General FictionHow much can you sacrifice for the people you love? Areeyah Kate Almodovar is a college student living the best of her life. Everybody loves her, she's a jolly and carefree person and eventhough she's one of the richest girl in her university and he...