Chapter 24
"Bakit sila nandito?" I asked.
"Noong nakaraang Linggo, pumunta si Paul sa bahay ko. He asked me kung nasaan ka pero hindi ko sinabi at sabi ko lang ay hindi ko alam. Pagkatapos noon, ay silang lahat na ang pumunta..."
"Including?"
"Yes. Including Lance. Siya mismo ang nagtanong kung nasaan ka, pero hindi ko padin sinasagot. Tinanong nila kung bakit hindi ko alam ang sabi ko lang nag-break tayo."
Nanatili akong tahimik habang nagkukwento siya.
"Then Lance punched me. Yung suntok katulad noong naghiwalay kayo."
"What!? Bakit ka niya sinuntok!?" Gulat kong sabi.
"Kasi akala niya dahil naghiwalay tayo kaya ka umalis. Sinisi niya ko."
"Pagkatapos noon, ano nang nangyari?"
"Napakalma nila si Lance at si Wella na mismo ang umamin kung nasaan ka. At first nagalit sila kay Wella dahil hindi niya sinabi. Wella just told them that you have the reason on why you chose to go. And now, they want to know that reason kaya nandito sila ngayon."
"Hindi ka pa ba nila nakikita? And how did you find me?" Nagtataka kong tanong.
"My Tita Dina works in that bar."
Si Ma'am Dina!?
"Then she send me a pic of you with your bandmates. Ewan ko din kung bakit. Siguro dahil matagal na niyang sinasabi na pumunta ako dito at magtrabaho sa bar na yun. Pinakita niya lang sakin yung lugar."
Isang buntong hininga ang pinakawalan ko.
"Now, what are your plans? Magpapakita ka ba sa kanila?" He asked.
"I really don't know. Siguro naman hindi nila malalaman kung saan ako nagtatrabaho. Tsaka, Lance knows my address not my condo's address kaya hindi naman siguro nila ko mahahanap." Isang buntong hininga muli ang pinakawalan ko.
"Sige na Kate, I think you should go home. Alam kong naghahanap padin sila hanggang ngayon. Baka makasalubong mo pa sila."
"Where are you staying?" I asked. Baka kasi wala pa siyang natutuluyan dahil ako ang inaalala niya.
"We have a house here."
"Okay, I'll just text you and kapag nakita mo sila please h'wag mo sabihin kung nasaan ako."
"Makakaasa ka Kate." He smiled then left.
Lutang akong nakauwi sa condo unit ko. Hindi ko alam ang gagawin ko. Kapag nakita nila ako dito, wala akong ibang choice kundi aminin ang lahat kung bakit ako lumayo. At ayokong umabot sa ganon.
Napapikit na lang ako habang dinadama ang hangin mula sa mga puno sa paligid. Ang lakas ko na lang din magbalak na lumabas ng bahay kahit alam kong hinahanap nila ako.
Hindi din naman kasi ako pwedeng magkulong na lang sa bahay.
"Oyy!"
"Ay palaka ka!" Bigla kong sigaw nang may sumigaw sa tenga ko.
Pagdilat ko, tumambad ang nakangiting si David kaya agad ko siyang binatukan.
"Aray! What was that for?" He asked at hinihimas-himas ang ulo niya.
"For shouting? Paano kung atakihin ako? Sige nga!" Sigaw ko.
"Atakihin? Ang bata mo pa para atakihin at mamatay Areeyah." Nakatawa siya ngunit hindi ko kayang suklian ang tawa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/128525046-288-k448807.jpg)
BINABASA MO ANG
Before I Die (UNEDITED)
General FictionHow much can you sacrifice for the people you love? Areeyah Kate Almodovar is a college student living the best of her life. Everybody loves her, she's a jolly and carefree person and eventhough she's one of the richest girl in her university and he...