Chapter 25

292 4 0
                                    

Chapter 25

"Areeyah." David called me again.

Napalingon ako sa kanya at pinunasan ang luha ko. Hindi ko na siya kayang sagutin. Bumaba ako ng stage at dumiretso ng restroom.

Imagination ko lang ba yung nakita ko kanina? Dahil ba kapag kinakanta ko ng Thousand Years ay siya agad ang pumapasok sa utak ko? But, he smiled! Napakaimposibleng ngumiti siya saakin.

Umiling-iling ako para mawala ang mga nakita ko kanina. Naghilamos at nagayos ulit ng mukha.

Huminga muna ko ang malalim bago lumabas ng restroom. Hindi si Lance yung nakita ko okay? Imagination ko lang yun. Pagkumbinsi ko sa sarili ko.

"Areeyah!"

"Ay palaka!" Sabi ko dahil sa gulat, "Oh Grace! Bakit?"

"There are some people looking for you. Friends mo daw." Inosente niyang sabi.

"You told them that I'm here?" Kinakabahan kong tanong.

"Well yes, kaibigan ka daw nila e. And yung isa sa mga lalaki ang nagrequest ng last song mo kanina." Ani Grace.

Is it Lance!?

"Teka nga, is it true that you cried after singing? Ayaw umamin ng David e." Nagtataka niyang tanong.

Umiling ako at ngumiti sabay nilagpasan siya. Tinawag niya pa ulit ako pero hindi na ko nagabalang lumingon.

Natatanaw ko ang table nila Lance at habang papalapit ako ng papalapit ay lalong lumalakas ang kalabog ng dibdib ko.

Nakita ako ni Sandra at kinalabit niya si Gerald. Sa pagkalabit niyang yun ay sabay-sabay silang lumingon sa direksyon ko.

How much I missed them! Pero hindi na importante ang pagka-miss ko sa kanila. Ang dapat kong isipin ay kung anong sasabihin ko sa kanila at kung anong mga sagot ang sasabihin ko sa bawat tanong nila because I know, right now, their questions in mind are just overflowing.

Nang tuluyan akong makalapit ay walang nagsalita. Walang nagbalak na magsalita kahit isa sa kanila kaya ako na ang naggawa nang paraan para basagin ang katahimikan.

I smiled, "Hi guys!" Bati ko.

They didn't answer back.

Umupo ako sa tabi ni Wella na siyang katabi din si Lance. So, napapagitnaan namin si Wella ngayon. Well, this is really awkward.

"Uh...ano nga palang ginagawa niyo dito?" Eto nanaman ako, nagpe-pretend na walang alam sa mga nangyayari.

Huminga nang malalim si Paul at nagsalita, "Areeyah, bakit di mo sinabi?"

"Why did you choose not to tell us that you are here?" Dugtong ni Gerald.

"Kung hindi pa sana namin pinuntahan si Timothy, ay hindi mapapaamin si Wella kung nasaan ka." Ani Sandra.

"Sandra..." Sayaw ni Wella.

"No Wella, we're cool okay? My point is, what is the reason behind this secret leaving, Areeyah?" Tanong ni Sandra.

Wala pa kong sinasagot sa mga tinanong nila. I'm trying to absorb everything para tama ang maisagot ko.

"First of all, sorry. But please, don't blame Wella because I was the one who told her not to tell you all where I am." Paliwanag ko.

Naramdaman ko naman ang paghawak ng kamay ni Wella sa kamay ko.

"Yun nga e. Wella told us that you have a reason. Now, anong rason ba yan Aree?" Paul asked.

Before I Die (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon