Chapter 15
"Guys! We'll start at 5!" Sigaw ni Ms. Cruz.
"Sure ka okay ka na sa ganyang look?" Tanong ni Wella sakin.
"Wella, you know Areeyah's natural beauty! Light make-up lang lumalabas na ang ganda niya!" Maligayang sabi ni Sandra.
Natatawa na lang ako sa kanila dahil mas mukha pa silang taranta kesa saakin. Panay din ang ayos ni Wella sa buhok ko at si Sandra naman ay kaka-hawak sa mukha ko.
"Kasi naman Sandra, look at them. Lahat sila ang kakapal ng make-up."
Napalingon naman kami ni Wella sa ibang babaeng contestants, yung mga labi nila ay pulang-pula na ang layo sa labi kong kulay pink. Ang mga mata nila ay nangi-ngitim sa kapal ng eyeshadow na ang layo sa gold kong eyeshadow.
"Ay nako Wella! Mas nananalo yung mas natural ang ganda!"
Medyo napalakas ang pagkakasabi ni Sandra kung kaya't nagsalita si Kianna mula sa di kalayuang upuan.
"As if mananalo ang mga mandaraya, baka nga pati dito nandaya siya e. Tsk."
"What did you---" Papatol sana si Sandra pero pinigilan ko siya.
"Sandra, h'wag na. I'll promise, gagalingan ko na lang."
Tumango naman si Sandra, "Nakaksuffocate ngayon, puntahan ko lang si Timothy. Okay?" Hindi na niya kami hinintay sumagot at dire-diretso siyang umalis.
"Girls! Backstage!" Sigaw ni Ms. Cruz.
"Galingan mo ha? Good luck." Ngiti ni Wella saakin.
Sa backstage, nagkatagpo ang mga babae at lalaki. Tumama agad ang paningin ko kay Lance. White really suits him well. Lahat kami ngayon ay naka-white shirt at jeans. Pero bakit kahit ganoon lang ang isuot niya, ang gwapo niya padin?
"Kate." Napalingon ako kay Timothy na siyang tumawag sakin.
Hindi mo maipagkagkakaila na gwapo din si Timothy sa puti. Nakikita ang pagmalambot ng features niya lalo pa't naka-brush up ang buhok niya ngayon. Matapang ang buhok pero malambot ang sweet ang kanyang mukha.
"You look beautiful." Puri niya saakin.
Ngumiti naman ako, "Thank you and you look dashing."
"Talaga?"
"Oh? Bakit parang di ka naniniwala? Gwapo ka kaya!"
He chuckled, "Well then, thank you."
Tumawa naman ako dahil mukhang napipilitan ang pagpapasalamat niya.
"Lance! Ang gwapo-gwapo mo naman!" Malakas ang pagkakasabi ni Kianna na siyang nakaagaw ng atensyon namin ni Timothy.
"Thanks." Walang ganang sabi ni Lance.
"Alam mo, buti na lang wala na yung girlfriend mo ngayon. You don't deserve a CHEATER anyway. Sayang ang kagwapuhan mo."
Alam kong sinadya ni Kianna na iparinig saakin iyon. Akala ko ay aapela si Lance sa narinig ngunit, nanatili siyang tahimik. Ewan ko pero, nasasaktan ako kasi hindi niya ko pinagtanggol.
"Calm yourself. Mananalo ka pa." Bulong ni Timothy nang mapansin ang pagkuyom ng kamao ko.
"And Lance, kung magmamahal ka ulit, sana mamili ka na nang tama yung hindi ka ipagpapalit sa loob lang ng isang buwan."
Napapapikit na lang ako sa naririnig. Gustuhin ko mang magsalita pero wala ako sa lugar para mageskandalo.
Naramdaman ko ang paghawak ni Timothy sa kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya na para bang ipinapahiwatig niyang kailangan kong kumalma at h'wag ko nang patulan ang nagsasalita.
BINABASA MO ANG
Before I Die (UNEDITED)
Художественная прозаHow much can you sacrifice for the people you love? Areeyah Kate Almodovar is a college student living the best of her life. Everybody loves her, she's a jolly and carefree person and eventhough she's one of the richest girl in her university and he...