Chapter 4

254 7 0
                                        

Chapter 4

Umiyak ako magdamag. As in magdamag. Kaya nagdecide akong hindi pumasok kinabukasan.

Hindi na ako nagulat nang may mabasang text ni Lance ngayong umaga.

Lance:

I just wanna check if you're okay.

Hindi na ko nareply pa. Bakit ako magrereply? Ang kapal naman ng mukha ko. At tsaka bakit ako ang inaalala niya? Hindi ba't ako ang nanakit at nangiwan? Bakit ako Lance? Bakit parang ikaw pa ang may atraso saating dalawa?

Umagang-umaga, umiiyak nanaman ako dahil sa simple text na yun.

Kinatok ako ni Arexha pero ang sabi ko hindi ako papasok at masama ang pakiramdam ko. Wala naman ding nagabalang tanungin ako kung bakit.

Nakaupo lang ako sa kama ko maghapon. I can clearly see myself at the mirror infront of me. Sobrang pula at lalim ng mata ko. Isama mo pa ang eyebags dahil hindi ako nakatulog. Mukha akong bruha na hindi naliligo ngayon.

Sunod-sunod din ang flood ng mga kaibigan ko, especially Wella and Sandra.

Gerald:

Did you and Lance had a fight? Mukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa.

Paul:

Aree, bakit di pumasok? Is it because of Lance?

Dianne:

Hey, bakit ganun si Lance? Mukhang galing sa matinding pagiyak? What happened?

Klare:

Anong nangyari sainyo? I saw your pics yesterday mukha namang masaya kayo, bakit mukhang galing sa iyak si mokong?

Sandra:

Anong nangyari? You need someone to talk to?

Wella:

Hey, are you okay? Heard that you and Lance had a fight? Hindi siya papasok ng ganon ang itsura kung simpleng tampuhan lang to. Sandra and I are waiting for you. Rest well.

At marami pa. Pumasok siyang mukhang devastated. At napansin yun ng lahat. Syempre, lagi siyang napasok ng fresh looking siguro nanibago sila sa itsura ni Lance ngayon.

Wala akong nireplayan kahit isa. I just need some time alone. To think. To think if kaya ko pang bawiin lahat ng sinabi ko sa kanya. Kung tama pa bang bawiin ko lahat.

Bumalik ulit ako sa ulirat nang nagring ang phone ko. Si Wella, natawag, pero hindi na ko nagabala sumagot. Pero nagtext din siya agad.

Wella:

My god Areeyah! Answer the damn phone! Your devastated boyfriend just punched Timothy's face here!

Shit! What the hell happened!?

Agad-agad akong tumayo at humugot ng kahit anong damit. Sumakay agad ako sa sasakyan ko. Yes, I have my own car pero dahil may Lance ako noon ay hindi ko to nagagamit.

Pagkapark sa school ay agad kong dinial ang number ni Wella.

"Where the hell are you!?" Singhal niya.

"Nasan ba kayo?"

"School grounds! Ayaw magpaawat ni Lance! Bilisan mo!"

Shit! Shit! Shit!

Nagkakagulo sa school grounds pagkadating ko. Tumambad sakin ang duguang panga ni Timothy at ang nanlilisik na mata ni Lance.

"Shit Lance! Ano ba! Stop it dude!" Pigil ni Gerald at Paul sa kanya.

Before I Die (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon