Chapter 26

292 6 0
                                    

Chapter 26

Timothy's

Pabalik-balik ang lakad ko sa harap ng emergency room at nagdadasal na sana okay lang si Areeyah.

Nakita ko lahat nang nangyari, kung paano niya pinagtabuyan ang mga kaibigan niya at kung paano siya umiyak at nahimatay.

I don't know why she has to do all of these things? I don't know what is her principle about death pero sa tingin ko ay dapat hindi na niya pinagtabuyan lahat ng taong mahal niya. It is even hard to leave knowing that everyone's mad at you.

Halos maibulong ko na ang lahat kay Lord. Please don't get Areeyah at this moment. She needs more time. I need to correct things first. Kailangan mabago ko muna ang pananaw niya sa kamatayan. Kailangan niya muna maibalik ang lahat sa dati. Lance loving her until the end and her friends supporting her until her death. I need to correct those things first.

Halos kalahating oras na ang nakakalipas pero hindi padin lumalabas ang doktor para kausapin ako. I already texted Gail para sabihin ang nangyari sa kanya and according to her ay lilipad din agad sila dito bukas at ako muna ang magbantay sa Ate niya.

Hindi ko alam kung dapat ko bang itext si Wella dahil sa nangyari sa kanila kanina and for sure, magagalit si Areeyah kapag pinangunahan ko siya. Pero, wala akong magagawa dahil plano ko naman na sabihin sa kanila na may sakit siya, kailangan nilang pumunta dito ngayon.

Ako:

Wella, Areeyah fainted. Nasa ospital ako ngayon. Can you go in here? -Timothy

Makalipas ang ilang minuto, nanatili akong nakaupo at nakayuko para magdasal. Kinakabahan ako para kay Areeyah. Paano kung hindi na siya magising? Paano kung hindi ko na mabago ang lahat?

"TIMOTHY!" May narinig akong sumigaw at paglingon ko, isang suntok agad ang natanggap ko mula sa nagbabagang mga mata ni Lance.

"Shit!" Sabi ko habang hawak ang panga ko.

"LANCE!" Sigaw ni Wella mula sa likod.

Nakita ko naman ang pagtakbo din nila Paul na nakasunod kay Wella.

"Fuck you dude! Pinagkatiwalaan kita na walang mangyayaring masama sa kanya! Anong ginawa mo ngayon!" Galit niyang sabi.

Tumayo ako at nagpagpag ng sarili, "Pwedeng kumalma ka muna?" I asked. Hindi ko maipapaliwanag nang maayos sa kanya to nang galit siya.

"Shit dude! Anong ginawa mo!" Singhal ni Paul.

Napahawak naman si Wella sa braso ni Lance, "Lance, may eksplanasyon ang lahat nang to please calm down." Mahinahon niyang sinabi.

"Kalma? Wella, sa loob ng limang taon naming pagsasama ni Areeyah, ni isang beses hindi ko siya hinayaan na mapunta sa ospital! I always make sure na lagi siyang malakas! But this guy!" Turo niya sakin, "Just did it."

"Lance ano ba?" Iritadong sigaw ni Sandra, "Eh kung kumalma ka kaya muna? Let Timothy explain, para kang si Gerald e! Lahat dinadaan sa init ng ulo!" Sigaw niya.

"Ba't ako nadamay?" Singit ni Gerald at sinamaan siya nang tingin ni Sandra.

Huminga nang malalim si Lance bago ako lingunin, "Sige nga, ano nanamang katangahan ang ginawa mo at napahamak nanaman si Areeyah?"

"Nahimatay siya pagkatapos niyo siyang iwan-"

"So anong sinasabi mo? Na kasalanan namin?"

"Will you just listen to him first!?" Sigaw ni Sandra at inirapan si Lance

"Areeyah has...cancer." Nagbara pa ang lalamunan ko bago sabihin ang salitang yun.

Mga gulong-gulong mukha ang ibinigay nila saakin. Bukod kay Wella na malungkot ang mga mata.

"What the fuck? Anong sakit? Timothy tigilan mo kami ha." Nababanta ang boses ni Gerald.

"Seryoso ako! Lahat ng nangyayari ngayon? Plano niya to! Ang pag-iwan niya sayo, pagpapanggap namin na may relasyon kami, ang pagsasabi niya kay Wella na kunin ka niya sa kanya dahil alam ni Areeyah na mahal ka ni Wella at ang pagpunta niya dito sa New York ay plano niya!"

Umiyak si Wella.

"Lance, mahal na mahal ka ni Areeyah na umabot sa puntong iniwan ka niya para maging masaya ka!"

Umiling-iling si Lance.

"Nice story bro. Pero di mo ko mapapaniwala. Kilala ko si Areeyah-"

"Oo! You know her very much pero hindi mo ko papaniwalaan? Hindi mo man lang ba naisip na kaya niyang magsakripisyo para lang sumaya ang mga taong mahal niya?"

Muling nag-alab ang mga mata ni Lance at sumugod saakin. Wala na kong pakielam kung ilang suntok pa ang matanggap ko sa kanya, kailangan ko lang siya mapaniwala na totoo lahat ng sinasabi ko.

"H'wag na h'wag mo kong kukwestyunin sa mga bagay na alam ko!" Sigaw niya.

"LANCE! TOTOO! EVERYTHING THAT TIMOTHY JUST SAID IS TRUE!" Sigaw ni Wella na nakapagpatigil sa galit ni Lance.

Napalingon siya sa umiiyak na si Wella, "Wha-what!?"

"Totoong may sakit si Areeyah, brain cancer, stage 4. Ayaw niyang tumanggap nang kahit anong medication dahil matagal na niyang tinanggap ang kapalaran niya. She was said to live until three months. Napansin mo ba? Last month, nakipaghiwalay siya, naging sila ni Timothy, at pinilit ko ang sarili ko sayo? Kasi yun yung gusto niya! And right this time, last month na niya to para mabuhay! Kaya ngayon, sobrang hina na ng katawan niya at dumagdag pa ang stress dahil sa pagtataboy niya saatin!" Umiiyak na si Wella na dinaluhan din nang umiiyak na si Sandra.

Napaupo si Lance at napayuko. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya sa ngayon kaya pinabayaan ko na lang siya muna.

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at napalingon kaming lahat doon.

"Are you the family of the patient."

Tumango kami.

"So, how is she?" Tanong ni Gerald.

"For now, she's already stable and resting but, I will just inform you that her cancer is swallowing her whole system. I'm sorry to tell you but, I don't know how long she may live. Maybe, 2-3 weeks because in her case, she did not take up any medications that's why the cancer cells are getting doubled as fast as it could be. Right now, all we can do is pray and also keep her away from stress. You can go inside. Now, may you excuse me." Ani Doktor at ngumiti saamin.

"Thank you doc." Tumango siya at umalis na.

Lalong umiyak ang dalawang babae sa mga narinig. Tulala naman ang mga lalaki at parang hindi makapaniwala sa mga narinig.

"Shit." Bulong ni Lance at umupo muli at yumuko.

"Lance." Sabi ko at hinawakan ang balikat niya, "Be there for her. I know of all people aside from her family, she needs you the most. Stay beside her until the end."

Hindi siya umiimik pero alam kong naintindihan niya ko.

Pumasok nadin kami sa kwarto niya at nanatiling tahimik.

Lance stayed beside Areeyah's bed. Compared to the Areeyah before, mas pale na ang mukha niya ngayon. At kitang-kita mo na sa mukha niya ang bigat nang karamdaman niya.

"Baby..." Mahinahon na pagkakasabi ni Lance kaya napalingon kaming lahat at napatayo.

"La-lance?

"Yes baby...I'm here."

Nakita ko naman ang pagtulo nang luha ni Areeyah.

Alam ko, alam kong masaya ka.

Before I Die (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon