Chapter 17

204 3 1
                                    

Chapter 17

"AREEEEYAAAAAH!" kakalabas ko pa lang ng sasakyan yung sigaw agad ni Sandra ang bumungad sakin.

"What?" Medyo iritado kong sabi.

"You have to see this!" Sabi niya sabay hila saakin.

Nagpatianod na lang ako sa kanya. Hanggang sa nakarating kami sa kumpulan ng mga tao.

"Tabi! Tabi! Ano ba!? Tabi!" Sigaw ni Sandra kasabay ng paghawi niya sa mga tao.

Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. May nagvandalize sa building namin. At kahit hindi na tanungin pa, kilala ko na agad kung sino ang nasa likod nito.

"Areeyah the cheater"

Yun yung pinakamalaking nakasulat at ito agad ang una mong mapapansin dahil pintura ang gamit na panulat.

Napahawak na lang ako sa mukha ko. Actually, ilang araw na nila tong ginagawa. Nung una yung timba sa restroom, yung sumunod, sinira nila ang locker ko, sunod yung sinira nila yung upuan ko sa room and this one.

Hindi ako naapektuhan dahil alam ko naman sa sarili ko kung ano ang totoo. But, then again, masakit sa ulo. Pinapagalitan na ko ni Tita (Principal ng school) kung bakit daw ako napapasabak sa away.

Alam niyang hindi maganda ito sa image ko, image ng school at syempre sa kalusugan ko. Isa sa mga bilin ng doktor, umiwas ako sa stress pero mas lalo ata akong lumalapit sa stress ngayon.

"Everyone! Go back to your classrooms!" Biglang sigaw ng isang teacher at isa-isa na silang umalis. Kami na lang ni Sandra ang natira.

"Ms. Almodovar." Ms. Cruz called.

"Yes Ma'am?"

"Let's talk?"

"Uh, alis na po ako." Pagpapaalam ni Sandra at hinawakan ang kamay ko bago umalis.

"This is the fourth time Ms. Almodovar. Wala ka ba talagang idea kung sino ang gumagawa nito sayo?" She asked.

Yes, hindi ko sinusumbong sila Kianna sa mga pinaggagagawa nila. Gusto ko kasi, mapagod na lang sila at tumigil na lang bigla. At isa pa, ayoko silang maparusahan.

Umiling ako.

"Ms. Almodovar, nangyari lang to after you won on the Ms. Foundation Week, baka naman isa sa mga nakalaban mo? Any idea?"

"Wala po talaga Ma'am eh, sorry po."

"Okay, go back to your classroom and let the higher ones investigate about this."

"Okay Ms." I said at naglakad papunta sa room.

Kianna's been attacking me without seeing her. May bigla na lang siyang sinisira o kaya ginagawa na kinakagulat ko. Hindi din naman kami nagkikita dahil hindi ako napapadpad sa building nila.

Hindi din siya sa canteen nakain, I wonder what happened to her. Hindi din kami nagkakatagpo sa kahit saang corridors.

After class, I texted Timothy na gusto kong magice-cream pero hindi siya sumasagot. Ang huling text na narecieve ko ay sabi niya he'll fetch me after class.

Hinanap ko siya sa building namin pero wala siya sa room.

Then, I saw him on the part of our building na kung saan nandoon yung vandalized wall. Nakatayo siya doon, nakatiklop ang pantalon at basa ng bahagya ang buhok.

Nagtaka ko kaya lumapit ako at nakita kong basa ang sahig at dingding.

"Timothy?" I said at napalingon siya.

Before I Die (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon