Chapter 11
Lance:
Can we talk?
Buong magdamag kong tinitigan ang text niya sakin noong isang araw. Noong isang araw pa to pero feeling ko anytime na magreply ako ay sasagot din siya agad.
Bakit ba kailangan namin magusap ulit? Para saan? Ok na ang treatment namin sa isa't-isa simula noong nakaraang Linggo. Hindi kami close friends pero hindi din namin tinuturing ang isa't-isa as strangers.
"Replayan mo na." Napatingin ako sa pinto at nakita si Gail na nakasandal sa pintuan.
"Why?"
"There's nothing wrong talking to him Ate."
"Paano mo nalaman na gusto niya kong makausap?"
"He has my number. Tinext niya ko kanina. Hindi ka daw kasi nagre-reply. Ate, talk to him. Maybe he wants closure. Tsaka para naman maipakita mong hindi ka na apektado sa kanya."
Bumuntong hininga ako, "You think that he wants closure?"
"I think so. Pero, choice mo padin kung kakausapin mo siya. Kasi ikaw naman yung niyayayang makipagusap e. Alis na ko Ate. Magkikita kami si Rayven." At umalis nadin siya.
Buti pa ang kapatid ko, masaya ang lovelife or ako lang ba nagpapakumplika ng lovelife ko?
Hapon na nang makarating ako sa mall at tinext agad si Lance.
Ako:
Where are you?
Mabilis naman siyang nagreply.
Lance:
Saw you.
"Areeyah." Lance called.
"Lance." I said.
"Tara?"
Sinundan ko lang siya maglakad. Nakarating kami sa seaside kung saan wala masyadong tao.
"Why do you want to talk?" Panimula ko.
Gusto ko na lang agad matapos to.
"Baby..." Once he called me that way, mas gusto ko na lang na yakapin siya at sirain ang lahat ng plano ko.
"Stop calling me that way." Matigas kong sabi.
"Areeyah..." lalapit sana siya pero lumayo ako agad.
"Lance, ano ba talagang paguusapan natin dito?" Iritado kong sabi.
Huminga muna siya at malungkot na tiningnan ang mg mata ko, "I want us back."
Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.
"Areeyah. I want us back! Alam kong hindi mo naman talaga mahal si Timothy! Ginawa mo lang yun para masabing napalitan mo na ko. I can see it in your eyes. You don't love him!" He sounded really frustrated.
"Kung ano man ang nakikita ng mga mata mo, hindi yan totoo. I love Timothy!" Parang nagbabara ang lalamunan ko habang binibigkas ang mga salitang yun.
"You're not good at lying Areeyah." He said.
"Because I'm not lying. Noon, wala akong dahilan para hiwalayan ka kasi wala naman talagang rason para gawin ko yun. But, right now, I am inlove with somebody else kaya ako nakipaghiwalay sayo." Matigas kong sabi.
"Areeyah, sabihin mo na lang kasi ang totoo!" Galit nadin siya.
"That's the truth! Lance, I'm sorry alright? I know nasaktan kita pero please, h'wag mo na kong guluhin." Nangingilid ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Before I Die (UNEDITED)
General FictionHow much can you sacrifice for the people you love? Areeyah Kate Almodovar is a college student living the best of her life. Everybody loves her, she's a jolly and carefree person and eventhough she's one of the richest girl in her university and he...