ERIKHA'S POV
"Nandito ako sa kusina ng bahay ni Mr. Jerk at nagluluto ng umagahan nya. Buti nga nakatagal ako sa ugali nya kahapon eh. Sinabi narin nya ang mga bawal nyang kainin at kung ano ano pang mga bagay pero hanggang ngayon hindi ko padin alam kung bakit Kailangan nya ng "personal maid" nakalimutan ko kasing itanong sa kanya
Ng matapos na akong magluto ng kakainin ng jerk na yun ay pumunta na ako sa kwarto nya which is katabi lang pala ng kwartong tinutulugan ko
"Mr. Jerk gising na." sigaw ko sa labas ng kwarto nya pero no response ang halimaw kaya tiningnan ko nalang kung naka lock ba ang pinto para papasukin ko nalang ang kwarto nya dahil sa totoo lang masakit sa lalamunan ang sumigaw ng sumigaw. So ayun na nga at dahil hindi naman naka lock ay pinasok ko na ang kuta ng devil na yun
"WAHHHH MY VIRGIN EYES!" sigaw ko tapos tinakpan ang mata ko. Pano ba naman pag pasok ko nakita ko syang naka boxer lang habang natutulog. My virgin eyes huhuhuhu nagkasala ako sa diyos . Huhuhuhuhuhu walang hiya talaga ang hinayupak na yun
"BAKIT BA ANG INGAY MO?!" sigaw sakin ng jerk na feeling ko naka upo na sa kama nya. Nakatalikod parin ako sa kanya kaya hindi ko sure kung naka upo ba sya
"G-gigisingin l-lang n-naman k-kita." utal na sabi ko habang nakatalikod parin sa kanya
"Tsk stupid." sabi nya kaya napaharap ako sa kanya ng wala sa oras
"Wala kang karapatang tawagin akong.... Stupid." sabi ko pero humina na yung sa dulo dahil nakita ko lang naman ang six pack abs nya.
Omy pandesal! Parang kailangan ko ng kape right now. Parang di ko na kailangan mag breakfast kasi anim na pandesal naman na yung nakahain sa harapan ko
"Laway mo baka tumulo." nabalik ako sa senses ko ng magsalita ang may ari ng pandesal
"B-bumaba k-ka n-nalang k-kung g-gusto m-mo n-ng m-mag b-breakfast." sabi ko at lumabas na ng kwarto nya. Yung virgin eyes ko Wala na pero okay lang yun atleast nakakita ako ng six pack abs, ano kayang pakiramdam kapag nahawakan ko Yun? Matigas kaya-- argghh! ano ba tong iniisip mo Erikha Rose? Erase erase, hindi ko dapat naiisip yung mga yun. Peste kasi yung Rhacks na yun eh ayan tuloy natotoxic utak ko
***********************************
RHACK'S POVNapailing nalang ako dahil sa stupid maid na yun. She's stupid, hard headed girl. Hindi nya talaga ako kilala tsk. Sa bundok ba nakatira yun? Well nevermind. By the way siguro naman kilala nyo na ako? Kung hindi pa again I'm Rhacks Jhustin Villaford.
Sikat ako bilang Model. Hindi ko nga Alam Kung bakit hindi ako kilala ng stupid girl na yun."You know how to cook?" tanong ko sa stupid maid ko. May talent naman pala ang babaeng to. Akala ko pagiging stupid lang ang alam nya eh
"Hindi. First time lang masarap ba? May lason yan." sarcastic na sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin. I'm her boss but the way she talk to me it's like we're just friends
"I'm your boss so you don't have the right to talk to me like that. Marinig ko pang sinasagot sagot mo ako paalisin na kita." sabi ko at sinamaan sya ng tingin
"Opo Mr. Jerk." sabi nya na parang hindi man lang natakot sa banta ko
"Call me boss or master." may diing sabi ko
"Opo master jerk- este master." sabi nya pero hindi ko nalang pinansin. Nang matapos akong kumain ay pumunta na ako sa sala at nanonood
"Uy nasa magazine ka oh." sabi ng stupid maid ko
"Isn't obvious? Stupid talaga." sabi ko at humarap ulit sa T.V
"Model ka pala. Omy ikaw ba yung napanood ko sa T.V? Ikaw pala yun." sabi nya kaya napatingin ako sa kanya

BINABASA MO ANG
Im His Personal Maid
Fiksi RemajaMeet Erikha Rose Santiago ang personal maid ni Rhacks Jhustin Villaford She's noisy and he's silent She's jolly and he's grumpy He's the boss and she's just a personal maid Magkaiba ang ugali pero pagtatagpuin ng tadhana. Mahuhhulog ba sila sa trap...