Chapter 14
"Areeyah. I'm glad that you came. Akala ko, di mo ko kakausapin."
Ayokong ngitian si Kuya, pero alam kong natuwa ako at nakita kong hindi naman siya galit saakin. I've seen him mad once, noong nalasing din ng sobra si Lance dahil sa after party ng varsity team at ako ang napagalitan niya, hindi ko daw binantayan ang pag-inom ni Lance.
Lance had this behavior na kapag sobrang lasing siya, nagwawala siya o di kaya hindi mapigilan ang bibig sa pagsasalita kaya ayaw na ayaw ni Kuya Lexon na nalalasing siya.
Tahimik ako sa buong byahe na kasama ko si Kuya Lex. Hinahanda ko lang ang sarili ko sa mga sasabihin ko sa kanya. Hindi naman siya nakielam sa pananahimik ko kaya mas umokay ang pakiramdam ko at nasiaayos ko ang utak ko.
We ended in a place where there are few people walking. Hindi ko alam ang lugar na ito and I didn't bother to ask.
"Areeyah." Panimula niya, "I'll get straight to the point, kilala mo ko, ayoko nang madaming sinasabi, why did you broke up with him?" Madiin ang tanong niya kaya naramdaman ko ang inis niya.
"Kuya, I'm sorry."
"Lance's been drinking a lot. Literally a lot. Umuuwi siyang lasing almost every night..."
I didn't know that.
"Hindi niya sinasabi saamin kung bakit and that's what made me more frustrated! Kung kelan kailangan namin ang kadaldalan niya kapag nalalasing, tsaka naman siya hindi nagsasalita."
Baby, why?
"Kapag nahimasmasan naman siya kinabukasan, I'm trying to ask him but he doesn't want to tell me. He'll said he's fine but, I know my brother that much that I know he's not."
Pinipigilan niya ang luha niya. I know how much he love Lance. Dalawa lang silang magkapatid at wala silang Tatay. Kaya si Kuya Lexon ang tumatayong Tatay ni Lance. If only I can change everything the way it was before para maging ok na ang lahat.
"Even Mama is crying because of Lance, Areeyah. Nakikita niya kung gaano kalungkot ang kapatid ko. Alam ko na alam mo kung gaano kamahal ni Mama si Lance dahil bunso namin siya at lahat ng makakapagpasaya kay Lance ay binibigay niya. Kaya nga kahit sobrang bata niyo pang dalawa ay pinayagan kayo ni Mama dahil napapasaya mo ang kapatid ko."
Tita! I'm really sorry!
Hindi ko napigilan ang luha ko at patuloy na siyang lumalandas sa pisngi ko nang tingnan ko si Kuya, maski siya ay umiiyak nadin.
"Areeyah, balikan mo ang kapatid ko. Yun lang ang naiisip kong paraan para maayos na ang lahat. Hindi na si Lance yung kasama namin sa bahay. Hindi na siya yung dating kapatid ko noong kayo pa."
"Kuya, I can't."
"Why? Because you love someone else? Areeyah, hindi ka iiyak nang ganyan kung hindi mo na mahal ang kapatid ko. And you think I will just believe you that you love someone else just quickly? I've been to relationships Areeyah, and alam kong hindi gaanon kadali magmahal nang iba ng mabilisan lang. At sa sitwasyon niyo ni Lance? I already know that you grew with each other's love."
"Kuya, totoo! Hindi ko na mahal ang kapatid mo."
Saglit siyang natigilan bago siya bumuntong hininga, "I won't believe you. Kahit gaano pa kadami ang rason na ibigay mo saakin, hinding-hindi ako maniniwala sayo. But, if you'll just tell me the truth? Baka sakaling hindi na kita pilitin na balikan ang kapatid ko. Kilala kita Areeyah, alam kong hindi mo iiwanan ang kapatid ko para lang sa ganoong rason."
"Kuya..."
"Areeyah, I'm begging you. Kung hindi mo sasabihin saakin hindi ko na alam ang gagawin ko kay Lance!" He's really frustrated.
BINABASA MO ANG
Before I Die (UNEDITED)
Ficción GeneralHow much can you sacrifice for the people you love? Areeyah Kate Almodovar is a college student living the best of her life. Everybody loves her, she's a jolly and carefree person and eventhough she's one of the richest girl in her university and he...