Chapter 23

228 3 0
                                    

Chapter 23

As endless as forever,

Our love will stay together,

You were all I need,

To be with forever...more.

I opened my eyes and watched as the crowd continue to clap their hands and smile at me.

"Thank so much and have a good night!" I said at bumaba ng stage.

Sumunod naman ang mga kabanda ko na abot langit ang ngiti habang nakatingin saakin.

"That was awesome!" Ani Josh, isa sa mga gitarista namin.

"Ang galing mo talaga Areeyah." Si Grace naman, ang pianista namin.

Ngumiti lang si David na kasama ko kumanta at gitarista din saakin.

"Hi guys! That was a great performance! Congratulations!" Bati ni Miss Dina, ang nagpasok ng banda namin sa bar na ito.

"Thank you po!" Pagpapasalamat ko.

"At dahil nagugustuhan na kayo ng audience natin dito at ng boss, you'll sing tomorrow as regulars!" Maligaya nitong sabi.

Pare-parehong nanlaki ang mga mata namin dahil sa gulat. Pangalawang beses pa lang namin kumanta sa bar na ito. At hindi ko akalain na sa pangalawang beses pa lang ay magiging regular na kami!

"Wooooooaaah!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Josh.

"THANK YOU MA'AM. THANK YOU!" Maligayang tugon ni Grace.

"Bukas nga pala ay dalawa na ang kakantahin niyo. Be ready okay? At tatanggap nadin kayo ng request mula sa audience."

Pare-pareho kaming tumango at nagpaalam nadin. Habang palabas ay panay ang usap namin tungkol sa mga nangyari ngayon.

"So, anong kakantahin natin bukas? Para maaral ko na." Tanong ni Josh.

"Areeyah?" Pagpapasa ng tanong ni Grace saakin.

"Huh?" Nagtataka kong tanong, "Bakit ako?"

"Ikaw ang kumakanta Areeyah, kaya ikaw ang magdecide." Sagot ni Grace.

"Kumakanta din kaya si David!" Singhal ko.

"Edi kayo na lang dalawa!" Sagot ni Josh.

Napalingon naman si David. Hindi ata siya nakikinig sa usapan namin dahil busy siya sa cellphone niya.

"Huh? Ano yun?" Tanong niya.

"Mag-isip kayo nang kanta ni Areeyah. Yun yung papractisin natin bukas. At my house 5 pm. Okay bye!" Dire-diretsong sabi ni Grace at sumakay sa sasakyan niya.

Iniwan din kami ni Josh at bakas sa mukha ni David ang lito. Natawa naman ako sa kanya.

"Why are you laughing? Ano daw sabi ni Grace?"

I chuckled, "Magisip daw tayo nang kakantahin bukas. Ano ba kasing ginagawa mo sa phone mo?"

Sisilip sana ko nang itago niya ito sa bulsa niya. Tiningnan ko naman siya gamit ang nagtatanong kong mga mata.

"Wala to! Halika na nga! Hahatid na kita." Ani niya at inakbayan ako.

Tumawa na lang ako sa ginawa niya.

Nang nakarating kami sa condo ko ay agad din naman siyang namaalam dahil may lakad pa daw siya.

While preparing my dinner, Gail texted.

Gail:

Video call Ate.

Agad kong ipinuwesto ang laptop ko sa lamesa habang naghahanda ng pagkain. Tinawagan ko sila at bumungad sa screen ang mukha nilang tatlo.

Before I Die (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon