Mahimbing akong natutulog ng makarinig ako ng katok kaya kahit ayokong bumangon, eh bumangon ako dahil baka si aleng bebang nayun. Ang drug lord-- este landlord nitong appartment na inuupahan ko, ayaw pa naman nun ng naghihintay ng matagal ,medyo masungit rin kasi yung matandang yun. Menopause na ata
"Ahh g-goodmorning?" patanong na bati ko, pano ba naman nakakunot noo si aleng bebang at halata mong bad mood sya
"Walang good sa morning. Dalawang buwan ka ng hindi nagbabayad ng upa mo kaya anong Plano mo?" mataray na tanong nya sakin kaya napalunok ako sa sarili kong laway. Mukang mawawalan pa ako ng bahay ah
"Bigyan nyo lang po ako ng dalawang linggo pa and promise po magbabayad na ako. Nagastos ko po kasi yung pera eh." sabi ko at nag about ng 1,000. Buti nalang may ipon ako, yung ibang ipon ko kasi ay kinailangan ko para sa school.
Isa akong waiter sa isang sikat na restaurant pero hindi lang yun ang trabaho ko. Aba kung isang trabaho lang ang papasukin ko, Hindi ako mabubuhay dahil 3rd year college na ako. May binabayaran pa akong upa kaya kailangan ko na naman atang maghanap ng bagong raket
"Sige sige. Pwede na to, Basta sa susunod kailangan ko na ng buong bayad." sabi nya at lumayas na sa harapan ko. Hay buhay! Anong raket naman ang papasukin ko?!
Anyway my name is Erikha Rose Santiago. Wala na akong magulang simula baby pa ako pero keri lang dahil kaya ko namang mag isa. Lumaki ako sa auntie ko pero iniwan nila ako sa bahay ampunan nung lilipat na sila ng bahay. Umalis narin ako sa bahay ampunan na yun dahil may pangarap pa akong aabutin at hindi ko maabot ang mga yun kung nasa ampunan lang ako
"Hay buhay! Raket na naman." sabi ko sa sarili ko habang papasok sa banyo para maligo na dahil may trabaho pa ako
Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Hindi narin ako nag almusal dahil late na ako sa trabaho ko. Buti pala binulabog ako ni aling Bebang dahil kung hindi baka alas dose na ako magising
"Late ka ata ngayon." sabi ni laxus sa akin.
Laxus Rei katrabaho ko sya dito sa restaurant. Gwapo ng name no? Pati muka nyan gwapo kaya nga nagtataka ako kung bakit waiter sya eh
"Nahuli ng gising eh." sagot ko sa kanya habang inilalapag ko ang mga gamit ko
"Bakit ka naman nahuli ng gising?" tanong nya habang nakasandal sa locker
"Parang di mo naman alam. Busy akong tao diba. BUSY." pinagdiinan ko pa ang word na BUSY. Sa umaga waiter ako dito sa restaurant at sa gabi naman waiter ulit ako sa isang resto-bar. Pang waiter lang ata ang beauty ko eh
"Oo nga pala BUSY ka." tumatango tango pa sya habang sinasabi yun
"Oo at ikaw rin kaya bumalik ka na sa trabaho mo bago pa tayo mapagalitan." sabi ko dito
"Yes boss." sumaludo pa ito sa akin bago lumabas. Inilagay ko naman ang gamit ko sa loob ng locker at nagsuot narin ako ng apron bago lumabas para tumulong mag ayos
Busy ako maghapon at sa sobrang busy ko ay hindi ko na napansin ang oras. 5 na pala. Tinanggal ko na ang apron ko at kinuha na ang gamit ko dahil tapos na ang oras ng trabaho ko. Nagpaalam muna ako sa mga kasamahan ko bago umalis
"Uy rose teka lang!" napalingon ako kay laxus ng tawagin nya ako
"Nakakahiya ka naman. Maka sigaw ng pangalan ko wagas?" sabi ko ng makalapit sya sakin
"Eh kasi naman ang layo mo na sakin. Bakit ba nagmamadali ka?"
"Eh gusto ko ng umuwi eh."
"Kain muna tayo." aya nya sakin
"May pagkain pa sa bahay no." tanggi ko sa alok nya. Tag tipid ako ngayon bawal gumastos
Kailan ka ba hindi tag tipid?
Ay bakit ako kinakausap ng utak ko?!
"Don't worry libre ko." sabi nya kaya kumislap ang mata ko
"Sige tara na. Dun tayo sa dati." mabilis na sabi ko at hinatak na sya paalis.
"Libre lang pala ang kailangan para sumama." naiiling pero nakangiting sabi ni laxus
"Aba grasya yun no! At hindi dapat tinatanggihan ang grasya."
"At hindi dapat tinatanggihan ang grasya." sumabay pa sya sa huling sinabi ko "Alam ko na yang line mo na yan."
"Hahahaha ewan ko sayo. Tara na nga."
•
•
•
"Kaya favorite ko dito eh! Masarap ang pagkain." sabi ko habang kumakain kami
"Dahan dahan naman. Mabulunan ka nyan eh." saway nya sakin
"Hindi uso sakin yun."
"Yung totoo kumakain ka ba sa bahay mo?" tanong nya at dahil nga puno ang bibig ko ay tumango nalang ako bilang sagot
"Eh bakit parang hindi?" tanong na naman nya. Nilulon ko muna ang nasa bibig ko bago sumagot
"Kasi nagutom ako sa sobrang pagod. Ang sakit sakit na nga ng katawan ko eh."
"Kung masakit ang katawan mo edi wag ka munang pumasok sa resto-bar." sabi nya kaya mabilis akong umiling
"Hindi pwede yun no! Baka masesante ako ng wala sa oras."
"Binibigyan kasi kita ng tulong ayaw mo naman." tumingin ako sa kanya tsaka sumimangot
"Ang dami ko ng utang sayo dadagdagan ko pa ba? Hindi ko na nga alam kung pano ka babayaran eh."
"Hindi naman ako nagpapabayad." mas lalo akong napasimangot dahil sa sinabi nya
"Nahihiya kalang siguro. Tsaka alam ko namang kailangan mo rin yung pera." bumalik na ako sa pagkain ko pagkatapos sabihin yun
"Mas kailangan mo."
"Kumain ka na nga lang dyan."
"Makita lang kitang kumakain busog na ako." banat nya
"Banat banat ka dyan banatan kita eh."
"Hahahahaha eto na nga oh." nagpatuloy kami sa pagkain habang nagkwe-kwentuhan
"Thank you sa dinner laxus." sabi ko habang naglalakad kami papunta sa sakayan
"Ikaw pa eh malakas ka sakin."
"Sus. Sa susunod ako naman ang manlilibre sayo."
"Hihintayin ko yang susunod na yan." ngumiti ako sa kanya bago sumagot
"Oo ba." may dumaang tricycle kaya pinara ko ito
"Bye laxus see you bukas." kumaway ako dito bago pumasok sa loob. Papasok palang sana ako ng pigilan nya ako
"Bakit?" nagtataka kong tanong dito
"Oh kunin mo to para hindi masyadong manakit ang katawan mo." sabi nya at inabot sa akin ang salonpas
"Thank you. Ikaw din mag ganito ka ha. Sige bye." hindi ko na pinahaba ang sasabihin ko dahil mukang naiinip na si mamang driver
"Ingat ka!" sigaw ko at kumaway sakanya
Wala pang sampung minuto ay nnasa apartment ko na ako. Mabilis kong nilapag ang gamit ko at humiga sa kahoy na papag na nasa sala ng apartment. Maaga pa naman kaya may time pa akong mag take ng nap. Nag alarm ako bago matulog dahil baka hindi ako magising at kinabukasan na ako magising
★★★
BINABASA MO ANG
Im His Personal Maid
Dla nastolatkówMeet Erikha Rose Santiago ang personal maid ni Rhacks Jhustin Villaford She's noisy and he's silent She's jolly and he's grumpy He's the boss and she's just a personal maid Magkaiba ang ugali pero pagtatagpuin ng tadhana. Mahuhhulog ba sila sa trap...
