Chapter 27

325 4 0
                                        

Chapter 27

I felt like flying...

As I open my eyes puti agad ang nakita ko. Everything is white. Wala akong makitang kahit ano kundi puti.

Kahit gasgas na tong linya na to, gusto ko padin magtanong, nasa langit na ba ako? Patay na ata ako? Ang naalala ko na lang ay ang pagpikit nang mga mata ko habang pinagmamasdan ang lalaking tumatakbo sa harap ko at sinisigaw ang pangalan ko.

"Baby..." Someone whispered.

Unti-unting luminaw ang paligid, yung puting nakikita ko ay ang ceiling ng isang kwarto, lumingon ako sa kanan at naaninag ko ang mukha ng taong minahal ko ng sobra-sobra.

"La-lance?" I asked.

"Yes baby, I'm here." Ani nito.

Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito? Diba dapat ay galit ka sakin kasi pinagtabuyan ko kayong lahat? Ang dami kong gustong itanong pero walang lumalabas na kahit anong salit galing sa labi ko. Luha lang ang nagiging daan para masabing gusto kong magtanong sayo.

"Tatawag ako nang doktor." May nagsalita kung saan at kumalabog ang pinto.

"Lance..." I said.

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko, "Yes baby?" He asked.

Hearing him calling me baby again, makes me cry more. Wala siya dapat dito. Hindi siya dapat nandito.

May pumasok na kung sino at sa tingin ko ay doktor iyon. Kinamusta niya ko at nagtanong ng ilang mga katanungan na siyang nasagot ko naman.

Pagkatapos ng ilang paalala ay lumabas din ang doktor. Binalot ng isang nakakabinging katahimikan ang buong kwarto, lahat sila ay tahimik at sa tingin ko ay walang balak magsalita.

I cannot find the right words para mag-explain sa kanila. I know right this moment alam na nila ang lahat and I'm sure na kaya sila tahimik ay hinihintay nila ang mga sasabihin ko. But, what can I say? Sorry for being the most stupid girl who made all her friends mad at her just tp die alone? But, that's the only thing I know to leave peacefully.

Unti-unting lumapit si Sandra saakin at ginawaran ako ng isang matinding yakap. I hugged her back.

"You know what? I'm really mad at you." Panimula niya habang nakayakap saakin, "Bakit di mo sinabi? Bakit kailangan mo pa kaming pagtabuyan?" Sabi niya sabay ang paghikbi niya.

"Sorry. I'm sorry." I smiled while saying that.

"Don't you even dare to smile." Matigas na sabi ni Gerald.

Natawa naman ako sa sinabi niya. Kumalas si Sandra sa yakap at sinimangutan ako.

"What? I said I'm sorry alright? It doesn't matter anymore kung ano yung mga dahilan ko okay? Ang mahalaga ngayon, alam niyo na."

Erased that plans. Now I've realized that it is more important for them to know.

"Pero, hindi padin ako makapaniwala na kinaya mo yun lahat. You're a brave one Aree." Ani Paul. Ngumiti naman ako at tumango.

"So, you are all okay with me now?" I said.

Ngumiti naman sila.

"Gerald?" Tawag ni Sandra sa kanya nang hindi siya nagreact sa tanong.

Hindi padin siya nagre-react.

"Rald? Come on, I'm sorry okay?" Sabi ko nang nakangiti.

"I said don't smile. Do you think this is a funny thing Aree?" Madilim niyang sinabi.

"Gerald! Para ka talagang bata! Diba? Nagusap na tayo? We'll support Areeyah in her decisions at desisyon niyang tanggapin ang magiging kapalaran niya, can you just support her? Please?" Galit ngunit nakikiusap ang boses ni Sandra.

Lumapit naman si Gerald at niyakap ako, "Damn girl, kung hindi lang talaga kita mahal."

Tumawa naman ako habang yakap-yakap niya.

Tumunog ang pinto at lahat kami ay napalingon doon. There was...Lance.

"Uh...Iwan muna namin kayo." Ani Wella at isa-isa na silang lumabas.

Lumapit si Lance sakin gamit ang mga malulungkot niyang mga mata. Ngiti ang isinukli ko sa mga matang iyo. Dumiretso ang kamay niya sa kamay ko at naramdaman ko ang higpit nito.

How much I missed these touch.

"Are you going to look at me like that until the end?" I asked.

"Areeyah!" Saway niya na siyang nakapagpatawa sakin.

"Lance, I'm serious. I want you to smile until I die. Okay?"

Agad niya akong ginawaran ng halik. Napapikit ako kasabay ng pagluha ko.

Ipinatong niya ang ilong niya sa ilong ko and like how he used to do, he cupped my face.

"I missed you. I missed holding your hand. I missed cupping your face and I missed kissing you. Kung sinabi mo lang sana sakin lahat, I would even do this everyday."

Nanatili akong tahimik.

"Sinulit ko sana lahat ng oras na magkasama tayo. Hindi ko sana binitawan yung mga kamay mo. Sana..."

Inilayo ko ang mukha ko sa mukha niya.

"Lance, enough. Baka hindi ko pa kayang iwanan ka e. Lahat ng ginawa mo? It's fine. It's enough. Having those five amazing years with you is enough to bring into the afterlife."

Hinigpitan niya pa lalo ang hawak sa mga kamay ko.

"I'll never let go of this hand. I promise." He said.

I smiled.

Knowing that in all of the things that I did, he still loves me. That was enough. Yun lang naman ang hinihingi ko e. Ang patuloy niya kong mahalin kahit maka-ilang beses ko na siyang sinaktan. Siguro nga, tama na kapag sobrang mahal mo ang isang tao ay kahit paulit-ulit kang saktan, mahirap mawala ang tindi ng pagmamahal mo sa kanya.

Lance, was like that. Katulad ko, ang lebel ng pagmamahal niya saakin ay mas mataas pa sa mataas. Na kahit umiyak siya sa harap ko, magmakaawa siya na balikan ko siya ay gagawin niya maibalik lang ako sa tabi niya. At ngayon narealize ko na ang ganoong klase nang pagmamahal ay hindi dapat sinasayang. Sa sitwasyong mayroon ako, dapat sinusulit ko ito dahil alam kong bilang na lang sa mundo ang mga babaeng nakakaranas ng ganitong klaseng pagibig.

Sa gitna nang kadiliman, nahanap ko ang liwanag. Liwanag na nagmula sa pagmamahal ng mga taong nagmamahal saakin.

Napadilat ako dahil sa matinding sakit ng ulo. Everyone is in their deep sleeps. I looked into the clock and it's 11:50.

10 minutes...

10 minutes left...

"Baby..." I said softly.

Umangat ang ulo ni Lance at tumingin nang may pagaalala sa mukha.

"Why? What do you want?" He asked.

"Can you just take me outside?" I asked.

"Huh?" Nagtataka niyang tanong, "Why?" He said.

"I...just...want to see the...stars." Nanghihina kong sabi.

My head is throbbing really hard.

Di ko na kaya...

Tumango siya at tumayo.

My last plan...I need to do it now.

Before I Die (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon