Chapter 16

219 3 0
                                        

Chapter 16

Nakakarindi ang salitang "congratulations" para sa araw na ito. Kahit sinong madaanan ko, yun ang bati sakin.

It's been a week since I won that Ms. Foundation Week pero hindi padin ata maka-move on ang mga tao.

"Oh." Ani Timothy at inabot saakin ang sandwich.

Nasa quadrangle kaming dalawa ngayon at dahil parehas na panghapon ang finals namin ay hinihintay lang namin mag-alas dose. Hindi pa daw kasi papasok sila Wella kaya siya ang kinulit ko para samahan ako.

"Ang hirap mag-move on no?"

Napatingin ako sa sinabi niya.

"Huh?" I asked.

"I mean, yung mga tao, hanggang ngayon binabati ka pa nila."

"Ahhhhhhhh."

Tahimik kaming kumakain nang nagbell. Kaya nagdesisyon na kaming tumungo sa building namin. As usual, bitbit niya ang bag ko.

Nasanay nadin siguro ang mga tao na magkasama kami. May mga ilan na napapatingin parin saamin, may mga nakasimangot, may mga biglang nagbubulungan kapag nasasalubong namin but, a big portion of our school's population doesn't care anymore.

I guess that's one good thing about people. They change. Nagbabago din sila ng pananaw later on. Maybe nung umpisa they are asking what happened but right now, they don't look for answers anymore. Marunong silang masanay, marunong silang makuntento sa nakikita nila.

Nang makarating kami sa room ay kinuha ko agad ang bag ko at umalis din si Timothy. Nasa 3rd floor ang classroom ko at 1st floor naman siya.

"Anong oras ka pumasok?" Bungad ni Sandra.

"Around 11:30? Why?" I asked.

"Di mo nakita si Wella? She's with Lance earlier."

When Sandra said that kumirot ang puso ko. But a part of me is happy on what's happening. I want Lance to move on as fast as he can. After ko makuha ang final grades namin ay aalis na ko. Kaya kailangan ok na si Lance pagalis ko.

"Sandra!" Boses ni Wella.

Ayoko man tumingin pero di ko napigilan ang sarili ko. I want a glance of him. Kahit hanggang tingin na lang ako. Okay lang.

And Sandra's right. Lance is with her.

"Hi Wella!" Maligayang bati ni Sandra.

Sumama siya kay Wella papasok.

"Hi Sands, Hi...Aree." Nagaalangang bati niya.

"Hi." I simply said kahit sumabog na ang puso ko sa simpleng pagbanggit niya sa pangalan ko.

"I smell something fishy! Bakit kayo magkasama!?" Pabirong sabi ni Sandra.

Ngumiti si Wella at tumawa si Lance.

His laugh.

How much I missed hearing that.

"Sinamahan ko lang si Wella magreview sa library kanina." Ani Lance.

"Ang daya! Bakit di niyo ko sinama!?" Pabebeng utas ni Sandra.

"Nagsabi ka ba? Hindi naman e!" Matawa-tawang sabi ni Wella.

Napapangiti na lang ako.

"Ikaw Areeyah? Nagreview ka na?" Tanong ni Lance.

Natigilan ako, "Ha? Ako? Ah. Oo naman." Nakakainis! Ang pangit ng tono ko!

"Okay. Sana sumama ka samin kanina." He said.

He used to be my study buddy. Kung ico-compare naman kasi saakin, mas matalino talaga si Lance especially sa math. We are both dean's listers pero mas matataas padin ang grades niya saakin.

Before I Die (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon